CHAPTER 16(B): Summer + Unsure Feelings Part 2

14.3K 266 29
                                    

HEY! HEY! HEY! XD Sa wakas nakapagupdate narin. :) Sorry po kung natagalan. By the way, sino yung pupunta sa KPOP REPUBLIC? Sa mga pupunta pakibalitaan nalang ako. TT^TT Hanggang fancams nalang ako. Achuchuchu! Laslas na fre! 

HAPPY 5k! Yehey! *Sabog Confetti* Salamat po sa lahat! LOVE. LOVE. LOVE.

-- Heartyphonnieloves

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 16(B): Summer + Unsure Feelings Part 2





Nandito kami ngayon sa hotel ng resort na pagtutulugan namin. Pero uy ha! Hindi naman karoom yung dalawang lalaki na nagpapatibok ng puso ko. Chos! XD totoo naman diba? Bumibilis yung tibok ng puso ko sakanilang dalawa.




Pero *sigh*, yung sinabi saakin ni Luhan kanina hindi parin ako makagetover. Kasi hindi ko mamemeet si Ilhoon for 1 month?! Sana bumilis yung takbo ng oras para makausap ko muli si Ilhoon also makikilala ko narin yung fiancé kong pinakatatago. Isn't that great?




Nakahiga na kami ngayon nina mama and Andrea. Buti pa sila ang sarap na ng tulog samantalang ako buhay na buhay parin ang diwa ko. Gusto ko nang makatulog. T^T




Naka300 na tupa na ako pero hindi parin ako inaantok. Buhay nga naman oh.




*creak*




Lumabas ako sa room namin at pumunta sa balcony. Iniwan ko sina mama at Andrea na natutulog. Umupo ako sa upuan ng balcony at saka tumingin sa dagat. Grabe ang peaceful tignan ng dagat.




Tinignan ko yung katabi kong balcony at sinilip ko ang ilaw kung bukas pa. I smiled, tulog narin siguro ang dalawa kasi nakapatay na ilaw nila. Napagod siguro, katabing kwarto lang namin sina Luhan at Suho kaya ganun.




Tumingin ako sa langit at saka nagbuntong hininga.




"Hindi makatulog?"




Bigla akong napatingin sa katabi kong balcony. S-Suho?! O___O




Bigla naman siyang nagchuckle.




"Bakit ganyan itsura mo? Para kang nakakita ng multo." Sabi niya saakin habang hindi parin tumitigil sa pag chuckle.




"Kala ko kasi tulog na kayo. Nakapatay na kasi ilaw niyo." Sabi ko sakanya at nakita ko naman siyang ngumiti saakin.




"Pansin ko lang, lagi tayong nagkikita sa balcony." Sabi niya kaya bigla akong napatingin sakanya. Nakatingin siya sa langit kaya napatingin rin ako sa langit at napangiti ako ng makita ko ang mga bituin.




"Ewan ko ba, basta pumunta lang ako dito dahil hindi ako makatulog. Ikaw ba?" Tanong ko sakanya.




"Ako?" Ay hindi! yung halaman sa likuran mo. "Wala lang para kasing hindi kumpleto gabi ko kapag hindi ako pumupunta ng balcony. Nasanay na kasi ako eh since bata pa ako hilig kong pumunta ng balcony para makita ang view o makalanghap ng fresh air."




"So kung gusto kitang hanapin lagi lang akong pumunta sa balcony ganun?" He just smiled at me. Lokong Suho, pangiti-ngiti ka pang nalalaman diyan hindi mo kaya subukang tumango o kaya magsalita? Hindi ka pipi fyi lang. -_____-




O____O




"H-hoy Suho anung ginagawa mo diyan?! Ot nakasampa ka sa railings?! Balak mo bang pakamatay?!" Pero as usual he just smiled at me. Tch! Muntik na nga akong atakihin sakanya eh dahil nakasampa siya sa railings. Nakakatakot kaya yun.




