Opposite 42: Finding.

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumayo na lang din ako at ganoon din sila Serge at Diego.

Lumabas na kami, at pagkalabas na pagkalabas namin. Sinuntok ko ang pader.

"Ghionna!" -Diego.

"Ano ba? Tanga ka ba?!" -Serge.

"Sasaktan mo ang sarili mo ng gan'yan?! Para saan? Para saan pa? Maibabalik ba n'yan ang mga nangyari?!" -Diego.

"Hindi lang ikaw ang nasasaktan sa nangyayari. Pamilya na natin si Xienna. Sa tingin mo ang makita ka nitong ganito, matutuwa 'yon? Hindi. Kaya ang mabuti pa ay hanapin natin s'ya at huwag kang tatanga tanga." -Serge.

Umirap na lang ako at saka nauna nang tumungo sa sasakyan ko.

Pinaharurot ko na ito hanggang sa makarating ako sa Unibersidad.

Pero hindi ko alam kung namamalikmata ba ako.

Agad akong lumabas ng sasakyan at tumungo sa malapit dito. Nakita ko namang ganoon din sila Serge at Diego.

Sasakyan ito ni Xienna, sigurado ako doon. Nandito na ba s'ya?

Nagkatinginan kami, at sabay sabay na tinungo ang silid namin hoping na nandito nga s'ya.

Pero nadismaya ako ng ilibot ko ang paningin ko, walang Xienna ang nahagip ng mata ko. Nandito si Khyler at naka-yuko lamang.

"Aish!" hasik ko at tumungo na lamang sa upuan. Baka naiwan n'ya lang dito ang sasakyan n'ya.

Dumating na ang guro at nagsimula ng tumalak pero wala akong balak na makinig sa ingay n'ya.

Nasaan ka ba, Xienna?

Sabi ko naman sa'yo kaya ko maging ate mo. Bakit kailangang lumayo ka pa sa amin? Makikinig at sasamahan ka naman namin eh.

Samahan pa kitang bugbugin 'yong gago na niloko ka. Samahan pa kitang bumugbog ng ilang tao. Sasamahan kita. Sasamahan kita hanggang sa mawala iyang galit sa loob mo.

Pero paano kita sasamahan kung hindi ka naman namin makita't matagpuan?

Natapos ang klase at tumungo na kami sa cefeteria. Nakita ko namang nasa isang lamesa sila Wage. Kasama si Aux at ang malanding Shendy na naka-hawak sa braso n'ya.

Kahit papaano ay napangiti ako ng lihim. Kahit na may nagawa ang kaibigan nila, hindi nila ito nilubayan at sinasamahan pa din. Kahit na tahimik at hindi na katulad ng dating ingay.

Umupo nalang kaming apat sa isang lamesa na medyo malapit sa kanila, iyon lang ang bakante eh.

Umorder na sina Serge at Khyler.

Bahala na sila. Kinuha ko na lamang ang earphone ko at ikinokte sa cellphone ko. Pagkatapos ay isinabit sa tenga ko.

Wala itong tugtog. I just want remain like this. Dahil kahit na papaano ang mga ingay na masasaya sa buong cefeteria na ito ay nagiging musika sa aking tenga.

Ilang sandali pa ay nainip na ako at ang tagal nila.

"Diego." Nagmulat ako pero nagtataka naman ako ng may tinitignan ito sa likod ko. At bahagya pang naka-awang ang labi.

Nangunot naman ang noo ko at tumingin sa likod ko dahil magkaharap kami at literal na sa likod ko s'ya nakatingin.

Nangunot naman ang noo ko at tumingin sa likod ko dahil magkaharap kami at literal na sa likod ko s'ya nakatingin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakita ko si Xienna.

Oo, si Xienna.

Iba ang ayos nito, nag-iba ang paraan ng pananamit nito. At mas lalong umayos ang itsura n'ya.

Pero wala na ang ngiti sa labi n'ya. Walang ka-reakreaksyon ang mga mata n'ya

Naka-sandal ito sa may entrance ng cafeteria.

Nagmamasid sa paligid.

Nagtagpo na ang mata namin pero nilagpasan n'ya lamang. She's different.

"Oh? Anong nangyari sa inyong dalawa?"

Nilingon ko naman si Serge. At nakita ko namang nalaglag ni Khyler ang hawak n'yang pagkain.
"Shit? Oh, no." bulong nito.

Naglikha ng ingay ang nabitawan n'ya at napatingin lahat sa amin. At napatingin din sa tinitignan namin. Nakita ko naman kung paano mag-bulungan ang mga tao.

Nabalik ang tingin ko kay Xienna, naka-ngisi na ito at humakbang.

Dito s'ya papunta. Pero hindi sa amin. Kun'di sa harap ni Khyler.

Hindi ko alam kung matutuwa akl o hindi. Ang daya nila! Ganoon ba sila ka-close na dalawa. Hmp!

"Guys, pa---upo." bigla namang dumating si Eduard pero katulad ni Khyler nahulog din nito ang bitbit na pagkain ng makita si Xienna.

Lumingon si Xienna kay Eduard at sinuntok ito. Napatayo naman ako at nahagip ng mata ko na ganoon din sila, sila Wage. Maliban kay Aux at sa impakrita.

Tumayo na Eduard at medyo yumuko pa sa gawi ni Xienna. Kinuha nito ang kwelyo n'ya,

"What the hell? Anong nangyari sa kapatid ko?!"

OPPOSITE: We Are EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon