Kabanata 14

30 11 2
                                    

Sinubukan kong kumawala sa pagkakagapos ko pero wala akong nagawa. Tuluyan nang isinara ng babae ang pintuan kaya bumalot na naman ang kadiliman sa silid na pinagkukulungan namin.

Ang pulang pintuan. Bakit may larawan ng pulang pintuan ang babaeng yun? Alam niya ba ang tungkol dito? Kung ganun, dapat kong makausap ang babaeng yun. Pero papaano? Tsaka isa ko pang tanong, bakit nasa kanya ang kwintas ko? Anong kailangan niya dito?

Napakagat-labi ako pero napatigil ako nang malasahan ang malansang likido sa bibig ko. HInawakan ko ang gilid ng labi ko, at tama nga ang hinala ko. Nagdudugo ang labi ko. Bigla na naman akong nataranta. Ayoko sa dugo. Ayoko. Parang nawawala ako sa huwisyo kapag nakakakita o nakakaamoy o nakakalasa ako ng dugo. Kaya naman hindi ko namalayang lumuluha na naman ako. Kaasabay nito ang panginginig ng kamay ko at ng mga binti ko.

“Seri? Seri? Ayos ka lang? May masakit ba sayo?”, narinig kong tawag ni Ridge. Pero hindi ako sumagot, okupadong-okupado ako ng takot sa dibdib ko. Narinig ko ang kalansing ng kadena sa kabilang sulok kaya tingin ko’y sinusubukan ni Ridge na lumapit sa akin.

Mas lalong lumakas ang hagulgol ko. Dugo. Dugo. Dugo. Sinubukan kong pumikit at mag-isip ng ibang bagay peero punong-puno ng imahe ng nakakakilabot na dugo ang isip ko. Hindi ko namalayan na may maliliit na mga paa'ng gumagapang sa binti ko.

“Aaahhh!!!”

Daga. May mga dagang nakapalibot sa akin. Nararamdaman ko ang mga ngipin nilang ngumangatngat sa damit ko. Ang ingay nila. May isa na nakaabot na sa tiyan ko kaya sinubukan kong tumayo para paalisin ito dahil nasa likod ang mga kamay ko. Pero hindi ko magawang tumayo. Hindi ko na alam. Mawawala na ako sa katinuan. Nalulunod na naman ang isip ko sa imahe ng sarili kong katawan na duguan dahil sa mga dagang ito.

Sa kabilang sulok, naririnig ko rin si Ridge na parehas na nasa sitwasyon ko. Sa’n ba galing ang mga dagang ito?

Narinig ko ang isang katok sa pintuan ng silid na pinagkukulungan namin. Kasabay nito ang boses ng babaeng kumuha sa kwintas ko.

“Ang saya namang pakinggan ng mga sigaw niyo. Parang musika sa tenga ko,” humalakhak pa ang babae. Hindi ko na napigilan ang galit ko na umakyat sa puso ko. Kaya napasigaw na lang rin ako.

“Ang sama mo! Ilabas mo kami rito! Ano ba’ng kasalanan namin sa ‘yo?”

Napakalakas lang na tawa ang narinig ko mula sa babae. Patuloy pa rin akong nagpupumiglas dahil nararamdaman ko na ang pag-agos ng dugo ko sa may paa ko. Nakagat na ng daga.

Bigla na lang bumukas ulit ang pinto. Nakatayo sa labas ang maliit na tao. May dala itong kahon.

“Para daw kompleto sabi ni Madam, Tom and Jerry.”

Lumabas galing sa kahon ang isang hayop. Isang galising pusa. Pamilyar na naman ito para sa akin. Isinara ng maliit na tao ang pintuan kaya lumundag papunta sa akin ang galising pusa.

“Aaahhh!!!”

Akala ko ay kakalmutin ako ng pusa pero nagulat na lang ako nang marinig ko itong… magsalita.

“Malapit ng matapos ang oras mo Seri, tumakas ka na.”

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala. Nagsasalita nga ba talaga ito? O guni-guni ko na naman ito? Ang pagkakaalam ko’y mga halaman lang ang kaya kong kausapin. Pero ba’t naririnig kong magsalita itong pusa?

“N-nagsasalita ka?”

“Huwag ka ng magulat Seri, eh hindi ba kakayahan mo ito? Tumakas ka na, mamayang gabi ay magsasara na ang lagusang binuksan mo. Pag hindi ka pa nakabalik ay alam mo na ang mangyayri sa iyo.”

ParallelWhere stories live. Discover now