CHAPTER 37: Sunken

3.2K 127 60
                                    


STELLA'S POV


Wait for it...


"SHEET OF PAPER STELLA!" Bulyaw saakin ng best friend ko. Yup, sinabi ko sakanya ang desisyon ko na babalik ako ng Pilipinas after one week. Nahirapan pa nga ako sa pagpipilit sa papa ko e.


Oo, pinayagan ako ni papa dahil ang sinabi kong dahilan ay miss ko na ang Pilipinas at si mama and he agreed. One week lang daw ako pero may plano ako para humaba pa ang bakasyon kuno ko sa Pilipinas.


Nandito kami sa bahay niya kaya okay lang siyang magsisigaw hanggang sa mapaos siya. At saka sigawan niya ako at ulitin ang mga sinabi ko ng pasigaw kasi wala namang makakaalam kung hindi kami rin.


Niyuyugyog niya ang buong katawan ko. Naghihysterical ang loko, hindi siguro makapaniwala sa desisyon ko.


"And don't tell EXO about this." Mariin kong sabi sakanya kaya bigla siyang napabusangot.


"Why? Iiwan mo sila?" Tanong niya saakin sa malamyang tono.


Napaisip ako sa sinabi niya. Iiwan ko ang EXO? Oo, parang iiwan ko sila sa lagay na iyon pero para saakin hindi. Medyo magulo ba? Basta, ganoon iyon. Hindi ko sila magagawang iwan, yet guilty parin ako sa ginawa ko sakanila.


How will they react kapag nalaman nilang niloloko ko sila?


Iniisip ko palang iyon parang nadudurog na ang puso ko. Napapikit ako ng mariin sa pagiimagine ko na galit na galit sila saakin, hindi ko kaya.


Pero hindi ko sila masisisi. Ng dahil sa panguguna ng aking damdamin kung anong kabalastugan ang ginagawa ko, kung sana hindi ko nakita ang pagmumukha nung bambi doll na iyon edi hindi magkakanda leche-leche ang buhay ko ngayon na puno ng problema.


"Nope, magbabakasyon lang ako." Sabi ko sakanya.


Tinignan ko siya at nakita ko ang sawing mukha nila. Binato ko siya ng unan kaya nahulog siya sa higaan sa lakas ng impact, ang lakas ng tunog ng pagkakahulog siya kaya tawa ako ng tawa.


"Ano ba?!" Inis niyang sinabi.


"Mukha kang kabayo na hindi mawari."


Padabog siyang umupo sa higaan niya muli at napatingin sa poster na nahulog sa dingding. 'Yong fake daw na teaser image ng EXO noong wolf era daw na churva eklavu, basta 'yong mala adonis ang katawin nilang edit lang.


Poster ni...


W-wait! Nanlaki ang mata ko sa nakita kong poster. Shiz!


S-SI BAEKHYUN IYON! MOTHERFREAKING CHEESE BURGERS!


Bigla akong napangisi sa nakita ko, may HD pala 'tong babaitang ito kay Baekhyun a? Kala ko ba kay Chanyeol ka lang? Tinignan ko siya gamit ang I-know-what-you-did-there-look. Bago lang kase ang poster na iyon at hindi ko alam na nandoon iyon before.


Nakita ko ang pagiging taranta niya sa pagkakahulog ng poster pero ng makita niya ang mukha ko bigla niyang tinigil ang ginagawa niya at bumalik sa higaan habang hiyang-hiya. HAHAHAHA!


Inasar ko siya ng inasar tungkol doon at nakita kong inis na inis siya saakin. Oo, sobrang inis niya saakin. Tinitignan niya nga ako ng masama e, hanggang sa tumigil ako nakakunot parin ang noo niya.


"So, balik sa nasimulang topic! Paano kung malaman ng EXO ang pagpapanggap mo? Masakit iyon Stella, kung ako lang iyon magagalit ako kase nagalala ako ng husto tapos ganon ganon lang pala." Sabi niya saakin. Parang sinesermonan niya ako.


My fiancé is a member of EXOWhere stories live. Discover now