Kabanata 7

33 12 0
                                    

Nakauwi na kami matapos ang dalawang gabing pananatili kina lolo Magnus. Sa loob ng dalawang gabi, napakaraming bagay ang natuklasan ko. Una, ang liham ni lolo Magnus, ang mga habilin niya, at ang kwintas, at isa pa, ang kakayahan kong makipag-usap sa mga halaman.

Pero, may problema ako. Kasi itong si Xander, tawag ng tawag tsaka mensahe pa ng mensahe. Hindi ko na lang pinapansin kasi hindi ko rin naman alam ano ang sasabihin eh. Isa pa, itong si Sia ang sama-sama ng tingin sa tuwing binabanggit kong tawag ng tawag si Xander. Balak ko sanang humingi ng tulong sa kanya kaso mukha na siyang tinutubuan ng sungay mabanggit ko lang ang pangalang Xander. Sabi pa niya, magising na daw ako sa katotohanan. Lubayan ko na daw ang manlolokong yun.

Ngayon lang rin naging malinaw sa akin ang lahat. Nagkahiwalay na pala si Seri at Xander dahil sa panloloko ni Xander. Nagulat pa nga ako. Hindi naman mukhang manloloko si Xander eh. Mabait pa nga siya sa ‘kin eh.

Sinara ko ang gripo matapos makapaghilamos. Nag-PE kami kanina. Ang pawis-pawis ko kaya naman nanghilamos siyempre. Palabas na ako nang pumasok ang apat na babae. Sa postura pa lang nila, alam mong mayayaman ang mga ito. Ang ganda-ganda pa nila.

Nilampasan ko sila ngunit hinila ng isa sa mga babae ang buhok ko.

“And where do you think you’re going witch?”

Hinila nila ako sa isang cubicle at sinipa.

“Aray! Ano ba’ng kailangan ninyo sa akin?”

Isang sampal ang natanggap ko sa morenang babae.

“Don’t you play dumb! You sneaky witch! How dare you na agawin sa ‘kin ang boyfriend ko?”

“Wala akong ginagawang masama! Hindi ko alam ang pinagsasabi niyo!”

Sabay na nagtawanan ang mga babae at inilublob nila ang ulo ko sa loob ng inidoro. Sinubukan kong magpumiglas pero mas malakas sila dahil mas marami sila.

“Perfect little Seri, tingnan natin hanggang saan ang kaya ng kalandian mo. Nagkakamali ka ng binangga. Enjoy your drink! Let’s go girls!”

Sabay na nagsialisan ang mga babae. Habang eto ako, hilong-hilo at diring-diri. Sino ba ang mga yun? At bakit nila ako ginanito? Ano ba’ng kasalanan ko?

Hinang-hina ako at hindi na makatayo. Iyak lang ako ng iyak. Hangga’t sa hindi ko namalayang halos dalawang oras na pala ako sa loob ng banyo. Nagsisimula na ang klase eh hindi naman ako makakapasok na ganito ang itsura. Kaya naman, nagpunta na lang ako sa may orchard ng paaralan.

Napapaisip na lang ako, hanggang kailan kaya ako dito? Namimiss ko na ang pamilya ko sa Varsena, lalong-lalo na si lolo Magnus. Kaso nga lang, hindi ko alam kung may dadatnan pa ba akong lolo Magnus dun. Hay nako, sinusubukan ko ng alamin ang purpose nitong kwintas na binigay ni lolo. Kaso wala, isa lamang itong ordinaryong kulay lilang bato.

“Ang lalim ng iniisip mo binibini ah,” napalingon ako sa kahoy na nagsasalita. Hitik na hitik ang mga sanga nito sa rambutan. Napangiti na lang ako sa kanya. Buti pa ang mga halaman nakakausap ko ng maayos. Eh yung mga tao dito wala man lang akong makasundo.

“Nako sinabi mo pa ginoong rambutan. Ang hirap hirap naman kasi ng sitwasyon ko ngayon eh. Kung may makakatulong lang sana sa ‘kin.”

“Luh, naririnig mo kami binibini?”, tanong naman ng katabing puno nito.

“Oo naman. Parang mahika hindi ba?”

“Kakaiba. Akala ko ay hindi totoo ang mga tulad mo, alamat lang kasi ang mga taong may ganyang kakayahan.”

“O ganun ba. Nagulat nga rin ako eh, na may ganito pala akong kakayahan.”

“Kwento-kwento ng mga ninuno namin ang mga katulad mo, anak raw ng diwata ang mga ganu’ng nilalang. Eh ikaw ba binibini, anak ka ba ng diwata?”

ParallelWhere stories live. Discover now