"Shhh" sabi niya sabay lagay ng pointing finger niya sa harap ng lips niya at saka tumalon upang makapunta sa balcony ko. Pero buti hindi siya nahulog, isang ruler lang naman kasi yung space sa pagitan ng mga balconies dito sa hotel na to eh.




Binatukan ko nga siya.




"Hey! What was that for?" Sabi niya sabay hilot sa batok niya.




"May pa 'hey! What was that for?' ka pang nalalaman diyan. Muntik na nga akong himatayin sayo eh." Sabi ko sakanya habang nakacross arms at saka ko siya inirapan.




Narinig ko naman siyang nagchuckle. "Your a good imitator, Stella." Inimitate ko kasi yung sinabi niyang 'hey! What was that for?' Kaya niya sinabi yun. Bah! Malay malay ko pang may talent akong ganun? *flips hair*




"Bakit ka nga pala pumunta dito sa balcony namin? Eh nakakapagusap naman tayo ng matino ah."




"Wala lang gusto lang kitang malapitan. Kasi baka balang araw hindi na kita malapitan ng ganito at magawa ito."





O////O





>////<





*Dug.Dug.Dug.Dug*




D-did he just hold my hand?




Napatingin ako sakanya at nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa kalangitan. Napatingin naman ako sa aking kamay na hawak-hawak niya, ewan ko pero bigla akong napangiti nang maabsorb ng utak ko yung ginawa ni Suho saakin.




Feeling ko yung paghawak ng kamay niya saakin pinaparamdam niya na safe ako sakanya at the same time parang sinabi ng paghawak niya sa kamay ko na I'm special sakanya.




Pero ano daw? Balang araw hindi na niya daw ako malalapitan ng ganito at hindi na daw niya magagawa ito? Bakit? M-mamamatay s-siya? LOL. Kung anu-ano pumapasok sa isip mo Stella. -____-




Napatingin uli ako sakanya.




"Anong ibig sabihin ng sinabi mo kanina?" Bigla naman siyang napatingin saakin and syempre nagsmile nanaman siya saakin.




"Wala lang. Parang pakiramdam ko marami akong karibal." Tapus narinig ko siyang nachuckle at mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko.




"You know what Stella, hindi ka naman ganon kaganda, kasexy, may pagkabaliw ka minsan, hindi ka naman ganon kabait." Teka, nilalait ba ako nitong Suho na to? -___- Kung magsalita kala mo siya gwapo. Well, gwapo naman talaga siya. Pero hindi ibig sabihin non pwede na siyang manglait ha!




"Pero sa totoo lang ang dali mong mahalin." Bigla akong napatigil nung marinig ko yung last sentence ng kanyang sinabi, napatingin ako sakanya pero nakatingin lang siya sa kalangitan.




Anong ibig niyang sabihin? Huwag mong sabihing...




"In just one day nakaclose mo kaming EXO and you know what? After one week napamahal ka na saamin. Parang isa ka sa pinakaspecial na tao saamin, sa EXO. Hindi mo siguro alam yun." He smiled at me for the nth time. "Pero hindi mo rin siguro alam na sa mga taong nakapaligid sayo habang tumatagal may nahuhulog na. If I'm not mistaken tatlo sila?"




What does he mean by that? Nahuhulog? Anung nahuhulog? And tatlo sila?




Wait...






Tatlong tao ang nahuhulog saakin?! O___O




Bigla akong napatingin sa side ko kung nasaan si Suho pero pagtingin ko ay nasa kabilang balcony na uli siya at saka nagwave saakin.




"Bukas uli, kita tayo dito." Sabi niya sabay pasok sa kwarto nila.




