Your Maid 17

2K 59 1
                                    

Acceptance.

"U-Uhm this is not right, you left her. I know what it feels.. I'm a girl too." Pagkukumbinsi ko sa kaniya habang patuloy kami sa paglalakad habang magkahawak parin kami ng kamay.

Sa paghawak niya ng kamay ko ay hindi magkamayaw ang bilis ng tibok ng puso ko at kung ano anong nararamdam ko sa tiyan, may bulate ba ako? Nagpapurga naman ako dati ah?

Sinamaan niya lang ako nang tingin saka tumingin ulit sa daanan.

"I already told her to go home." Masungit niyang saad nang di ako tinitignan. "I have something important to do and that is taking you." Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya. Namumula parin ang pisngi ko ngunit mabuti nang hindi ako maputi dahil mahahalata iyon.

Important? Ako?

"W-What? W-Why me? I'm with a friend and he's good--" Pagkasabi ko niyon ay bigla nalang siyang huminto kaya napahinto rin ako.

Lumingon siya sa akin nang seryoso. Iyong tingin niya ay parang noong mga bago palang ako sa bahay nila. Napayuko ako sa tingin niyang iyon, hindi ko kayang matignan na ganoon ang ipinapakita sa akin ni min.

"You don't want to be with me, aren't you?" Pagkatanong niya niyon ay binitawan niya rin ang kamay ko.

Napatingin ako sa kaniya. "T-That's not what I meant--" hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin nang lumapit siya sa akin at bumulong.

"Say to my face that you don't want this date and I'll leave." Ramdam ko ang seryosong boses niya.

Nandito naman na, hindi mo pa ba e-enjoy-in layla?

Napapikit ako at napahingang malalim bago magdesisyon at magsalita.

"N-No, stay with me." Mahinang saad ko.

Kahit na nag aaalala ako sa taong gusto niya, kahit na nag aalangan akong kasama siya sa publiko, kahit na inuusig ako ng konsensya ko. Hinding hindi parin nila mapapantayan ang sinisigaw ng puso ko, gusto lang ng puso ko makasama siya at maging masaya.. kahit pansamantala lang.

"Good girl." Ramdam ko ang ngiti niya kahit naka-mask at hinalikan niya ang ulo ko.

Hinalikan niya ang ulo ko, naramdaman ko iyon.

"So, let's go?" Bumalik na ang masiglang itsura ni min saka kinuha ulit ang kamay ko. Hindi na niya hinintay ang sagot ko at basta nalang kami nagpatuloy sa paglalakad.

Nakayuko lang ako habang naglalakad. Medyo nahihiya ako sa kaniya. "Hey, hold my hand too. You don't want holding hands?" Tanong naman niya habang naglalakad na kami. Siya lang kasi ang nakakapit sa kamay ko dahil nahihiya talaga ako.

Umiling naman ako at hinawakan din ang malambot niyang kamay. Ang init ng kamay niya, samantalang ako lamig na lamig dahil sa kaba. Kabang nararamdaman ko pag nandiyan siya.

"Your hand gets cold.. wait." Salita ni min saka inayos ang kamay ko. Ipinagsalikop niya ang kamay namin, tulad ng ginawa ni jeon noon.

"There. Feel better?" Patuloy niya pa, nayuko ako sa hiya kaya tumango ako at nagpasalamat nalang habang hindi siya matignan sa mata, pinipilit pakalmahin ang puso kong walang tigil sa pagtibok ng mabilis.

Sinabi niyang manonood kami ng sine, sa totoo lang first time ko iyon dahil ni minsan hindi naman kami nakapagsine dahil sa hirap ng buhay. Naranasan ko lang noon ay pumunta sa paboritong fast food chain kapag kumita ng medyo malaki si itay sa pagpapasada. Iyon lang. Bukod sa gala sa mall at kumain sa murang kainan ay wala na kami iba pang naranasan dahil para nalang iyon sa amin.

Pumayag namang ako at syempre gastos ko ang sine ko dahil ayoko naman na magpagastos sa iba para lang makanood ng sine. Hindi naman siguro ganoon kamahal iyon diba?

Your Maid [Completed]Where stories live. Discover now