•••CLARK's POV•••
Hays ansarap talaga ng luto ni Charles. Sana hiningi ko yung recipe parang interesting yung way kung pano iluto e haha 😅 hindi ko na napigilan sarili ko kanina pero nakakatuwa yung mga reaksyon ng mukha niya kanina napakacute ❤️ ewan ko ba lumabas pagkapilyo ko haha but it felt genuine while I was telling him those. Ugh! Cheesy ano ba Clark 🙄 umuwi na 'ko sa apartment matapos akong ipagtulakan ni Charles pauwi dahil sa kapilyuhan ko 😁.
Chinat ko agad sila mama para alam ko kung pwede pa akong tumawag. 3 hours ahead kasi ang oras mula sa Sydney. Kaso hindi na naka-reply si Mama kaya mukhang tulog na sila. Sabagay 9PM na din naman kaya hindi malabong nagpapahinga na sila. Binuksan ko lang ang TV pero hindi naman ako manonood. Gusto ko lang 😁 antahimik kase ng paligid 😅 habang nakahiga ako sa sofa e binuksan ko din ang newsfeed ko. Chineck ko agad yung profile ni Charles at mukhang hindi pa niya ako inaaccept. Pano ba naman chinese characters ang ginamit ko sa name ko,wala nakikiuso lang 😂 inedit ko na at nilagay ang name ko tapos minessage ko siya
"Charles 🙂" online kaya 'to? Baka nagliligpit pa hehe hindi ko na natulungan kase naman pinagtabuyan niya 'ko pauwi sa kapliyuhan ko 😁 maya maya pang konti e nakaramdam na ako ng antok kaya naman natulog na 'ko at baka malate pa 'ko bukas , ang hirap pa naman bumangon ng maaga 🙄
•••ALARM 04:45 AM••••
Inaantok pa 'ko pero bumangon na din ako. Nag snooze pa ko ng 15 minutes sa clock pero gising na ako hindi lang ako bumangon agad. Saktong ala singko nag alarm ulit ang phone ko kaya bumangon na talaga ako. Nag init ng tubig pang kape, diretcho sa banyo at nag hot shower pampangising. Hindi na ko kakain sa school nalang pero nagkape ako. 05:40 AM e umalis na ako. Malapit lang naman walking distance mula sa school. Huh? Bukas na ang ilaw kila Charles. Ang aga naman pang hapon pa siya ah🤔? Anyway naglakad na nga ako at nagsuot ng headset habang naglalakad
•••SHUFFLE PLAY | AKO NALANG | ZIA QUIZON•••
"Kung sinu-sino pang tinatawagan mo, nandito lang naman ako
At kung saan-saan ka pa naghahanap, nandito lang naman ako
Kung sinu-sino pang tinatawagan mo, nandito lang naman ako
At kung saan-saan ka pa naghahanap, nandito lang naman ako
Ako na lang sana
Tayo na lang dalawa
Sana malaman mo pala
Ako na lang sana 🎶"
Habang naglalakad ako ramdam ko yung lamig ng hangin. Hay pasko na talaga. San kaya ako magpapasko nito? Panigurado naman mag iinom lang yun si tatay dun sa mga kumpare niya pagkatapos magsabong 🙄 e kung sumunod nalang kaya akong Australia? 'Wag na pala baka hindi na 'ko pabalikin nila Tita 😂 bahala na nga .....
Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko sa aking bulsa. Sino naman kayang magmemessage ng ganto kaaga? Baka sila Mama more likely around 7AM na don. Pagkabukas ko ng phone, nakita kong si Charles pala yung nagmessage at napangiti naman ako ❤️
"Good Morning Clark" chat niya sakin "hindi na ko nakapag phone kagabi after magligpit" ah kaya naman pala kawawa naman 'to pinagluto ko na pinaghugas ko pa napagod siguro 💔 "Good Morning sunshine 😉" nagselfie ako at sinend ko sakanya hihi sayang naman ang gwapo ko kung hindi masisilayan ng ibang tao sa umagang kay ganda 😎 mejo mahangin sorry 😂 "ah ingat ka papasok " aaaawww pinusuan ko yung chat niya haha ang sweet kase. Wala kasing nag gaganyan sakin, sa lapit ba naman ng bahay namin sa school 😂
Habang naglalakad ako nakita ko sa kanto papasok ng school e may lalaking nakatambay. Mag isa lang siya. Nagyoyosi. Dito kase sa school namin uso ang holdapan, suntukan pati basag ulo ng mga kabataan. Sanay na 'ko pero bilang pag iingat, lagi ko pa ding dalawa yung pocket knife ko. Foldable siya at ginawa kong keychain. Mayron din akong bakal na knuckles na hindi ko pa nagagamit. Chill lang akong naglalakad at nilagpasan siya. Ng makalayo ako ng konti e ramdam kong may sumusunod sa akin.
