Kabanata 2 - Trahedya

45 3 1
                                    


Napakalaki ng mansyon na tinitirhan ng limang batang babae. Hindi nila alam kung sino ang may-ari, ngunit lubos ang kanilang pasasalamat. Mayroong napakaraming kasambahay ang mala palasyong bahay na iyon. Doon na rin nakatira ang kanilang guro, na labis nilang ipinagtataka.

Subalit wala na silang panahon upang ito'y mabusisa pa nang maayos, sapagkat patuloy ang kanilang training araw-araw. Magta-tatlong linggo na silang tinuturuan ng basic self-defense upang maprotektahan raw nila ang kanilang mga sarili sa hinaharap.

Training dito, training doon. Daig pa nila si Manny Pacquiao sa bigat ng dinaranas nilang pag e-ensayo. Mayroon silang training sa paglangoy, pagtakbo ng mabilis na mabilis, pag-atake sa kalaban, at maging sa paghawak ng baril. Noong una'y hindi nila lubos maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang ensayong ginagawa nila. Hanggang sa makalipas ang tatlong buwan ng pamamalagi nila sa mansyon, nalaman din nila ang katotohanan.

"Ang layunin namin ay ang gawin kayong ganap na mga secret agent sa nalalapit na hinaharap.", pagpapaliwanag ni Mister C, ang kanilang guro. "Si Mr. Xy (Sai) ang siyang kumupkop sa inyo, at makikilala n'yo na siya. Hindi niyo siya maaaring tawagin sa kanyang totoong pangalan, o tumingin ng direkta sa kanyang mga mata. Hindi siya nakatira sa kanyang mansyon sapagkat nais niyang ma-sorpresa sa resulta ng aking pagtuturo."

Biglang kinabahan ang mga bata. Nang makaalis ang guro ay agad na nag-usap ang mga ito.

"Ano kaya ang hitsura niya 'no? Gwapo kaya siya? Kahit kasi isang litrato man lamang niya ay wala akong matagpuan sa mansyon.", panimula ni Firona, ang batang unang napatawan ng parusa ng kanilang guro, tatlong buwan na ang nakalilipas.

"Bakit kaya napaka-misteryoso niya, 'no? Isipin n'yo, tatlong buwan din siyang hindi nagpakita sa 'tin. Pinatira niya lang tayo at pinakain sa bahay niya.", hirit naman ni Aliana, ang batang galing sa bahay-ampunan.

"Pakiramdam ko, nakakatakot siyang tao. Kasi, nagtatago siya e.", nanginginig na sabi ni Kyemi, ang batang namatayan ng mga magulang.

Lahat sila'y napangiwi sa sinabi ni Kyemi. Napayuko na lang siya at nagpatuloy naman sa pag-uusap.

"Ha? Anong ibig mong sabihin Kyemi? Anong nakakatakot? Hindi ko maintindihan, e.", pagtatanong ni Sabiana, ang noo'y batang lansangan.

"Huwag mo nang pansinin 'yong sinabi niya, Sab. Dapat nga naghahanda na tayo kasi tayo raw ang dadalaw sa kung nasaan man si Mr. Xy.", sagot naman ni Reg, ang batang nanggaling sa tiyahin niyang mukhang pera.

"Sino ang may sabi sa 'yo n'yan?", pagtataka ni Firona.

"Narinig ko sa mga kasambahay. Pati nga sila e, sasama rin.", muling sagot ni Reg.

Agad na naghanda ang mga babaeng bata ng kanilang mga sarili upang representable naman silang makakaharap sa taong kumupkop sa kanila.

Nasa sasakyan na ang lahat. Ang limang mga bata, ang kanilang drayber, ang kanilang guro, at apat na kasambahay. Sa kasagsagan ng kanilang paglalakbay ay biglang may nagpaputok sa kanilang sinasakyan.

Kinabahan ang mga bata nang sila'y sabihan na magsi-dapa. Laking gulat ng mga ito nang naglabas ng isang pistola ang isa sa mga yaya nila at bahagyang inilabas ang kanyang katawan sa bintana upang gumanti ng pagbaril sa sasakyang nakasunod sa kanila.

Boogsh!

Napahinto ang kanilang drayber sa pagmamaneho nang pumutok ang isang gulong sa likod ng sasakyan. Tumigil rin ang sasakyang sumusunod sa kanila. Dahan dahang lumabas ang kanilang mga kasambahay na pawang mga babae upang labanan ang mga taong nais pumatay sa kanila.

"Dito lang kayo!", paalala ni Mister C bago tumulong sa pakikipagbakbakan.

"Ano pa ba ang hinihintay ninyo? Pagkakataon na nating 'tong tumakas!", sabi ni Reg sa mga kasama.

Sumang-ayon naman si Aliana at si Kyemi. Ngunit si Sabiana at si Firona ay nakatitig lamang sa kanila. Walang sinayang na segundo sina Reg at dali-daling lumabas ng kotse at nagsitakbo.

Nang matapos ang gulo, bumalik si Mister C sa sasakyan na dala² ang wala nang buhay na drayber nila. Isang kasambahay naman ang sugatan. Lahat sila'y nagulat nang dalawa na lamang ang natira sa sasakyan.

"Nasaan na sila?!", natatarantang sigaw ng kanilang guro.

"Tumakas na po.", sagot naman ni Sabiana.

Transforming Angels Into DemonsWhere stories live. Discover now