Chapter 1

70 2 1
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

----


I calmed myself saka umupo ng maayos. Bakit nararamdaman ko na agad ang panalo kahit na wala pa akong ginagaw? Geez.


Biglang pumasok sa classroom si Matthew at sinundan ko sya ng tingin hanggang makarating sya sa pwesto nyang malapit sa bintana.


Kinikilig ako


Ang gwapo nya sa pwesto nya. Well, gwapo naman talaga sya eh pero nae-emphasize ng lighting and ambiance ng pwesto nya yung kagwapuhan nya. Mas nangingibabaw yung kagwapuhan nya kaya di ako magsasawang tignan yung mgandang view mula dito sa pwesto ko.


Nakaupo sya sa second row tabi ng bintana at ako naman ay nakaupo sa 4th row center. Maganda yung pwesto ko kasi hindi ako nakikita masyado ng teacher kapag nakain ako o natutulog, maganda din yung pwesto ko kasi center ako, at mas maganda ang pwesto ko kasi maganda ang view k okay Matthew, malayo nga lang.


Nagulat ako ng lumingon si Matthew sa pwesto ko kaya nagmadali akong lumingon sa kaliwa.


I stared too much


"Aoi sama ka sa canteen?" tanong ng kaibigan kong si Kate.


Life Saver


"No, ikaw nalang. Inaantok kasi ako gusto ko matulog." Lunch, vacant at sunod nito ay recess. I love our schedule kaya nagpupuyat ako kahit may pasok kasi pwede ako bumawi ng tulog dito sa school.


Papasok kang kulang ang tulog at uuwi kang ready to puyat.


Wala tayong pakealam kung anong year na ngayon basta kung kulang ang tulog mo edi matulog ka.


"Okay una na ako Aoi." Pagpapaalam ni Kate at nag-wave naman ako sa kanya.


Aoi Tachibana ang pangalan ko at senior highschool na ako pero wala pa din akong ginagawang matino sa buhay bukod sa syempre top student naman ako na hindi ko alam kung paano nangyari kasi madalas ay naglalaro at nanonood lang naman ako ng kung ano ano imbes na magreview.


Moving on, yung aking beloved Matthew Swing ay crush ng bayan. Kaklase ko sya since- Teka kelan ko nga ba naging kaklase yan? Parang simula kinder ako kaklase ko na yan eh.


Kahit nung mga bata palang kami sikat na talaga yan kasi cute saka matalino at lagi ko sya kakompitensya sa mga best best nung bata ako pero hindi ko pa sya crush non kaya ako ang nanalo. Oh, hindi ko sinasabi na dahil crush ko na sya ngayon ay hinahayaan ko na sya Manalo ha, minsan lang.


Ngayon ay tatlong consecutive years na syang part ng Student Council na may kwenta naman unlike sa mga naririnig ko sa mga kwento noong kapanahunan ng lola ko. Top student but syempre I'm mas topper than him kaya pwede nyo ng sabihin na top 2 ako tas top 3 sya. Never ako magiging top one kasi matalino kaibigan ko di ko mauto.


So as I was saying, hindi ko naman talaga gusto si Matthew nagkataon lang na hindi na mapigilan ng puso ko at ginusto na sya kahit hindi ko naman sya gusto. Let's just say na wala na akong nagawa kundi gustuhin nalang sya kasi yun ang inuutos sa akin ng puso ko.


Binalik ko ang atensyon ko kay Matthew at as usual nagca-catch up na naman sya sa lesson na nakaligtaan nya kasi nagmeeting kanina ang student council at nag-lesson yung teacher naming terror na walang favoritism kaya kahit wala ang pinakagwapong tao sa loob ng classroom ay nagdiscuss pa din sya.


Dear SaudadeWhere stories live. Discover now