Ewan ko ba bakit parang ang big deal 'nun, tinungga ko lang naman ah!

Habang naglalakad ay nakahawak ako sa pader, umiikot na ang mundo ko at shit, ang lakas na pala talaga ng tama nito sa akin. Hindi kasi ako palainom eh.

Pa-suray suray man ay pinilit kong maging tuwid ang pagkakatayo. Nang makarating sa kusina ay dumiretso agad ako sa malaking refrigerator. Ngunit bago pa man ako makarating doon ay napahawak ako sa sink.

Napatakip ako sa aking bibig nang makaramdam ako ng kakaiba sa aking tiyan.

Oh god, I'm gonna puke!

Sinikap kong makadiretso agad ng cr kahit na hindi ko na maintindihan ang paligid ko at nabuksan ko rin ang pinto.

Napaluhod ako sa inidoro at doon ko inilabas lahat. Buti na lamang at nay cr dito sa kusina kundi, aabutan ako sa sahig.

"Layla?" Narinig kong may nagsalita na mukhang kakapasok lamang ng kusina.

Hindi ko alam kung sino iyon at Hindi ko na iyon pinansin pa dahil naluluha na ako sa kakasuka.

"Where are y--fuck!"

Naramdaman kong may humawak sa aking buhok na tumatama sa aking mukha saka hinahagod ang aking likod.

Napasandal ako sa kung sino mang nasa likuran ko. Pakiramdam  ko ay nailabas ko lahat ng nakain ko simula kaninang umaga.

Lumapit naman ako sa gripo at mabuti na lamang ay nahawakan ko iyon agad, sinikap ko na makapaghilamos roon. Nababasa ang damit ko ngunit wala na akong pakialam.

I'm totally wasted.

Hindi ko mapigilang mapahikbi sa sakit ng aking nararamdaman.

Ang sakit

May pumatay sa gripo at pinunasan ang mukha ko ng puting towel. Hindi ko alam kung sino iyon dahil nanlalabo ang aking paningin.

"You're always gonna make me worry. You shouldn't drink much." Malumanay at may lungkot ang pagbigkas ng nagsalitang iyon.

Iyon ang huling salitang narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

*****

Nagising ako sa malakas na alarm ng cellphone ko. Iritado ko naman itong pinatay agad, ngunit ilang minuto palang ang nakalilipas ay tumunog muli ito.

Naaninag kong mataas na ang sikat ng araw. Sinubukan ko namang bumangon para patahimikin ang cellphone kong maya't-maya ang ring.

"A-Aray.." Daing ko.

Napahawak ako sa akin ulo. Kumikirot ito at parang sasabog ang ulo ko sa sakit. Bigla kl nalang naalalang ko naman na ang dami kong nainom kagabi.

Hell, may hangover ako.

Napatingin ako sa paligid, nasa hotel ako.. teka, hindi ko maalalang umuwi ako. Paanong..

Kinuha ko ang cellphone ko saka tinignan ang oras, 8:30 am na ngayon dito sa seoul. Pinatay ko ang alarm ng cellphone ko, sunod sunod pala ang mga naka-set doon every 5 minutes. Bagay na pinagtataka ko, dahil wala rin akong maalalang nag alarm ako.

Napukaw ng atensyon ko ang 1 message from unknown number. Wala rin ako maalalang mag pinagbigyan ako ng number, si clark lang at pamilya ko ang mayroong number sa akin.

Did someone took care of me? Pero paano niya nalaman ang address ko?

Wait, steven? Imposible!

Nagtataka kong binuksan ang mensahe.

From: Unregistered number

Meet me at Han River by 6 pm. We need to talk. I want to clarify the things you said last night.

Your Maid [Completed]Where stories live. Discover now