Kabanata 5 - Pagkakamali

25 2 0
                                    


Papunta na si Reg sa casino upang simulan ang paghahanap ng mabibiktima na mayamang turista. Pagdating niya sa casino, nagulat siya dahil napakarami ng mga tao kumpara sa unang mga gabing pagdalaw niya roon.

"Uy!  Tiba-tiba na naman ako nito! Sino kaya ang uunahin ko? Hmmm.", sabi niya sa sarili habang nagmamasid sa paligid.

Umupo muna si Reg sa isang upuan habang pinagmamasdan niya ang sari-saring mga personalidad sa silid na iyon. Sakto at may dumating na isang lalaki na napaka-astig ng dating, suot ang magagarang damit at mga alahas. Naghanda na si Reg upang simulan ang kaniyang trabaho. Lumapit siya sa lalaki na tila nang-aakit at nakipagkaibigan siya rito.

" Hi. I'm Raquel! Are you new here?", tanong ni Reg  nang makalapit siya sa mestisong amoy dolyares pa.

"Oh hello!  Yes, I'm new here. Actually it's my first time to be in a casino.", sagot ng lalaki sa kanya.

Nag-usap sila ng ilang minuto at biglang nagyaya ang lalaki na makipaglaro sa kaniya ng poker.

"Okay, but I don't know how to play. Can I watch you play instead?", maamong tanong ni Reg.

"Sure! No problem!", sagot naman ng lalaki sa kanya at hinapit siya nito sa kaniyang baywang patungo sa lamesa ng mga naglalaro ng poker.

May isa pang lalaking nakasunod sa kanila na may dala-dalang briefcase. Umupo na ang mayamang lalaki at saka nag simula na siyang mag laro. Inilapag ng kaniyang tauhan ang briefcase sa tabi ng upuan niya na tila hindi natatakot na mawala ito. Nakatayo naman si Reg sa kanyang tabi at umaarte na tila nanonood sa laro. Lumipas ang ilang oras naaliw na ang lalaki sa laro at 'di na niya namalayan na nawala na si Reg sa kaniyang tabi, pati na ang briefcase niya.

Nataranta ang lalaki sa pangyayari at bigla itong sumigaw at humingi ng tulong. Agad siyang pumunta sa mga security guards upang ireport ang nangyaring pagnanakaw.

" Help me! Somebody stole my briefcase!", sigaw nito habang palinga-linga sa paligid, nagbabakasakaling mahagilap niya pa ang diyosang nanloko sa kaniya.

" Sir? Did you see who took it?", tanong ng security guard sa lalaki.

"A woman... A gorgeous and seductive woman! Where is that bitch?!", sagot nito habang patuloy lamang sa paglibot sa buong silid ang mga mata.

"Do you happen to know her name, sir?", tanong ng security guard habang tumatawag na ng iba pang security guards.

"She said her name was Raquel! She's wearing a white dress and she was right beside me before the incident happened.", halos mangiyak-ngiyak nang paliwanag ng mestisong lalaki.

"Hmm, we don't know anybody named Raquel. Is she a regular here?", tanong ng matipunong tagabantay ng casino at inilapit ang kaniyang radiyo sa kaniyang mukha. "Kapag may nakita kayong babae na nakaputing bestida, huwag ninyong palalabasin."

Agad na nagsimula sa paghahanap ang mga security guards sa babaeng nagngangalang Raquel. Lingid sa kanilang kaalaman, nagtago lang pala sa banyo si Reg na agad nagbihis ng ibang damit. Isang eleganteng bestida ang kaniyang ipinalit at ito'y kulay pula. Binago rin niya ang ayos ng kaniyang buhok, pati na ang kaniyang make-up.

Binuksan niya ang briefcase at nagulat siya sa laman nito. Napapikit na lamang siya sa pagkadismaya nang makitang mga baril ang nasa loob. Kinuha niya ang dalawang pistola na nakalagay roon at itinago sa kaniyang bestida. Mabuti na lamang at hindi na ito hapit sa kaniyang katawan kaya't hindi halata na mayroon siyang inipit roon. Napatingin siya sa kaniyang sarili sa dambuhalang salamin sa kaniyang harapan.

"Tangina.", naiinis siya sa kanyang sarili.

Agad niyang tinawagan si Aliana upang humingi ng tulong. Isinara niya ang briefcase habang hinihintay niya ang pagsagot ni Aliana sa kaniyang tawag. Inilagay niya ito sa cubicle na lagayan ng mga panglinis sa banyo.

"Hello?", halatang kagigising lamang ni Aliana dahil may kasama pang paghikab.

"Aliana! Pumunta ka ngayon dito sa Casino Guillermo ngayon din! Kailangan ko ng tulong mo. Sa likod ka na dumaan, nasa banyo lang ako.", nagmamadaling sagot ni Reg.

" Bakit ba? Ano bang nangyari?", tanong pa nito.

"May nakuha akong briefcase kaso, mga baril pala ang laman! Parang tanga naman 'yong lalaking 'yon! Sino bang matinong tao ang magdadala ng baril sa casino?", pagpapaliwanag ni Reg habang palakad-lakad sa loob ng banyo.

"Sige, sige. Papunta na ako riyan.", sagot ni Aliana, saka ibinaba ang tawag.

Nang mainip siya sa kakahintay sa loob, naisipan niyang sumilip sa labas. Nakita niya ang maraming mga guwardiyang tila nagmamasid sa paligid. Kinabahan siya. Naisip niya na marunong naman siyang lumaban, pero sadyang napakarami nila.

Mistula isang buong taon siyang naghintay sa loob ng banyong iyon, iilang mga babae na rin ang pumasok upang magbawas o mag-retouch ng kanilang mga make-up. Nagpapanggap naman siyang nagre-retouch din kapag may pumapasok. At sa wakas, si Aliana na ang sumunod.

"Bakit ang tagal mo? Nabubulok na ako rito, e!", pagrereklamo pa ni Reg.

"Syempre kailangan ko munang umasta na parang maglalaro rin ako, para hindi naman ako kahina-hinala. Alam mo ba kung gaano sila karami sa labas? Ano ba 'tong gulo na pinasok mo?", mahabang sabi ni Aliana.

"Si Kyemi?", napatigil si Reg nang maalala ang kanilang itinuturing na bunso.

"Kanina pa tulog. Tara na!", sagot ni Aliana at naunang lumabas ng banyo.

Kaswal naman na sumunod si Reg. Mabigat ang bawat tibok ng puso niya subalit hindi niya dapat ito pansinin dahil baka mahalata siya. Mayroong kaunting distansiya mula sa kaniya at kay Aliana upang hindi sila magmukhang kaduda-duda, ngunit nanlamig na lamang siya nang may biglang sumigaw.

"It's her! That's the woman I was talking about! She took my briefcase!", malakas na sigaw ng mestisong mayaman.

Nagkatinginan si Reg at si Aliana. Agad na binunot ni Reg ang dalawang pistola na nakaipit sa ilalim ng kaniyang bestida at inihagis niya ang isa kay Aliana.

"Handa ka na ba?", tanong pa ni Reg habang tanaw ang matitipunong mga lalaking nagsisimulang palibutan sila.

"Ipinanganak akong handa."

Transforming Angels Into DemonsWhere stories live. Discover now