Opposite 19: Time.

80 6 0
                                    

Xienna's POV

'Ah those jerks must be enjoying their bloody training.' I scroll through my cellphone while lying on my bed.

Nice, I've gained a pet thanks to them.

Napabangon naman ako ng makarinig ako ng tunog ng doorbell. At sino naman ang pupunta dito ng saktong hating gabi?

Nag-aalinlangan naman akong tumayo upang pumunta sa may pinto. I look through the scanner and see Aux. 'Ano namang ginagawa ng gagong 'to sa labas ng unit ko?'

Binuksan ko iyon at hinayaan na s'yang pumasok. Nag-tungo ako sa kusina at ramdam ko namang sumunod s'ya. I grabbed some tea for us.

"Is there something you need, Mr. Savero?" tanong ko dito at inilapag sa harapan n'ya ang tea na ginawa ko. Umupo ako sa harapan nito upang kausapin ito ng maayos. Syempre kailangan medyo formal, amo ko parin 'tong gagong 'to.

Tumingin ito sa akin at nagtitigan lamang kaming dalawa. Jeez, this man.

Nagsalita ako nang hindi pinuputol ang eye contact namin, "What is it, Mr. Savero?" pero 'di ito nag-paawat at hindi sumagot. "Mag-tititigan na lamang ba tayo dito?"

Ilang segundo pa bago ito tumugon, "Why?"

"What do you mean by 'why'?" kumunot ang noo ko. Oh my ghad, ano ba talagang pakay n'ya? Hello, gabi na po at hating gabi to be exact. Inaantok din ako at gustong mag-pahinga.

"Why are you doing this to me?" tumayo ito at nagsimulang mag-lakad patungo sa akin. Nag-tataka ko itong sinundan ng tingin.

"Can you explain more, I can't understand what are you saying at all." naka-lapit na ito sa akin, wala na ang isang metrong distansya sa aming dalawa.

"Why are you making me feel this?" titig pa rin ito sa mata ko.

"Teka nga. Ano ba 'yang mga tanong mo, Aux? 'di ko maintindihan. Antok lang 'yan. Bumalik ka na sa unit mo."

"Sana nga dahil lang sa antok."

"Nonsense. Inaantok ka lang talaga. Go back."

"I can't go back. Simula ng dumating ka nagbago ang ikot ng oras ko."

"Anong pinag-sasabi mo? Ay's ka lang?"

"Hindi. You keep destroying my life, by making my attention divert to you always and making this stupid heart to beat not the way they used to be."

"A-anong pinag-sasabi mo?"

"What did you do to me to make me this? To make me like you like hell."

Nanlaki at natigil ako sa kinatatayuan ko sa biglaang wika n'ya ng ganoon.

"Alam kong wala pang isang linggo ng mag-kita tayo. Pero, paano mo nakuha ang atensyon ko at gustuhin ka?"

Bubuka na ang bibig ko pero walang mga kataga ang lumalabas. I'm in shock.

"Hindi ako makatulog dahil lagi kitang naiisip. Hindi ako mapakali dahil sa bwisit na Sentille na 'yon. Naiinis ako sa tuwing nakikita kong may naka-aligid sa iyong mga lalaki maliban sa akin. Now, tell me that this act of mine ay hindi nagpapakita na gusto nga kita?" titig lamang ako sa kan'ya. 'di ko mawari kung ano ang i-aakto ko.

"I like you, Xienna." humakbang ito papalapit sa akin at yumakap. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at sinusubukang intindihin ang lahat ng nangyayari ngayong gabi.

OPPOSITE: We Are EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon