CHAPTER 27: Problems

8.2K 198 41
                                    

Chapter 27: Problems


STELLA'S POV


Kasama ko ngayon si Andrea dito sa isang coffee shop. Nagkwento pa siya tungkol sa lovestory niya. Ay hindi pala lovestory, love triangle pala. Sinabi niya saakin na nagconfess si Chanyeol sakanya. Hindi nga lang direct na confession, indirect confession ang peg ni Chanyeol.



Omo! Magkaaway ang BaekYeol? Pero kala ko ba sabi ni Chanyeol sinusubukan niyang pigilan yung nararamdaman niya para hindi siya lalong mahulog pa kay Andrea. Eh diba hindi mo naman madidiktahan yung nararamdaman mo?



Pwede mong diktahan ang isip mo sa pamamagitan ng hindi pagiisip sakanya pero yung puso kapag tumibok ito sa isang tao hindi mo ito napipigilan. Ang rami kong natutunan tungkol kay Suho kagabi sa balcony. Hahahaha



Pero may iniisip ako. Kase kagabi tumibok ang puso ko, hindi ko alam kung 'love' ito or what? Kaba na baka mawala saakin yung taong yun? Ish! Hindi ko na talaga alam. Sobrang nalilito na ako.



"So yun nga! Hindi ko alam ang gagawin Stella!" Sabi saakin ni Andrea. Hindi ko mapigilang mapangiti kase before pinoproblema niya yung fansigning, music show, concert ng EXO na hindi siya makakadalo since FANGIRL nga lang siya.



Kala niya hanggang doon lang siya, sinasabi niya saakin na masakit iyon para sa isang fangirl. Umiibig ka ng taong hindi ka man kilala, Oo nga kilala ka pero hindi ka kilala sa pangalan o pagkatao mo. Oo nga't mahal ka niya pero hindi yung pagmamahal na kamukha ng iyo.



Kilala ka niya bilang isang FAN. Minamahal ka niya bilang isang FAN. Pero hindi ko akalain na darating ang panahon na ang pinoproblema mo ang love life mo kasama ang bias mo at isang member pa na may gusto sayo. Mahirap pero parang achievement narin yun.



"Edi paganahin mong parehas ang isip at puso mo." Bigla siyang napatigil at nagisip? Siguro nga at nagiisip siya. O kaya pinapagana niya yung utak niya? Ewan ko ba, hindi naman point of view ito ni Andrea eh. At saka wala sa lahi namin ang manghuhula! Hala sige pahula kayo diyan sa mga kanto! Yung may dugong madame Auring!




"Ikaw ba Stella, kilala mo ba kung sino ang mahal mo?" Halos mabuga ko sakanya yung milk tea na iniinom ko buti nalang at napigilan ko kahit papaano. Kung hindi bulls eye yun sa pagmumukha niya, magalit pa saakin at sabihing wala akong manners. Tsk.




"E-Ewan? Nalilito ako eh. Hindi ko talaga alam kung sino ang mahal ko." Tinignan ako ni Andrea na may pagtataka, mga ilang minutes rin siguro iyon, then she sigh at saka umiling. Napapano kaya ito? -____-




"Mahirap talaga yan. Pero tignan mo kung sino ang may pinakamalakas na impact sayo. Yung kapag nakita mo siya na may kasamang ibang babae parang meron na kung ano sa puso mo o parang galit ka sa babae, parang iistalk mo yung babae at maghahanap ka ng kung ano ano? Basta yun ganun."



Bakit ang raming alam ng babaeng to? Parang guru of love lang siya ah. Pero parehas niyan kaming namomoblema tungkol sa 'love' na yan. Tsk!




"Andrea, nagaral ka ba sa isang love university?" Tinignan niya ako na para bang nababaliw ako. Nagtatanong lang naman ah?



"Stella, there's no such thing as 'Love University'." Kpayn! Eh saan siya nakakapulot ng ganung words? Experience? Eh first time ngang may magconfess sakanya eh. Si Baekhyun yun, tapos yung pangalawa si Chanyeol na indirect confession ang ginawa! Grabe graduate na ang dalawa sa Torpe University. Akalain mo nga naman!




"Alam mo, yung mga love advices na yan bigla nalang magpopop out sa utak mo kapag may kaibigan kang namomoblema sa pag-ibig. Pero alam mo, useless ang mga yan at parang hindi gagana yang utak mo kapag ikaw na talaga ang sasabak sa larangan ng pag-ibig."



My fiancé is a member of EXOWhere stories live. Discover now