•••CLARK's POV•••
Habang nanonood kami nila Charles ng movie, eto na naman ang phone ko ayaw tumigil sa pag-ring. Tawag na naman ng tawag ang number na yun na dapat ay matagal ko na blinock. "Bat di mo sagutin baka importante?" Tanong sakin ni Charles na katabi ko lang "ikaw lang importante sa akin 🙃😁" sabi ko naman sakanya at bumalik nalang siya sa pagkain niya ..... kahit ilang ulit kong i-drop agad yung call e ayaw pa din tumigil kaya sa bwisit ko e sinagot ko na ito at lumabas
"Clark please let's talk please!" Sagot agad nung babaeng tawag ng tawag sa akin "wala na tayong dapat pang pag usapan matagal na tayong tapos" sagot ko naman sakanya "Clark I know I made a mistake before but please give me another chance" sagot ng babaeng naiyak na sa kabilang line "I still love you Clark, I'm still in love with you!" Dagdag niya pa "mahal?! Mahal kita?! Sana naisip mo yan nung mga panahong niloko mo ako! Sana naramdaman mo yan nung panahong pinili mong iwanan mo ko! I was there for you but you chose to go. At ngayon wala ka ng babalikan. Were done Lexy. Were long gone. I'm in love with someone else" binaba ko na ang call at hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinasabi niya. Muntik ko na maibato ang phone ko sa sobrang init ng ulo ko. Pagtingin ko sa bintana, mukhang hindi naman nila ako naririnig sa loob dahil enjoy na enjoy sila sa movie na pinapanood nila. Nagpahangin pa ako sandali at nagpalamig ng ulo.
Matapos ang ilang sandali, pumasok na din ako. Naabutan kong naghuhugas si Clark sa kusina. Yumakap ako sakanya mula sa likod para magpakalma pa kaso tinanggal niya ang yakap ko "oh bakit? 🙂" tanong ko sakanya at yumakap ulit ako "behave ka muna pwede anjan barkada ko" sagot naman niya sa akin kaya naisip kong umupo nalang muna at panoorin siya. Mukha namang hindi niya ako patutulungin sa paghuhugas e. Mula sa likod ko, kinuha niya yung nakasabit na apron pero iniwasan niya ko nung akmang yayakap na naman ako. Nakakainis na din ha kagabi pa siya ganyan 🙄 naisip kong bumalik nalang sa sala at makinuod sa mga barkada niya. "Huy 09:30PM na lagot ako kay mommy uwi na tayo please! 😭" sabi ni Chloe sakanila. "Antayin na natin matapos si Charles para sabay sabay na tayo tsaka diba sabi niya sasamahan ka niya pauwi?" Sagot ni Jef sakanya "hahatid nalang namin kayo matatapos na din naman dun si Charles" sabi ko naman sakanila. At di nga nagtagal e natapos na si Charles sa kusina
Sinamahan ko na si Charles na ihatid ang barkada niya sa arko pati na din hanggang sa paghatid niya kay Chloe pauwi. 10:00PM na din delikado na sa kalsada
"Uhm .... kuya Clark" tawag sakin ni Chloe habang naglalakad kaming tatlo "yes? 🙂" sagot ko naman sakanya na nakangiti. Napaiwas siya ng tingin sa akin nailang ata "sorry nga po pala about the other day" sabi niya sakin na pahina ng pahina 😅 "I just hope that I don't have to witness that happening again 🙂" sagot ko naman sakanya. Hindi naman kasi okay sa akin ang nangyare, besides, hindi naman siya ang dapat na mag-sorry kundi yung jowa niya "well hindi na po talaga...." sagot naman niya "mama mo yun diba?" Sabi naman ni Charles sakanya malapit na pala kami sa bahay nila Chloe "ah oo, nako po mukhang maririnig ko na naman ang sermon niyan 😟" sabi niya at kita ko ang worry sa mukha niya "ako na bahala" sabi ko sakanya at nauna na ako "hi po! 🙂 pasensya na po ginabi si Chloe namilit pa po kase akong manood ng isa pang movie 😅" sabi ko agad sa nanay niya at ngumiti naman siya sa amin "ah tita Yumi pasensya na po ginabi na si Chloe" sabi naman ni Charles "okay lang hinatid niyo naman pauwi ang dalaga ko 🙂 salamat ha! Sige na mauna na kayo at madilim na 🙂" sabi ng mama ni Chloe bago sila pumasok.
Habang naglalakad pauwi hindi ako kinikibo ni Charles, kanina din nung naghuhugas siya parang ayaw niya na naman ako kausapin "wala na si Chloe, pwede na ba ako maglambing sayo babe?" Tanong ko sakanya habang sinusubukan kong hawakan ang kamay niya "bilisan na natin umuwi" mejo bumilis ang lakad niya at hindi ko na nahawakan ang kamay niya. Sumunod naman agad ako sakanya at pinigil ko siya sa paglalakad "may problema ba tayo? Kanina naman nung sinundo mo ako sa bahay nayakap pa kita" umiwas siya ng tingin sa mga mata ko at tatalikod na sana siya pero pinigil ko ulit siya "si Chloe ba? Wala na si Chloe, nahatid na natin siya. Ano ba magsalita ka naman Charles 😞" tumungo lang siya tapos humawak sa kamay ko at naglakad na kami ulit pauwi. Hanggang makarating kami sa gate nila hindi siya nagsalita "Sabihin mo naman Charles kung bakit oh, hindi naman ako manghuhula e 😞" hindi pa din siya nagsasalita pero yumakap siya sa akin ng sandali "good night. Sige na umuwi ka na magsasara na din ako...." sinara na niya ang gate ng apartment tapos umakyat na din, habang ako, naiwan lang sa tapat ng gate nila .... ramdam ko, ramdam kong may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya lang masabi. May nagawa ba ako? May nasabi ba ako?
YOU ARE READING
My Unexpected Change Of Heart
Teen FictionThis is a story based on a true experience of a teenager To add flavor to the story, fictional situations and characters are added so that we can give it a little twist. This will be my first book so I hope that you will like it. I have put hard wo...
