2° Note.

27 1 0
                                    

Hinihingal ako ng makarating sa room namin para sa next class namin at agad ako sinalubong ni Cate na halatang nag aalala nang makita niya ang lagay ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hinihingal ako ng makarating sa room namin para sa next class namin at agad ako sinalubong ni Cate na halatang nag aalala nang makita niya ang lagay ko. Hawak hawak ko pa kasi ang dibdib ko dahil halos hindi na ko makahinga.

"Mera, anong nangyare? teka, ito tubig." nag aalala'ng sabi nito. Kinuha ko ang bottled water sa kamay niya at ininom ang tubig. Nabawasan ang pagka-hingal ko pero para'ng hindi pa 'rin ako mapakali. Di ako makapaniwala'ng ganun ko siya kabilis mahahahanap.

"Uy Mera, magsalita ka 'teh. Ano nangyare? bat ka hinihingal?" Muli'ng tanong ni Cate. "Hinabol ako ng guard. Ikli daw ng palda ko." palusot ko sa kanya.

"Lagi ka na lang hinahabol ng guard. Buti na lang hindi dean ang humabol sayo, nako parusahan ka talaga nun." Sabi sakin ni Cate at dinala na niya ko sa room.

Mabilis lamang natapos ang klase dahil siguro tinamad na magturo ang prof namin magturo. Hanggang ngayon ay grabe pa rin ang spacing up ko. Lutang na lutang ako dahil iniisip ko 'yung nangyare kanina at kung paano ko magagawa ang misyon ko, kung paano ko malilinis ang pag-

"Mera." Nagising ako sa pagka lutang ko dahil sa pagwagwag ni Cate sa braso ko. Kanina pa pa niya ako tinatawag. "Mauna na ako. Baka tulog ako mamaya 'di kita mapagbuksan ng pinto, ito 'yung spare key." sabi niya sakin at agad ko'ng nilagay sa bag ko 'yung spare key na binigay niya sakin para hindi ko mawala.

3pm ang duty ko sa library pero kahit na may 30 mins pa ko'ng time ay pumunta na agad ako sa library. Pumwesto na agad ako sa mid table para magbantay kahit pa andun 'yung head librarian namin. Sanay naman na siya na lagi ako'ng maaga sa duty ko kaya hindi na niya ko sinisita kung bakit maaga ako.

"Mera, dito ka na. Ikaw na bahala." nakangiti niya'ng bilin sa akin habang nag aayos ng gamit niya kasi uuwi na siya. Nasa 60s na rin ang edad ni Miss Asprah kaya pinagbigyan siya ng school namin na maaga ang leave niya. Andito naman ako para magduty pag uuwi na siya. "Ingat po kayo Miss Asprah." nakangiti ko'ng paalam sa kanya at umupo na kung saan siya naka upo kanina.

Madalas ay nag-iinternet lang naman ako dito, perks na 'rin ng pagiging on-duty ko dito sa library ay ang madaling paghanap ng sources ko sa mga assignments ko.

Napatingin ako sa harap ko ng may bumalabag na makapal na libro ng encyclopedia sa harap ko. Nairita ako dahil hindi naman kelangan ibalagbag na lang ang libro lalo na sa harap ko. Tumingala ako para makita kung sino'ng walang hiya ang nanghiram ng encyclopedia at nanlaki ang mata ko 'nung nakita ko kung sino siya.

"Hi miss sungit! ikaw pala 'yan." naka-ngisi niya'ng bati sakin. Napatameme na lamang ako sa kanya, ughhh bat ba grabe ako magulat at grabe ako kabahan. "uhmmm, Mera? uy, hiramin ko 'to." sabi niya pa kaya umayos ako at kinuha ang encyclopedia.

hinigi ko ang id number niya para ilagay sa record niya ang paghiram niya ng libro dito sa library at na-confirm ko nga na siya ang hinahanap ko at hindi ko basta guni guni lang ang lahat dahil Brooklyn ang apilyedo niya. Hindi ko alam pero nanginig ako. Inabot ko sa kanya ang receipt at ang libro na hiniram niya. Akala ko aalis na siya pero hindi. Tinignan ko siya at nahuli ko na nakangisi lamang siya'ng tinititigan ako.

"Ba't nawala sungit mo?" tanong nito sakin, hindi ako sumagot at nagpaka busy sa paggamit ko ng computer. "at bakit mo kelangan tignan ang buong pagmumukha ko kanina sa bleachers?"

"Bakit andami mo'ng tanong?" halata ang pikon sa boses ko nang sabihin ko iyon sa kanya at tinignan siya. Tumawa lang siya at kinuha sa table ang encyclopedia book. "Oh easy ka lang miss sungit, nagtatanong lang e." biro niya pa ulit and i swear pag isang hirit niya pa baka magawa ko ang plano ko ng 'di oras.

Alam ko'ng aalis na siya dahil sinakbit na niya ng maayos ang bag niya sa likod niya, ngumiti siya sa akin kahit pa halata sa mukha ko ang pagka irita sa kanya, "See you around Mera." sabi nito at naglakad na papalayo.

Nabunutan ako ng tinik pagkawala niya at ginawa tinuon ang atensyon ko sa pag computer.

Saktong 5pm ay sinabihan ako ng guard na magsara na ng library dahil may sudden suspension. Kelangan daw ng general roaming si school namin at kelangan ng umuwi ng mga estudyante. Nagbell ako ng ring para ma-alarm ang lahat.

Hinintay ko lang ang mga estudyante magsi alisan at nang wala na ko'ng napansin na tao sa loob ng library ay mag iikot ako sa library para maglinis o ilagay ang mga librong hindi nalagay ng mga estudyante sa bookshelves.

May nakita ako'ng libro para sa agriculture na nakabuklat at may nakaipit pa'ng note.

you are definitely dead if you keep loving Viel.

Find him, Mera.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon