Opposite 53: Aux.

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagtungo ito sa likod ng upuan ni Shendy at hinawakan ang buhok at marahas na iniangat ang ulo nito.

Nang magtama ang mata namin, ilang luha ang sunod sunod na pumatak sa mula sa mata n'ya.

Hindi ko na ito binigyan ng pansin sa halip at tinitigan ng masama ang lalaki.

"Who are you?"

Nag-angat ito ng ulo, ibinaba ang mask pero naka-takip ang malaking hood nito sa mata n'ya.

"Call me DemX, ruler of Organisation de la mort." Nakita ko ang pag-ngisi nito.

"Pakawalan mo s'ya."

"Ito bang babae na ito? Bakit ko naman gagawin 'yon? Tanga lang ang nagawa noon." At mas lalo nitong hinila ang buhok n'ya, at dahil may tape ito. Hanggang daing nalang ang naririnig mula dito at hindi maintindihan ang gustong sabihin.

"Anong kailangan mo? Bakit mo ito ginagawa?"

"Ako? Alam mo naman ang Organizzazione nera, diba?"

Kinuyukom ko ang kamay ko. Marinig ko lamang ang pangalan ng putanginang organisasyon na 'yon. Nagagalit at nakulo ang dugo ko.

"Sino ka?"

"Isa ako sa kanila." Pagkabitaw n'ya ng mga kataga, pasugod na ako't handa na s'yang patayin.

Pero biglang may lumabas na patalim sa kamay nito at itinutok sa leeg ni Shendy. "Relax. Huwag kang basta basta susugod. Kung hindi papatayin ko ang babaeng ito."

"Patayin mo, wala akong pakialam." madiin kong banggit at naka-tingin pa din sa kan'ya ng masama.

"Ok lang naman sa akin, pero alam mo bang may kasama s'ya kapag pinatay ko ito?"

Nangunot ang noo ko sa sinasabi nito at kinabahan din sa hindi malamang dahilan, "Anong ibig mong sabihin?"

"Xienna Vig---

"Putangina mo huwag mo s'yang gagalawin!" Lalong nagkuyukom ang mga kamay ko at naramdaman ko ang paglabas ng ugat sa leeg ko.

"Woah-oh. Depende sa gagawin mo."

Natatakot ako. Natatakot ako para kay Xienna. Hindi ordinaryo ang lalaking ito dahil nagawa nitong pantayan ang lakas ko. At ibig sabihin kaya n'yang gawin ang sinasabi n'ya.

"Ano bang gusto mo?! Putangina! Huwag mo s'yang gagalawin." Nakita ko naman ang bahagyang pagtawa nito.

"Mas lalo mo ako binibigyan ng dahilan para galawin ang babaeng mahal mo? Hahaha!"

"Anong kailangan mo?! Huwag na huwag mong gagalawin si Xienna!"

"Simple lang, layuan mo s'ya. Iwan mo s'ya."

"Ano?! Gago ka ba?!"

"Hanggang mamaya lang ang time limit mo. Gamitin mo itong babae na ito. Habang nakikita kong magkasama kayo, may masasamang mangyayari sa kan'ya hanggang sa mamatay s'ya."

"Putangina mo, DemX!"

Nag-kibit balikat ito at ngumisi, "Naka-bantay ako sa'yo, tandaan mo 'yan. Paalam, parang may bibisitahin pa akong babae. Hahaha!"

"Huwag mo s'yang gagalawin!" Pero mabilis lang itong nawala sa paningin ko.

Napasipa ako ng malakas sa sahig, fuck this shit!

"Mm..Mmm..Mm.." Nilingon ko ang gawi ni Shendy.

An annoying bitch, what the heck.

Lumapit na ako dito at tinanggalan ng mga tabi at takip sa bibig.

Yumakap ito sa akin pero marahas ko itong itinulak.

'Xienna.'

Shit.

Hinila ko na itong babae na ito at lumabas na sa gusaling ito.

Kaya kong gawin ang lahat, Xienna. Sa ngayon, patawad kung masasaktan kita. Gagawin ko ang lahat upang maging ligtas ka. Babalik ako kapag maayos at tapos na ang laban sa pagitan ng dalawang mafia. Babalikan kita, my lady. Mahal ko.

Flashback ends•

Patay na ang gagong 'yon?

Nakahinga ako ng maluwag dahil kahit papaano, ligtas na si Xienna.

Ngayon tatapusin ko na lang ang laban sa pagitan namin ng Opposite ko.

"Yeah, that's sad. But, let's move on! It's a debut party, it means we have to be happy! We have a guess here. The ruler of Organisation de la mort, Mr. Lucifer Auxille Coquille! Daux!"

Pumasok na ako sa entrance, at nakarating na ako sa dulo.

Tinanggal ko ang maskara at nakita ko nama kung paano sila magulat ang pagtayo ng mga kaibigan ko.

Ito ang tunay na ako, at wala na akong tinatago pa sa inyo. Sana matanggap n'yo rin.

Tinawag ng MC si Khyler. Nangunot ang noo ko at nagtataka.

Huwag n'yong sabihin na kabilang s'ya sa Italian Mafia?!

"Thank you, It's an honored to introduce Young lady and Master. Good day, everyone! Let's welcome them with a smile! Mr. Lavuerte, the father and the Master of Organizzazione nera! And his beautiful daughter! Ruler of the Mafia, BlackViXX! Ms. XIENNA DEMMI VIGRE LAVUERTE!" -Khyler.

Nabitawan ko ang maskarang hawak ko ng banggitin ang pangalan nito.

Nakumpirma kong s'ya nga ng pumasok ito kasama ang kan'yang ama.

Nagtama ang mata naming dalawa at ngumisi ito.

Hindi pwede, hindi maaari!

S'ya ang Opposite ko?!

"Xienna."

OPPOSITE: We Are EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon