Argh! Kailangan ko makalimot!

Mahinang tumawa si jeon sa pagyayabang ko. May sasabihin pa siya sana kaso napalakas ang tawa ng nasa harap namin.

Kapwa napalingon kami ni jeon kay min at hyun ae. I mean, lahat kami ay napatingin sa kanila. Tawa sila nang tawa dalawa. Nagkatinginan si hob at yoong pero nagkibit balikat sila sa isa't-isa. Ganoon rin ang reaksyon ng iba na tila ba walang nakakaalam kung bakit sila tumatawa.

Napatitig ako sa kanila. Si min na wala nang mata dahil sa pagkakasingkit lalo kapag tumatawa. Namumula na ang pisngi niya dahil siguro sa alak at ganoon rin ang manikang si hyun ae.

Humahagalpak sila ng tawa na para bang sila lamang ang tao dito. Sila lamang ang nagkakaintindihan, para bang may saeili silang mundo kung saan walang ibang nag e-exist.

Bagay na bagay talaga silang dalawa, kumbaga match made in heaven ang aura. Kaya hindi kataka-taka kung bakit suportado sila ng mga tao mula pa noon hanggang ngayon. They're too perfect for each other.

Napabalik ako sa wisyo nang bigla na lamang hinalikan ni hyun-ae si min sa labi. Mabilis lamang ito kaya hindi nakapag react si min dahil halatang nagulat rin siya.

Habang ako ay napaiwas lamang ng tingin. Shit!

Ang hirap umarteng hindi ako naaapektuhan. Lalo na sa lambingan nilang dalawa, bakit ang hirap pigilan ang sakit nito kahit na wala naman akong karapatang masaktan?

Kumikirot lalo ang puso ko kapag tumagal pa ako dito. Dapat talaga ay umuwi na lamang ako kanina pa. Ang hirap kasing tumanggi.

Ramdam ko ang pangingilid ng aking luha pati ang paulit ulit na pagkadurog ng puso ko. Wala sa wisyo kong kinuha at binuksan ang isang bote ng soju ay nilaklak iyon ng diretso.

I can't think straight. I'm tipsy and broke, shit life!

Napapikit ako dahil gumuguhit ang pait nito sa aking lalamunan. Ngunit hindi ko iyon inalintana at dire-diretso ko lamang ininom ang isang bote ng soju.

Nagfa-flash parin sa utak ko ang paghalik ni hyun ae kay min. Quick kiss lang iyon pero ang sakit sakit na sa akin, I should've expect this. Lalo na't kasal na sila, they're doing much more at hindi ko ata iyon kakayanin kahit ilang beses ko pa iready ang sarili ko.

Thinking of them alone is too much for me, no shit.

Nilapag ko ang bote nang soju matapos ko iyong inumin. Dinilat ko ang mga mata ko at nanlalabo na ito at para na agad akong umiikot. Ngunit umarte akong okay lang.

Napasinok ako nang mapagtantong nakatingin silang lahat sa akin. Tinakpan ko agad ang bibig ko.

"Ooppss! Hehe sorry!" Sambit ko.

Tahimik lamang sila na ino-obserbahan ako. Hindi ko nalang sila pinansin kasi gumagalaw at sumasayaw na sila sa paningin ko. Nahihilo ako.

"Wait up, I'll go get soju." Saad ko pa nang mapagtantong wala nang laman ang mga bote.

Pagkasabi ko niyon ay tumayo ako. Ngunit hindi pa man ako nakakatayo ng maayos ay napa-upo muli ako. Ramdam kong inalalayan naman ako ni tae.

"sul masiji mala." Stop drinking, you're drunk.

Umiling ako sa sinabi ni tae. "mwo? anya gwaenchanh-a." What? No, I'm okay! Tanggi ko.

May sasabihin pa sana siya pero itinapat ko sa labi niya ang index finger ko.

"Hush, I'm okay." Ngumiti ako habang nakapikit.

Tumayo na ako mag isa saka tumalikod para pumunta ng kusina. Mabuti nalang ay walang pumigil sa akin, paano, nakatitig lamang sila sa galaw ko.

Your Maid [Completed]Where stories live. Discover now