Chapter 1: Assembly

1 1 0
                                    

Nandito kami sa hallway ng school sa mini assembly or gathering namin regarding our talent showcase. Nagtatanungan palang kasi sila ng talents na pwede nila i-showcase. Pero dahil mapapel akong nilalang pumunta ako isa-isa sa kanila para itake note yung mga balak nila gawin. Kaya noong mag-gather kami, binanggit ko na sa leaders namin yung na gather ko. Nag-iisip naman sila ng possible concepts or ways para ipakita namin yung talents namin. We had many choices pero nagsettle kami sa isang theme. The Greatest Showman. Gagamitin namin yung songs ng movie na yun. Bale ganto yung pagkakaarrange ng performances.

The Greatest Show: Intro – lahat kami except Carla, si Nathan ang pinakacenter namin sa performance. Kumbaga kami yung back up dancers niya.

A Million Dreams- mag gigitara si Carla at Van, kakanta si Lalaine at Chella, habang magpplay ng kalimba si Freya. Sasayaw din si Luisa.

Rewrite The Stars- magkapartner kami ni Aries. Interpretative dance ang gagawin namin.

This Is Me: Outro- magsspoken poetry si Alexandra at Keithlyn. Habang nagddrawing si Aira. After magspoken nung dalawa, tatayo kaming lahat and sasabay sa karaoke version ng "This Is Me" habang si Aira umiikot para ipakita yung drawing niya.

Yun yung napagusapan ng lahat and we agreed to practice during our freetime or break time. As for me, tingin ko hindi naman kami magkakailangan ni Aries kahit pa ano yung step since he is a dancer. Well, that's what I heard. I mean, sayaw lang naman to. Though, I'm really excited kasi magagawa ko na yung isa sa mga bagay na hindi ko nagawa sa junior high school life ko. Gusto ko lang to maexperience.

My ex-boyfriend experienced this kasi before. And yes, hindi ako yung partner niya nun. I was totally fine with it. We were both honor students to the point na lahat ng opportunities na pwede namin i-grab para magka-extra points, iga-grab namin. When it comes to relationships ako yung selosa. Sobrang selosa ko and hindi ko idedeny yun. Ayaw niya nung una, pero pinilit ko siya. Hindi ko nga alam kung pinilit ko siya nun para sa grades or yun yung pagmamaktol ko para iparating na nagtatampo ako. He had a small crush kasi doon sa babae na ipapartner sa kanya. Nakakakaba oo, dahil hindi malabong magloko na naman siya like before. Pero naisip kong kailangan ko siya pagkatiwalaan. Tuwing practice nila nandun ako. Masakit sa mata. Parang may kumukurot sa puso ko nung pinanonood ko sila. Unang araw palang ng practice nila. I saw the way they stare at each other. Specially the way he stares at her. But I stayed, I was looking at them habang padiin na ata ng padiin yung kapit ko sa phone at wallet ko. Katabi ko yung friends niya. So I smiled, I laughed with them. I pretended like it's nothing. Kahit feeling ko durog na durog na ako. Sa bawat lapit ng mukha nila sa isa't isa. Sa bawat yakap niya sa kanya. Parang napapamura nalang ako deep inside. Pero ako yung namilit diba? Ako yung may kasalanan. Pero, kahit maayos na lahat napapaisip pa rin ako e.

Kasalanan ko rin kaya kung bakit siya nagloko?

Yes, he cheated. Maybe because he fell for her to the point na iniyakan niya yung babae. Baka kasalanan ko talaga. Ako yung nagpilit na sumali siya diba? Kasalanan ko rin siguro kung bakit niya ako pinagpalit? Siguro dahil hindi ako enough? Ewan.

Pero syempre, dahil marupok, tanga at martir ako. Pagkatapos mag-fail ng ligawan nila ng partner niya binalikan ko siya. Pero siguro nga may mga bagay na kahit ano pang pilit natin ayusin, pag hindi na talaga kaya, hindi na maaayos pa. But it's okay though. Masaya naman siguro ako?

HOLSWTO: RewriteWhere stories live. Discover now