Chapter 5: Lucky Hug

2 1 0
                                    


It is that day.

Pagkagising na pagkagising ko naghanda na agad ako para pumasok. I curled my hair para sa performance mamaya.

Pagdating ko sa school nakagilid yung mga upuan sa room namin.

"Magpractice muna tayo ng interpretative dance para sa competition." paliwanag sa amin ni Sanya.

Hindi agad nagsimula ang practice, hinihintay pa kasi yung ibang classmates namin and yung props. Kaya nagpractice muna kami ng mga groupmates namin para sa presentation mamaya. Pagkatapos ng dalawang diretsong practice ng buong performance namin, napagdesisyunan namin ni Aries na magpractice ng rewrite. Paulit-ulit kami sa sayaw namin pero mukhang pareho kaming hindi satisfied.

"Gusto mo palitan natin yung steps sa part ko?" Aries suggested out of the blue, na okay lang naman sakin since di kami nagkakasabay lagi sa part niya which is the first part. Importante lahat ng parts kaya gusto kong sa una palang, maayos na kami tignan.

"Sige lang, may naisip kaba na ipapalit?"

"Wala pa nga e"

"Panoorin nalang natin yung original vid para magkaidea tayo." I suggested kaya pinanood namin yung saved vid sa phone ko.

"Itong part na to kaya? Itry natin" Aries suggested kaya agad naman kaming tumayo at pumwesto.

Instead of dancing or doing the first steps we followed what we saw on the video. Nagstart kami ng magkatapat then pinaplay namin sa groupmate namin yung music.

You know I want you

Unti-unti kaming nag-angat ng tingin sa isa't isa.

It's not a secret I try to hide

Umatras ako ng dahan-dahan habang nagsestep forward naman siya, pagtalikod ko hinawakan niya yung bewang ko kaya napaharap ako sa kanya, kusa namang napunta ang mga kamay ko sa balikat niya. Narinig ko ang tili ng mga kagrupo namin. Tumigil na kami pagtapos ng mga part na iyon.

"Ayos lang ba?" tanong namin sa mga kagrupo namin na nanonood.

"Oo, mas maganda yan kesa dun sa una." that's what Alexandra stated kaya nagsettle na kami doon.

Nasa katabing room kami kaya may ilan sa mga kaklase namin ang pumapasok para makinood. Tumigil kami saglit sa pagsayaw para ayusin ang ilang parte ng routine namin na hindi pa nakaayos.

"Nakakakilig sila no"

"Kahit wala kayong gawin nakakakilig kayo!"

"Bagay bagay"

Ilan lamang yan sa mga papuring narinig namin mula sa classmates namin kaya naman mas ginanahan kami sumayaw. May ilang parts pa kaming gusto lagyan ng steps para hindi patay tignan pero wala na kaming maisip kaya naman pumunta kami sa room namin para magpatulong kay Sanya.

"Patingin nga ako ng nagawa niyo na"

Ginawa namin ang steps na nabuo namin. Nasa unang parte palang kami ng nakalimutan kong lumayo ng hakbang kaya naman ng iharap niya ako sa kanya, halos isang inch nalang ang pagitan ng mukha namin sa isa't isa.

"ahhHHHhH"

Sabay-sabay na napatili ang mga kaklase ko, naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Pareho kaming hindi gumagalaw ni Aries, mas lalo kong naappreciate ang features ng mukha niya. Napakaamo niyang tingnan, he has that good boy look, innocent eyes and thick lips.

Pero napabalik ako sa realidad ng bigla siyang ngumisi, napabitaw ako sa kanya at agad na umatras. Gulat na gulat ako sa pagngisi niya kasi sa aming dalawa siya yung mahiyain at tumatawa nalang sa tuwing binibiro ko siya.

PAKSHET IBALIK NIYO YUNG ARIES KO SINO TONG DEMONYO SA HARAP KO

"Basta may gawa na kami, dito lang sa isang part wala." yan nalang ang sinabi ko habang pilit na tinatago ang kabang nadarama.

---

Dumating na si sir habang nagbibihis at nagseset-up ang lahat sa room samantalang nasa isang sulok lang ako, hindi mapakali at tuloy-tuloy ang pagdagundong ng dibdib ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pumikit ako saglit para i-visualize ang performance namin mamaya, lalo na ang performance namin ni Aries. Iniisip ko ang magiging performance namin mamaya at.....

KINIKILIG AKO????

Imposible naman. Hindi ko naman siya cru----

"Hoy babae"

"Ay crush"

"Anong crush ka jan? Crush moko?"

"Ang kapal din pala ng mukha mo Aries no? Saka bat moko tinawag na babe?" Tumawa si Aries sa sinabi ko. Bakit? May sinabi ba kong mali?

"Sabi ko babae, anong babe. Napaghahalataan ka talaga ha."

"Umalis ka nga sa harap ko bwiset ka." Agad naman siyang umalis sa harap ko at tumabi sa akin. Aba pigilan niyo ako papatayin ko to.

"Oh yan wala na ko sa harap mo." Inirapan ko nalang siya dahil alam kong hindi rin siya magpapatalo at hahaba lang ang usapan namin.

"Vienne, kinakabahan ka no?"

"Sobra"

"Basta magtiwala ka lang sa groupmates natin. I'm sure hindi rin naman nila gugustuhing bumagsak no."

"Pero kasi napressure ako sabi ni Keith isa daw yung performance natin sa magdadala sa group natin. Saka isa pa--"

"Kinakabahan ka sa ending natin? Kumalma ka lang okay? Ako bahala sayo. Gusto mo ba palitan yung ending? Kung hindi ka komportable and ayaw mo nun pwede naman."

"Huy hindi a, gusto ko nga e"

"Ayon gusto pala ha. Umamin kana lang kasi na may feelings ka sakin. I don't judge nama---ARAYYYY"

Masyado na siya nagiging confident at maingay kaya tinampal ko siya. Napakafeelingero.

"Kinakabahan na nga ako puro kalokohan kapa. Sinapian kaba? Kala ko ba mahiyain ka? Bat ang kapal na ng mukha mo?"

"Ikaw kasama ko e. Komportable ako. Saka para mawala yang kaba mo. Tara nga dito."

No words. As in. No words. Niyakap niya ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko and ramdam ko na namumula ako.

"Lucky hug yan. Pampaswerte and pampaalis ng kaba. Huwag mo ipressure masyado sarili mo. You'll do well. We'll do well."

Napapikit nalang ako habang nakasandal sakanya. I guess it's confirmed then.




I do have a crush on him.



HOLSWTO: RewriteWhere stories live. Discover now