1 ° air.

31 1 0
                                    

Nagising ako dahil sa nakakarinding alarm ni Cate

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising ako dahil sa nakakarinding alarm ni Cate. Gusto ko pa ipikit ang mga mata ko dahil antok na antok pa ako, pero pang-limang beses na ko'ng naalimpungatan dahil sa paulit ulit na pag-ring ng alarm ni Cate. 

"Cate hayup ka, inaantok pa ko." sabi ko habang inuunat ang katawan ko sa tabi niya. Napansin ko na lang na tulala siya at nakatingin lamang sa ceiling ng kwarto niya. "Tinatamad ako pumasok." sabi ni Cate 'sakin.

Kagabi lamang ay tuluyan na nga ako'ng umalis sa amin. Pagkatapos maging abo ni Viel ay nagbike na ako papunta sa bahay ng bestfriend ko'ng si Cate. Mag isa na lang si Cate sa bahay na ito, kaya talaga'ng kampante ako'ng tatanggapin niya ko sa bahay niya na tumira pansamantala.

Nakahiga pa 'rin ako habang si Cate ay naliligo na sa banyo niya. Grabe, inaantok pa ko dahil dalawang oras lang talaga ang tulog ko pero kelangan ko pumasok. Mababaliw ako kung hindi.

"Hindi ka ba talaga hahanapin sa inyo?" Tanong sakin ni Cate habang nagtu-toothbrush. Tumatalsik pa ang mga bula sa bibig niya habang sinasabi 'yun pero hindi ko na 'yun pinansin at bumangon na para maligo. "Hindi na. Bahala sila." sabi ko at dumiretso na sa banyo.

Pangatlong linggo na kaming pumapasok. Sa tatlong linggo na 'yun, kasama na 'yung nag-summer job ako, ay naipon ko na ang pangbaon ko. Scholar ako sa eskwelahan na pinapasukan namin ni Cate, at sa after class naman ay helper ako sa library ng school namin pang-raket ko. Kaya kung iisipin, kayakayanin ko naman mag-isa 'tong buhay ko pero kelangan ko lang talaga ng matutuluyan, salamat kay Cate at pinatuloy niya ko.

At kung tatanungin niyo ko, kung may alam siya tingkol kay Viel- wala, at hindi niya dapat malaman.

"Alam mo, feeling ko talaga hahanapin ka pa ng magulang mo eh. Ano ba kasi nangyare sayo? Ba't ka umalis?" Sabi niya sakin habang naglalakad kami papunta sa school na fifteen minutes lang ang layo sa bahay ni Cate. "Sa susunod ko na lang ikwento sa'yo Cate." Sabi ko sa kanya. Tumango lamang siya at iniba niya ang topic hanggang sa makatarating na kami sa school.

pagkatapos ng tatlong period ay dumiretso agad ako sa football field at umupo sa bleachers. Hindi ko kasama si Cate dahil may klase pa siya. Hindi tugma ang klase namin dalawa dahil magkaiba kami ng schedule. Tinanaw ko lang ang malinis na field at dahan dahan kong ipinikit ang mata ko habang dinadama ang lamig ng hangin na dumadapo sa balat ko. Ganito'ng ganito ang pakiramdam ko pag alam ko'ng dadating siya.

Hanggang sa may nagsalita na lamang sa hindi ko alam na bahagi ng lugar kung nasaan ako.

"Ate panty mo nakikita na." sabi nito sa akin at agad ako napadilat sa gulat.

Agad ko'ng hinawakan at palda ko at ibinababa ito sa hita ko para takpan ang cyclings ko na napagkamalan na panty ng kung sino mang hayop ang nakakita 'nun.

Tinignan ko ang paligid ko para hanapin kung sino ang lalaking nagsalita. "Dito." sinundan ko ang boses niya at nakita ko'ng paakyat siya sa bleachers kung nasaan ako.

Naka-varsity jacket ito na blue, naka cap na tinatago ang mukha niya at may hawak na corn dog. May suot itong lace ng school namin kaya alam ko'ng dito rin siya nag aaral. "Ate, sa susunod mag shorts ka naman." asar sa akin nito at tinignan ko siya ng masama.

"Wala ka'ng pake sa suot ko." inirapan ko siya at muling tinignan ang malinis na soccer field.

"sungit nito." sabi nito sa akin at tumabi sa akin. "Mera pangalan mo diba? Mera Ron-" sabi nito sa akin at tinignan ko ulit siya ng masama.

"Pano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ko sa kanya bago niya pa banggitin ang buong pangalan ko at ngumuso lamang siya sa hita ko kung saan nakapatong ang id ko. Nandilim ang paningin ko dahil titig na titig pa 'din siya sa hita ko.

"Ginagago mo ba ko?" Matapang ko'ng sabi sa kanya pero tinawanan niya lang ako sabay kagat sa corndog na hawak niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ginagago mo ba ko?" Matapang ko'ng sabi sa kanya pero tinawanan niya lang ako sabay kagat sa corndog na hawak niya. "Ang pogi ko nama'ng gago." biro niya at napangiwi na lamang ako sa diri.

Tumayo ako at sinakbit ang bag ko sa likod ko. Nakakabwisit, akala ko si Viel ang makikita ko, namanyak pa ko dito.

"Sungit." rinig ko'ng sabi nito habang naglalakad ako papalayo.

"Tylan! Sino nanaman ya'ng minamanyak mo dyan ha?!" Narinig ko ang malakas na sigaw ng lalaki at agad nagpintig ang dibdib ko.

Lumingon ako at tinignan muli 'yung lalaking katabi ko kanina. Binunot ko ang litrato sa bulsa ko at tinignan ulit ito ng mabuti.

Shit, hindi ko agad napansin.

Ura-urada ako'ng lumapit sa lalaking katabi ko kanina at nakita'ng may papalapit na sa kanya'ng isa pa'ng lalaki pero hindi ko iyon pinansin. Tinanggal ko ang cap ng lalaking katabi ko kanina at halos hingalin na ako ng makita ko ng maayos ang mukha niya.

Tylan Brooklyn. Nahanap na kita.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Find him, Mera.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon