Your Maid 31

1.7K 46 0
                                    

Confession.

"So what's with you if I am?" Nakita kong ginulo gulo niya ang buhok niya sa frustration.

Bakit? Ano ba mali sa ginawa ko? Bumabawi lang naman si andoy sa ginawa niyang pang-indian sa akin, ano ba masama doon?

Kung tutuusin, siya dapat an tanungin ko kung bakit sila magkasama ni mika eh. Basta basta lang siya aalis sa bahay, ni hindi pa nag suot ng kahit anong pantakip sa mukha.

Kapag si mika okay lang sa kaniya na mapahamak siya. Kahit ano pang mangyari ay ayos lang basta makasama niya si mika.

Naramdaman ko ang pagkirot sa aking dibdib.

"Are you serious? He dumped you remember? I'm looking for you all the damn time and now you're here with that asshole?" Mariin na saad niya.

Patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko. Bakit ba siya nandito? Hindi ba kasama niya si mika? Nasaan na ba si mika?

Hinahanap niya ako? Bakit? May mahalaga ba siya ipapautos?

"Let's go back." Pag iiba ko ng usapan at tatalikod na sana ako sa kaniya pero hinawakan niya ang braso ko.

"Don't you dare leaving me here!" Nakikita ko ang galit sa mga mata niya nang mapatingin ako sa kaniya.

"Where's mika? Let's go, they're are finding us." Kalmadong saad ko at pinipilit na huwag mabasag ang boses. Ngunit hindi ako binitawan ni min.

"I'm talking to you! Just stay here!" Ma-awtoridad na sambit nito.

"Min, yes I'm your maid. But not all the time. Not this time. So, please let's go back." Pagsusumamo ko. Hindi ko kayang mag stay dito kasama siya mas lalong naninikip ang dibdib ko dahil alam kong si mika ang pinunta niya dito.

"Why are you so stubborn? Do you love him?" Napatigil ako sa sinabi niya at nalaglag ang panga ko.

Anong konek ng sinasabi niya?

"What are you talking about?"

"Just fucking answer it!" Napapikit ako sa sigaw niya.

Sa totoo lang, natatakot ako sa kinikilos niya nitong mga nakaraang araw. Ayaw ko naman bigyan iyon ng kahulugan.

Pero ang puso ko, mahilig umasa.

Unti unti akong napaatras, hinuhuli niya ang braso ko pero tinago ko ito sa likod ko. Nawala ang pagdidikit ng kilay niya at napalitan ang mata niya ng... takot?

Ano iyon?

"C-come here. Look, I-I'm sorry" napabintong hininga siya at lumapit sa akin. Patuloy lang ako umaatras, hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako sa kinikilos niya.

Tumalikod na ako at dali daling naglakad. Hindi ko alam kung nasaan ang daanan pero bahala na.

"I'm sorry, come back please." Nararamdaman kong sinusundan niya ako.

"Come back here layla, please... please." Patuloy niya pa. Hindi ko siya sinasagot.

Nasaan na ba ako? Bakit ako nasa gitna ng kagubatan? Shit.

"Please layla, please... Come back." Humihina ang salita niya. Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kaniya.

Bago pa man ako magalit at napatulala ako nang makita sa tama ng buwan ang mata niyang kulay tsokolate na lumuluha.

Walang anu-ano'y bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi ako makagalaw.

Bakit? Bakit, min? Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?

Your Maid [Completed]Where stories live. Discover now