***




"Hoy Stella! Bakit ang laki ng bilbil mo sa mata?" Sabi ni Andrea saakin. -____-




Actually kanina pa niya ako inaasar sa eyebags ko. Pano ba naman hindi ako makatulog kagabi gawa ni Suho. Sabihin ba naman yun! Pero grabe naman si Andrea! Kung makabilbil sa mata wagas! Mas gugustohin ko pang sabihin na eyebags eh atleast yun medyo sosyal pa ng kaunti pero bibil sa mata?! +___+




"Stella! Andrea! Nandito yung ibang members ng EXO. Papuntahin niyo dito dali!" Sabi ni mama habang nagiihaw ng barbecue.





ANDREA'S POV




Weh? Hindi nga? Ibig sabihin makikita kong topless si Chanyeol my loves so sweet! *O*




Don't worry hindi naman ako nagtataksil kay Bacon ko. Hahaha! XD Tataksil agad nuh? Hindi naman kami eh kaya okay lang yan! Alam rin naman ni Bacon na love ko si Chanyuurr eh. ❤




Syempre pagkarinig ko nun dali-dali akong pumunta kung nasaan ang ibang members ng EXO and syempre bago yun inayos ko muna sarili ko para maging presentable naman dating ko kay Chanyeol my loves.




"Baekhyun! Akin na nga yan!" Agaw ni Sehun sa bubble tea na hawak hawak ni Baekhyun.




"Saan mo nga muna nilagay yung eye liner ko?" Tanong ni Baekhyun kay Sehun habang inaabot ni Sehun kay Baekhyun yung bubble tea niya.




"Nakay Chanyeol yun! Wala saakin!" Sabi ni Sehun.



Eto nanaman ang EXO, nagkukulitan sila. Ang tanda-tanda nila pero isip bata parin sila.




Bigla akong napatingin kay Baekhyun na tawa ng tawa dahil hindi makuha ni Sehun yung bubble tea niya na nakaprotect sa mga braso niya.




Ewan ko ba pero kapag nakikita ko si Baekhyun parang nagfaflashback yung sinabi ni Bacon oppa sa isip ko, na siya at si Baekhyun ay iisa. Pero aaminin ko medyo same yung ugali nila sa isa't isa.




"Ano ba hanap niyo?" Tanong ni Xiumin habang ngumunguya ng tinapay.




"Yung eyeliner daw ni Baekhyun. Diba nakay Chanyeol yun?" Sabi ni Sehun habang iniinom ang bubble tea niya na nakuha na niya kay Baekhyun.




"Nakita kong hawak yun ni Chen kanina eh. Diba Tao?" Sabi ni Kris habang naglalakad dala-dala ang gamit niya.




"Oo si Chen yung nakita naming hawak-hawak yun." Pagaagree ni Tao.




"Bakit? Ano bang meron sa eyeliner na yun?" Tanong ni Kai.




"Alam mo naman yang si Baekhyun. Mahilig sa eyeliner." Singit ni D.O.




"Oh Andrea, nandyan ka pala." Sa wakas may nakapansin narin saakin. Walang iba kung hindi si Lay oppa. -____-




"Ay wala, hindi si Andrea to. Si Andrea ay naabduct na ng aliens at isang hologram na lamang ang kinakausap niyo." Sabi ko sakanila.




Narinig ko namang tumawa ang mga ilan sakanila.




"Mabenta yang joke mo ha! At dahil diyan binibigyan kita ng barya." Nagulat ako ng biglang sumulpot si Chen sa gilid ko at saka nilahad ang kamay ko at binigyan ako ng bato. -____-




Grabe barya daw tapus bato naman ang binigay saakin.




"By the way, nasaan si Chanyeol?" Tanong ko sakanila at dinuro naman nila si Baekhyun.




"Alam niyan kung nasaan si Chanyeol." - Tao




"Close sila nun eh." - Xiumin




"Diba Baekhyun?" - Sabi nila D.O, Kai and Lay.




"T-teka bakit ako?! Hindi ko nga alam kung nasaan yung toreng yun eh." Sabi ni Baekhyun.




