Chapter 4: Entertained

2 1 0
                                    

“Isa pa, ayusin niyo” sigaw sa amin ng classmate namin na naglelead ng sayaw na si Sanya. After kasi ng supposed-to-be performance namin noong end of July, magsstart na kami magpractice para sa Buwan ng Wika. Sumali ako sa interpretative dance. Kalahati ng class namin ang dancers samantalang the other half is magsisilbing propsmen namin.

**

Kasalukuyan kaming nagwawater break habang tinuturuan ng classmate namin yung mga sasayaw sa isang part noong tanungin ni Sanya ang mga lalaki kung sino ang gusto nila makapartner sa mga babae o kung kanino man sila komportable para sa second set ng partners. Nakatingin lang ako sa mga kaklase kong lalaki, curious eh. Isa kasi ako sa mga pagpipilian.

“Eh ikaw Aries? Sino partner mo?” tanong ng kaklase namin habang lahat kami ay nakatingin kay Aries.

“Si Vienne.” Sagot ni Aries sabay turo sa akin.

Napatayo naman ako mula sa aking pagkakaupo sa lapag at umaktong kinikilig. Inexpect ko na rin naman na pipiliin niya ako dahil nga magkapartner kami sa rewrite. Bilin ni Sanya na pumili ng partner na komportable kami. Saka sa first set of partners palang e gusto ko na siya makapartner. Sanay na kasi ako sumayaw na siya yung kasama.

**

Dumaan ang mga araw na wala kami gaanong iniintindi kundi ang interpretative dance para sa Buwan ng Wika. Nasa dalawang biyernes na kasi ang dumaan. Nung una, suspended ulit at sa pangalawa naman ay hindi pumasok si sir dahil may kailangan daw siyang asikasuhin. Kaya nilaan nalang namin ang oras sa pagpa-practice para sa interpretative. Hindi na rin kami nakakapag practice ng performance namin para sa Talent Showcase. Thursday na ngayon at sa wakas bukas na ang pinakahihintay naming performance ni Aries. Sa sabado naman ang contest na gaganapin para sa “Buwan ng Wika”.

**

Uwian na noong hinarang ko si Aries saglit, pinigilan ko muna siyang umuwi dahil napansin kong hindi na namin magawa ang sayaw ng maayos. Siguro dahil nga yung choreo ng contest ang kasalukuyang nakatatak sa utak at sistema naming lahat.

“Hoy Vivi, sumunod ka dun sa sisigan pagtapos niyo jan a?” bilin sa akin ng mga kaibigan ko.

“Sige sige, ayusin lang namin to ni Aries.”

Naiwan kami ni Aries, Lalaine at ng dalawa pa naming kaklase sa room. Sa first three tries namin, madalas kaming magtawanan sa tuwing magkaka-titigan kami. Nasanay kasi kami na lagi kaming nagbibiruan. As in lagi akong naeentertain sa panggugulo sa buhay niya.

Noong last practice na nakapagdecide na kaming magseryoso. Kaya naman pati facial expressions at emotions na dapat meron ako ay pinakita ko na. Napansin ko ang pamumula ng mukha ni Aries at ang nangingibabaw na hiya niya pag nagtititigan kami na nagiging dahilan para mawala ako sa focus. Ang cute kasi e. Para siyang bata na nahihiya. Tawa parin tuloy ako ng tawa.

“Nahihiya si Aries sayo”

“Hindi siya makatitig ng diretso o”

Yan ang mga sinabi sa akin ng dalawa naming kaklase na pinanood kami. Pero dahil isa nga akong matinong nilalang ay sinagot ko sila.

“Nako Aries. Kinikilig ka nanaman sakin” biro ko sa kanya na agad naman niyang tinawanan.

**

“Paano ba magpakilig?”

Tanong ko sa mga kaibigan ko habang kumakain kami dito sa sisigan malapit sa school.

“Eye contact”

Halikan mo te”

Halik halik pa dakma na agad”

Yan ang kanya-kanya nilang sagot sa tanong ko. Naalala ko kasi bigla at napaisip rin ako kung paano magiging nakakakilig yung performance namin. May chemistry ba kami? Paano kung ni isang tili wala kaming marinig?

**

Hanggang sa pag-uwi ay bitbit ko ang pag-iisip kung may kilig factor ba kaming maipapakita ni Aries sa mga kaklase namin. Nagtanong pa ako sa iba kong mga kaibigan. Nagchat din ako kay Aries tungkol dito.

Vivienne: Arieeees

Aries: Yes?

Vivienne: Pano tayo magpapakilig?

Aries: Nako naisip ko rin yan

Vivienne: Wait hihingi ako advice.

Aries: Sige tapos send mo lang dito.

Una kong chinat ang bestfriend ko na kdrama addict. Siyempre marami siyang alam when it comes to kilig.

Vivienne: Mamsh, magi-interpretative dance ako bukas. May partner. Rewrite the Stars yung kanta. Any tips para sa kilig factor?

Nica: Eye contact

Vivienne: Ano pa?

Nica: Intimate steps

Nica: Yung magmumukhang komportable kayo sa isa’t-isa

Nica: Dikit mukha.

Vivienne: Mygahs

Vivienne: Okay mamsh, salamat.

I took a screenshot of the convo then sinend ko kay Aries. I asked our classmate this time.

Vivienne: Uy diba napanood mo kami ni Aries kanina? Any tips para maging nakakakilig yun?

Classmate: Titigan po

Classmate: Ganda kaya

Classmate: May chemistry

Vivienne: Okay maraming thank you.

After the conversation, nagscreenshot uli ako and sinend ito kay Aries.

Aries: Joskooo

Aries: Wag sana ako matawa

Vivienne: If ever di kayanin ng mata sa mata, tingin nalang ako sa labi.

Vivienne: Pero kayanin natin please

Aries: Oo! Gagawin ko lahat.

Vivienne: Nervous?

Aries: Sobra

Vivienne: Alam mo kung bat ka kinakabahan?

Vivienne: Kasi isang Vivienne Ricafuerte yung makakapartner mo.

Vivienne: Sobrang ganda, hays.

Aries: Ayoko na ngaaaa

He's...cute. Pero hindi ko sasabihin sa kanya. Mahirap na baka lumaki ulo. Asarin pako niyan araw-araw about doon. And there's something about him that makes me happy? Entertained???? All I know is that he never fails to make me laugh and I feel safe whenever I'm with him.

Noong wala na akong mahingi pa na advice ay napagdesisyunan kong panoorin ang original video ng Rewrite the Stars ni Zac Efron at Zendaya. Nagbabakasakaling may makuha akong technique para maachieve yung kilig factor. Napansin ko yung last part. Magkalapit ang mukha nilang dalawa, nakahawak si Zac sa bewang ni Zendaya with eye contact. Kaya ba namin to?

Vivienne: Aries, what do u think?

Vivienne: Pinanoond ko orig vid ng rewrite then nakita ko yung ending. Nagtititigan sila, mej magkalapit mukha then nasa bewang ng babae kamay nung lalaki.

Aries: Do u want ba? May time pa tayo para mapalitan yan.

Vivienne: Pweds, try natin bukas. Wala naman tayo first sub.

Aries: Sigeee, tutulog nako. Goodnight.

Vivienne: Sige na tulog na. Goodnight

Aries: Sleepwell.

Vivienne: See u tomo

HOLSWTO: RewriteWhere stories live. Discover now