RED STRINGS

11 2 0
                                        

⚠️Warning: Curse words ahead :))⚠️

Do you believe in Love? I mean, no offense sa mga couples pero, anong feeling ng may ka partner? Yung laging may sumasama sa'yo other than your friends?

Sa lagay ko, I don't think I can trust someone besides my friends, and my mom.

"Tangina mo Maddie tara na!" Yaya ni Sammy na kanina pa ako hinihila palabas ng library.

"Pwede ba, magtigil kayo?"

"Mad, sa ating magkakaibigan, ikaw na lang walang--"

"So? Mabubuhay naman ako kahit wala akong boyfriend, uy." Natatawang sabi ko saka ngumiwi si January, "yeah, you bet."

"C'mon, it's just a blind date, man!" Si Veronica, "seriously? Ilang blinds ang balak nyong ipaharap sa'kin?"

"Hanggang sa makita mo yung para sa'yo." Sukong-suko nilang sabi saka ako tumango, "this is the last time na ilalabas nyo ako sa library ng para lang sa blind date." Diretsong sabi ko saka sila tumango.

At dahil mayayaman ang mga kaibigan ko, sasakyan nila ang ginamit namin para pumunta sa restong sila mismo ang nagpareserve.

"Iba 'tong isang 'to, promise." Sabi ni Jan saka ako tinulak papunta sa isang table saka sila mabilis na umupo sa isang gilid parang mafia.

Kingina, bakit po may ganito akong mga kaibigan, Lord? Masama po ba ako nung past life ko?

Naiilang akong umupo sa harap ng lalaki saka ngumiti, "I'm sorry." Yan ang agad kong sinabi. Lagi naman kapag may hinaharap sila sa'kin, palaging 'I'm sorry' ang sinasabi ko para tumango at umalis kaagad, pero iba nga ang isang 'to. Mabtibay, kingina!

"It's fine, by the way, I'm Alex." Sabi nya saka naglahad ng kamay, inabot ko naman yun dahil baka magmukha tayong maldita. "Maddie. Nice to meet you."  Pilit akong tumawa saka tumingin sa mga kaibigan ko para humingi ng tulong pero sinabihan lang akong "kaya mo yan" kaya naman tinaasan ko sila ng gutnang daliri saka ngumiti parang aso.

"Uhm, you might think that this is weird but.." napatingin ako sa kanya lalo na sa kamay nya dahil mukhang hindi sya mapakali! "Look, kung pinilit ka ng mga kaibi-"

"Iwastheonewhoaskedthemtosetusup." Mabilis nyang sabi kaya naman hindi ko sya naintindihan.

"I'm sorry, what?" Tanong ko saka sya napatingin sa akin na parang isang milyon nyang gustong sabihin ang word na sorry. "Don't misunderstood that please, hindi talaga kita narinig."

Huminga sya nang malalim bago nagsalita, "I was the one who asked them to set us up." Nakayuko nyang sabi saka kumunot ang noo ko nang matinde!

"What? I mean why? Bakit? Bakit mo gagawin yon?" Taking tanong ko saka sya nagtaas ng ulo at ngumiti.

"Nakalimutan mo na siguro." Sabi nya kaya naman mas lalo akong nagtaka.

Can he just say it? Like biglaan? Hindi yung paligoy-ligoy? Kasi ayokong nag-iisip.

"I'm sorry, but do I know you?"

"Remember when you fought the cashier last month? Kase she took advantage of me?" Sabi nya saka lumaki ang mata ko!

"Ah! Ikaw yon?" Tanong ko saka sya ngumiti, "I mean, yeah, I remember you, pero hindi ganun ka clear." Sabi ko para hindi masakit pakinggan.

Nang malaman kong nakita ko at nakausap na sya dati, medyo naging komportable na 'kong kausap sya kaya naman napatingin ako sa mga kaibigan ko na parang spy kung umupo.

Habang nag-uusap kami, may batang tumatakbo habang may dalang ice cream, ayun, napatid, medyo tanga eh kaya naihagis nya sakto sa damit ko ang dala nya.

Imagine ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon