Opposite 56: Truth.

97 9 0
                                    

Black's POV

Tinanggal ng lalaki ang markarang tumatakip at pumipigil na makilala s'ya ng lahat.

Bawat isa ay nagulat sa nasaksihan, ang taong inaakala nilang patay ay buhay na buhay.

Natahimik si Xienna at tanging kay Xienno lamang nakatingin. Tumuloy ang pag-agos ng mga luha n'ya. Nawala ang mga iniisip n'ya.

Basta ang mahalaga ay buhay ang kapatid n'ya. Buhay ang kakambal n'ya.

"Don't cry, my Xienna. Ang pangit mo."

Hindi ito natawa sa sinabi ng kapatid, bahagya pa itong nakumpirma na s'ya talaga iyon.

Ngumiti ito at 'saka tumakbo sa kan'ya. Sinalubong ng yakap.

Tuwang-tuwa ito dahil sa wakas hindi pa huli ang lahat para mayakap at makasama n'ya ang kakambal n'ya.

"H-h-h-how?! How did you escape in that freakin' place?!" Takot na sigaw ni Dave.

Bumitaw sa yakap si Xienna, kuyukom ang kamay at ang dilim ng mata.

Sa isang iglap lang.

Sa isang iglap lang natumba ang lalaki dahil sa biglaang pag-atake ng dalaga.

Nakatingin ito sa kan'ya, galit na galit. At alam nitong katapusan na n'ya talaga.

Sa kabilang banda naman ay naka-ngisi si Xienno habang lumalapit sa kanila.

Hinawakan nito ang buhok ni Dave, "How are you?"

Simpleng salita, simpleng salita pero natakot si Dave. Alam n'ya ang boses na'to. Alam n'ya. Alam na alam.

"Y-y-y-you----" napapaatras ito.

Si Xienna ay nakatayo't nakatingin lamang, ganoon din si Aux sa kanila, ang ama nito. Ang lahat.

"Anong pakiramdam na napa-ikot kita katulad ng ginawa mo sa aming lahat?" ngising ngisi ito sa lalaki. Naramdaman ng lahat ang tagumpay sa boses nito.

"You were the one whose commanding me! That voice!" Sinapak ito ng binata.

"Don't you have any manners towards your master?" -Xienno.

"You blackmailed me! You crazy son of a bitc---" -Dave.

Sinipa ito ito ni Xienna at unti-unting namilipit sa sakit, "Don't talk to my brother like that. Or else I will cut that filthy tongue of yours."

"You will? Don't you want to hear some facts about your beloved twin?" sa huling pagkakataon, lumakas ang loob n'ya. Dahil hindi s'ya papayag na s'ya lang ang talo sa lahat.

Natahimik ito, tila hinihintay ang susunod na mga katagang lalabas sa kan'yang bibig.

"That man, your twin. He is the one blackmailing me to kill all of you. I'm just doing my part for my own family's sake." -Dave.

Napa-atras si Xienna at mabuti nalang dahil mabilis na nakapunta sa likod at saluhin s'ya ni Aux.

"I-is that true, Demmo?"

Alam ng lalaki na seryoso na ito dahil sa itinawag na pangalan sa kan'ya.

Pero ngumisi lang ito.

Ibang-iba ito sa Xiennong nakilala at nakasama n'ya.

Pero lahat naman tayo ay may itinatagong ugali. At ang sa kan'ya ay unti-unti ng nasasaksihan.

"Dumadaldal ka 'ata, Gelilirio? Napipintig ang tenga ko. Bakit hindi mo din aminin na ikaw ang may pakana ng lahat ng mamatay ang Ina namin ni Xienna at ang Ina ni Daux. Hindi ba? Mamamatay ka na din lang naman. Mabuti ng lahat lahatin na." -Xienno.

OPPOSITE: We Are EnemyWhere stories live. Discover now