3° dust.

12 1 0
                                    

Kanina pa ako paikot ikot sa kama sa kakaisip kung saan galing ang note na nakuha ko kanina sa library. Dalawang oras lang ang tinagal ng tulog ko dahil maliban sa kung ano ano ang pumapasok sa utak ko ay vibrate ng vibrate ang phone ko. Sa puntong ito, gusto ko'ng itapon ang phone ko nang hindi ko na maramdaman ang pag vibrate nito.

"Mera, sagutin mo na nga 'yang natawag sayo." sabi ni Cate sa akin na may halong pagka antok sa kanya'ng boses at bumalik ulit sa kanya'ng tulog.

Dahil sa inis ko ay inabot ko na ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag.

Ate Reese Calling...

Hindi na ko nagdalawang isip pa at pinatay na agad ang call pati na rin ang phone ko. Bahala sila, gusto ko ng mapayapa buhay ko. Hindi na ako babalik, at wala ako'ng balak bumalik dahil impyerno ang buhay ko doon.

Bigla namang pumasok sa isip ko si Tylan. 'Yung lalaki'ng 'yun... paano ko ba magagawa ang plano ko? sa totoo lang, kahit na ganun siya, may pagka manyak at pagka arogante ay para'ng may tinatago siya'ng bait... o baka mapag panggap lang siya? ewan ko.

Nagulat naman ako dahil may narinig ako'ng kung ano'ng tumama sa bintana. 4AM pa lang, ang aga naman mang gago ng mga rugby boy dito sa street ni Cate.

Bumangon ako at binuksan ang bintana para dungawin kung sino ang nang bato sa bahay ni Cate ngunit pagbukas ko ng bintana ay sinalubong agad ako ng napaka lamig at napaka pamilyar na hangin. Napangiti ako dahil alam ko na kung kanina galing ito. Dumungaw ako at nakita ko si Viel na nakatingala at tinitignan ako sa bintana.

"Viel

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Viel..." nagmadali ako'ng bumaba at lumabas ng bahay ni Cate. Agad ko'ng niyakap si Viel ng napaka higpit. Niyakap niya ako pabalik at hinalikan ang ulo ko. "Ba't gising ka pa?" Tanong nito sa akin. Nase-sense niya kasi ang mga bagay na gagawin ko at buti naman nagpakita siya sakin ngayon.

"Gusto kita yakapin." sabi ko sa kanya at hindi ako bumitaw sa pag yakap sa kanya. "Ayoko'ng napupuyat ka." sagot nito sa akin. "Kamusta naman ang plano?" tanong nito sa akin kaya agad ako bumitaw sa pag yakap ko sa kanya.

"Nakita ko na siya. Sa school lang namin siya nag aaral Viel." nang sabihin ko iyon, ngumiti lamang ito at suminghal. "Mera, kung hindi mo kaya'ng gawin, 'wag na dahil ayaw ko'ng mahirapan ka-" pinahinto ko siya magsalita gamit ang labi ko. Sumagot naman siya sa mga halik ko at ngumiti ako pag parte ng mga labi namin. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya, "Gagawin ko lahat maibalik lang kita." hinalikan ko ito muli saglit at niyakap siya.

"Mahal na mahal kita Mera." para'ng babagsak ang katawan ko ng marinig ko iyon. "Mahal na mahal 'din kita Viel." sagot ko dito at humiwalay sa yakap. "Mag iingat ka Mera." Sabi niya sa akin at tuluyan na ulit naging abo.

Mag iingat ako dahil alam ko'ng babalik si Viel matapos ko lang ang misyon ko. Hindi pa sa ngayon pero magagawa ko rin ito. Napaka importante ni Viel sa buhay ko, at 'nung nawala siya hindi na ako naging masaya.

Pag pasok ko ulit sa bahay ni Cate ay naghanda na ko ng agahan namin dahil ilang oras na lang ay papasok na kami. Mga ilang minuto lamang ay bumaba na si Cate, humihikap hikab pa at hawak hawak ang unan. "Mera, 'yung ate mo ayaw pa awat." bati nito sa akin at inabot ang phone sa akin. Hindi ko na sana kukuhain pero nakakaiya naman na kasi kay Cate dahil sa pang iistorbo ng Ate ko.

"Hello?" sagot ko sa tawag ng ate ko. Narinig ko lamang ang mga hikbi nito at napa singhal na lang ako dahil alam ko'ng walang patutunguhan 'tong tawag na ito. "Ate, 'wag ka ng tumawag kung ganito lang 'din." sabi ko pa dito at nagsalita siya. "Mera, hindi ka na ba babalik?" tanong nito sa akin at nag ngitngit ako sa inis, "Hindi at 'wag ka nang tatawag." pinatay ko ang tawag at nilapag sa mesa ang phone ni Cate.

"Im sorry Cate." nahihiya na talaga ako kay Cate kung tutuusin. Para ako'ng palamunin dito sa bahay niya pero mabuti na lamang at mabait si Cate dahil kahit pa hindi ako nagsasabi kay Cate ay tinanggap niya pa ako sa bahay niya.

"Okay lang 'yun 'te. Pero pwede ko ba malaman kung ano talaga problema mo? Bat ka ba kasi umalis sa inyo?" tanong nito. Pinatay ko ang stove at sumandal sa counter paharap kay Cate. "Hindi ko na sila kaya'ng pakisamahan pa." sabi ko sa kanya. "Isang gabi gumising ako sa sampal ng tatay ko... wala ako'ng ginagawa tulog lang ako. Ayoko nang bumalik sa kabaliwan ng tatay ko." kwento ko sa kanya. Natahimik lang siya at dama ko na nagsisi si Cate na nagtanong siya pero ayos lang dahil kung tutuusin nasa bahay niya ko, at may karapatan siya malaman kung bakit nandito ako.

"Kain ka na Cate, liligo na ko." sabi ko sa kanya. Nag ayos na ko agad ng gagamitin ko at ng uniform ko at naligo na.

Sa loob ng dalawang oras ay nakapag ayos na kaming dalawa ni Cate at pumasok na sa school.

Sa pakikinig ko ng lecture ng prof namin ay nabigla ako ng may upuan na gumalaw na tila ba'y muntik nang malaglag ang nakaupo dito. Tumingin ako at nakita ko si Tylan na humihikab. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa itsura niya'ng nakakatawa.

"Mr. Brooklyn, do you mind to explain to me what happened to Marcos after the people power revolution?" tanong ng prof namin at nang tignan ko ang itsura ni Tylan ay parang kinakabahan ito dahil hindi niya alam ang sagot.

sinulat ko ang sagot sa notebook ko. Nilakihan ko ang sulat para makita niya. minalabit ko ito sa hita niya para makita niya ang notebook ko.

"A- A new constitution has been made and Marcos died of lupus." Sagot nito. Pinaupo na siya ng prof pagtapos niya sumagot at sinipa ang upuan ko. "Thank you." Pabulong na sabi nito. Hindi ko na lang siya pinansin at binalik ang tingin sa prof namin.

'Wag ka mag pasalamat. Parte 'yan ng plano ko.

Find him, Mera.Where stories live. Discover now