"Edi samahan mo nalang." Sabi ni Sehun sabay lakad papunta kay Stella. Naging close yung dalawang yan eh. ;)




At saka pala alam ko narin kung sino yung fiancé ni Stella. Kekeke~ Hindi parin nga ako makapaniwala na siya yung fiancé niya eh.




"Samahan mo nalang. Magpakagentleman ka naman minsan hindi gentledog." Sabi ni Kris at naglakad narin kasama si Tao at sumabay nalang yung ibang members.




"Ciao!" Sabi ni Chen at saka tuluyang umalis, and ofcourse naiwan kami ni Baekhyun dito.




"Hoy Chen! Yung eyeliner ko!" Sigaw ni Baekhyun pero tumakbo na paalis si Chen habang tawang-tawa. Narinig ko namang nag'tsk' si Baekhyun.




"Sige mauna na ako." Aalis na sana ako ng hawakan ni Baekhyun yung wrist ko kaya napatingin ako sakanya. Bigla naman akong napatingin sa kamay naming dalawa and dahil doon binitawan niya ang kamay ko.




"Ok lang naman siguro kung samahan kita diba? At saka hahanapin natin si Chanyeol." Sabi ni Baekhyun.




Bigla naman akong napatingin sakanya ng buksan niya ang bag niya at saka naglabas ng towel.




"Para saan yan? Maliligo ka na?" Tanong ko sakanya.




Instead na magsalita siya dali-dali niyang kinabit ang towel sa likod ko at saka binalot yung towel sa may shoulder ko para matakpan yung kalahati ng katawan ko.




"Yan, masyado ka kasing pinagtitinginan ng mga lalaki oh." Bigla naman akong napatingin sa lugar na tinuro ng kanyang nguso at nakita ko nga na nakatingin saakin yung mga lalaki. Agad-agad naman umiwas ang tingin ang mga ito.




"T-thankyou, Baekhyun." Sabi ko habang nakahawak sa towel niya sabay tingin sakanya and he smiled at me. Ewan ko pero I found myself blushing ng ngumiti siya saakin. At saka nung kinabitan niya ako ng towel, I find it cute.




*shutter*




Bigla akong napatingin sa harapan namin at nakita ko si Stella na may hawak-hawak ng camera at saka nagpeace sign saakin.




"Yah Stella! Para saan yun?!" Sabi ko sabay lapit sakanya at saka pilit kinukuha yung camera.




Pero tinataas niya yung kamay niya at dahil mas matangkad siya saakin ng konti hindi ko maabot. Bakit ba kasi mas matangkad tong Stella na to saakin. Pero mas matangkad parin si Baekhyun and Suho sakanya. -____-




I heard her chuckled. "Ang cute niyo kaya! Bagay kayo ni Baekhyun!" Sabi niya habang nakataas ang kamay niya para hindi ko maabot ang camera.




"Hindi kami bagay! Tao kami! TAO!" Sabi ko sakanya habang patuloy parin ang pagkuha sa camera.




"Patingin nga niyan." Sabay agaw ni Luhan sa camera ni Stella. Pansin ko, magiging close tong dalawang to eh. Dati nga halos kamurian na yan ni Stella. Hahaha! XD At saka kung alam lang niya kung gaano kaalala si Luhan sakanya nung minsan.




"Ang cute nila nuh?" Sabi ni Stella kay Luhan and Luhan nodded.




"Yup! Ang cute nga nila, bagay sila. Pwedeng wallpaper to ha?" Sabi naman ni Luhan. Sige pagtripan niyo pa ako. Papamurder ko kayo sa mga aliens eh.




Oo nga pala, alien rin pala si Luhan. -____- Taga EXO PLANET siya eh.




"Oy Baekhyun! Pwedeng wallpaper ng cellphone and laptop mo oh!" Pangaasar ni Luhan kay Baekhyun. Bigla namang napatingin si Baekhyun kay Luhan.




