CHAPTER 33: Advice? Agree or Disagree?

4.7K 176 54
                                    

STELLA'S POV

"Gising na ba siya?"

"Oy! Wag nga kayong malikot!!!"

"Sila 'yun!!! Di ako kasama!"

"Kaiingay niyo, paguumpugin ko mga ulo niyo eh!"

"Aysus! Kiss muna kase para magising, nahiya ka pa."


"Oo nga Ilhoon, kunwari ka pa... gusto mo naman. Don't worry kame lang naman ang nakakaalam."


"A-Aba't! Magsitigil nga kayo mga ulol!"

"Uyyy~ Namumula siyaaaa~"

A-Ano yun? Bakit ang ingay? Sinubukan kong idilat ang mga mata ko at bumulaga saakin ang limang naggagwapuhang nilalang.

"Uy! Gising na siyaaaa!" Sabi ng isang lalaki na ngumiti kaya naging hugis crescent ang mga mata niya.

"Sayang Ilhoon!" Sabi ng isang cute na mataba ang pisngi.

P-Pero teka... I-Ilhoon!?

Bigla akong napabangon kaya sabay sabay napaatras yung mga taong nakakumpol saakin. Nakita ko si Ilhoon na nakaupo sa couch habang pulang pula ang mukha niya, di naman mainit pero bakit kaya pulang pula siya?

At saka teka? Nasaan ako?

"Tentenenen! Welcome to Btob's dorm!" Sabi nilang lima tapos nagmamadali silang tumayo at pagpag ng mga pantalon at nagstandstraight.

"We are Born to Beat! Anyeonghaseyo Btob imnida." May pa snap fingers pang nalalaman ah.


Pero a-ano daw? Born to Beat? K. -____-


Bakit ang slow ko masyado ngayon? Naalog ata ang braincells ko sa di malamang dahilan. At saka anong nangyari at naligaw ang aking landas at napadpad sa dorm ng Btob?


"Kung nagtataka ka kung bakit ka nandirito, kase niligtas ka ni Peniel nung muntik ka ng masagasaan ng van. Buti nalang at nakita ka niya kung hindi dedo ka na. Kung hinahanap mo siya ngayon, umalis siya at bumili ng pagkain namin at para narin sayo kase nagkagalos ka sa bandang kaliwa ng braso mo. Kung tatanunin mo kung saan mo nakuha iyan ay---agptgmwdjtgajpgdtpamwgealupgm!!!"

"Ah hehehe~ Pagpasensyahan mo na si Eukwang kung mahilig siyang magpasyon. Ako nga pala si Sungjae." Sabi niya habang nakangiti. Inabot niya yung kamay niya at nagshake hands kame.

Halos di ako maka-catch up dahil sa tuloy-tuloy yung pinagsasabi ni Eukwang daw ang name. Di ko alam kung rapper ba siya o ano dahil grabe ang pagsasalita.


My fiancé is a member of EXOWhere stories live. Discover now