"Agawin ko yung mahal mo eh!" Sabi ni Baekhyun kay Luhan.




"Edi aagawin ko rin yung sayo!" Ganti ni Luhan kay Baekhyun.




"Subukan mo lang at makakatikim ka nito." Tinaas ni Baekhyun yung right fist niya.




"Yun oh! Andrea halikan mo na nga yan para manahimik!" Anu daw? Halikan? It's either kay Chanyeol or kay Bacon oppa ko ibibigay yung first kiss ko nuh!




"Kay Chanyeol oppa lang ang first kiss ko." Sabi ko naman at narinig ko namang nag ehem si Stella.




"Eh si Bacon oppa ba? Pwede mo rin ibigay sakanya yung first kiss mo?" Tanong saakin ni Stella.




"SYEMPRE!" Bigla namang napachuckle si Luhan. Bakit naman? -____-




Napatingin ako kay Baekhyun, ewan ko pa kung guni-guni ko lang ba o namumula yung tenga niya.




STELLA'S POV




Grabe ang sarap pagtripan ng dalawang yun kanina. Hahaha! Laughtrip kaming dalawa ni Luhan sakanila. Kaya pala napatawa si Luhan kanina sa sagot ni Andrea kasi si Bacon oppa niya at saka si Baekhyun ay iisa.




Sinabi saakin yun ni Luhan kaya na gets ko kung bakit siya napatawa. Kaya pala kanina pulang-pula yung tenga ni Baekhyun.




Ikaw ba naman marinig mo na pwedeng ibigay ng isang babae sayo yung first kiss niya!




Pero hindi parin alam ni Andrea na iisa lang sila. Mehehe~ >:D




Nandito ako ngayon sa balcony. Syempre sabi ni Suho oppa kita daw uli kami dito. Tagpuan lang ang peg?! XD Syempre hindi! Hindi naman ako nililigawan ni Suho eh. LOL.




"Nandiyan ka na pala." Nagulat ako ng biglang sumulpot si Suho sa balcony. I smiled at him and he smiled back.




"Ano na? Bakit mo ako pinapunta dito uli?" Tanong ko sakanya. Bigla naman siyang nagpout. Ang cute! :3 Pacute si Leader. Hahaha




"Bakit? Ayaw mo ba?" Sabi niya habang nakapout at nagpupuppy eyes.




"Wala akong sinabi." Sabi ko at saka I stuck my tongue out. Buti hindi na siya tumatalon papunta dito sa balcony ko. Baka atakihin ako sakanya pagnagkataon.




I heard him chuckle. "Kaya ko sinabi na magkita uli tayo dito kasi may itatanung sana ako sayo." Tumingin siya saakin.




"Ano naman yun?" Sagot ko sakanya.




Tumingin siya saakin ng seryoso kaya ninerbyos ako ng konti. Grabe bakit ang seryoso ng atmosphere? T^T






"Do you LIKE Luhan?"





*Dug.Dug.Dug.Dug.*





Ewan ko ba sa oras na marinig ko yung tanong niya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Haist! Abnormal na puso yan! Porket narinig ko lang yung pangalan ng usang yun! At saka ano daw? LIKE? Hahaha. Nagpapatawa ka ba Suho?




Eh bakit hindi ako makasagot? Ano tong nararamdaman ko? Bakit ako natulala o nanigas nung sinabi yun ni Suho? Gusto ko nga ba talaga si Luhan?




Pero bakit tumitibok rin yung puso ko nung hawakan ni Suho yung kamay ko? Ibig sabihin I also LIKE Suho?




Ano yun? May gusto ako sa dalawang tao?




Pero impossible naman yun eh! Sabi nila kapag may gusto ko yung isa nakakalamang sa isa. Sino yung nakakalamang? Si Suho? Si Luhan?






I DON'T KNOW.

My fiancé is a member of EXOWhere stories live. Discover now