Tinanggal ko yung knuckles ko at sinuot ko sa kanang kamay ko, akmang susuntok na sana ako pagtalikod ko kaso buti nalang napigil ko
"Clark! Chill bro! Aga naman ng basag ulo mo!" Ah si Andrew pala classmate ko 😐 "sorry Drew. Aga mo ah" bati ko sakanya. "Sinabay kase ako ni Daddy sa kotse aga niya kasi umalis naninigurong hindi ako magka-cutting 😂 nung nakita kitang naglalakad e nagpababa na 'ko don sa kanto 😁" binaling ko ang tingin ko dun sa kanto at nawala na din yung lalaking nagyoyosi na may maliit na bag. Nakita ko din ang kotse ng daddy ni Drew na paalis na "puro ka kase kalokohan babagsak ka na bhoi umayos ka" sabi ko sakanya at nagpatuloy na ng paglalakad "para namang hindi ka nasama sa kalokohan namin 😂" natatawa niyang sabi at umakbay saakin. Hinubad ko na ang headset ko since wala na kong maintindihan sa music dahil sa unggoy na 'to.
•••FAST FORWARD•••
Last subject na namin at si Ms. Mojiko na ang prof namin. Nang matapos ang klase e sumama ako sakanya sa faculty. "Nak wala naman ako masyado ipapagawa ngayon sa klase ko. Pwede bang ikaw na muna pumunta sa advisory ko? May aasikasuhin lang akong bills mabilis lang 🙂" pakiusap sa'kin ni Ms. Mojiko since madalas naman akong nasama sa mga klase niya date after ng classes ko pag wala akong ginagawa. Pero first time kong mami-meet ang advisory niya kaya excited ako. Makikita ko kase si Charles ngayon at alam kong magugulat na naman yun 😁
"Ah opo wala namang problema Nay. May ipapa-activity ka ba sakanila?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kami. "Wala naman isang long quiz lang tapos free na silang gawin ang gusto nila. Yung iba nilang prof naman nakausap ko na wala naman din daw sila ipapagawa kaya makakauwi ka na agad after nun" sabi niya sa'kin at papasok na kami ng faculty room "magandang tanghali po 😊" bati ko sa mga prof na nasa room "oh kasama mo na naman anak mo 🙂" bati naman ni Mr. Dela Cruz sa'min "oo hindi na nga ako maglalunch para makabalik agad. Siya muna papupuntahin ko sa advisory ko" sabi naman ni Ms. Mojiko "nako pagkakaguluhan na naman yan don ang gwapo pa naman ng anak mo" sabi ni Ms. Perez, well well well naman Ms. Perez hindi ko maikakailang malinaw ang mga mata mo 😎 mejo mahangin ulit 😂 "grabe ma'am hindi naman po hehehe" pa-humble pa 'ko siyempre 😁 "o eto nak yung questionair oh 12:30PM pwede ka na pumunta don kumain ka na muna ha?" Abot niya sakin nung booklet at sinamahan niya pa ng 100.00 para makakain ako. Sanay na 'ko sakanya kaya hindi ko na tinanggihan mag aaway lang kami 😂 "sige po ingat Nay" sabi ko sakanya at umalis na siya, ako naman tumungo nalang sa canteen.
Binilisan ko lang ang kain at tumambay na din ako sa quadrangle. Dun sa stage namin sa loob ng covered court kung saan ako usually natambay. May 30 minutes pa ako kaya naman nagbasa basa muna ako nung notes na binigay ni Ms. Mojiko. Habang binabasa ko ang topic ng quiz niya e nagring ang phone ko. Si mama natawag...
"Hello ma kamusta po?" Sinagot ko naman agad ang phone "Nak magpapadala ako sa'yo ha? Magkano ba ang bills mo ngayon jan?" May allowance pa naman ako pero nakasahod na siguro sila mama "ah ma bayad ko na po yung bills kahit 'wag ka muna magpadala thank you nalang po" tanggi ko naman sakanya. Wala pa naman kasing bill na nadating din 😂 at pag dumating yun malamang e maliit lang naman "hay nako diba sabi ko 'wag mo galawin savings mo? Para sa'yo yun eh!" At ayan mapapagalitan na naman ako as expected "maaaa" sinubukanko siyang pigilankaso....... " 'wag mo akong ma-mama mama jan! 😤 Oh bukas isasabay ko na kay Ate Mila yung allowance mo sa ipapadala niya okay?" Hay nako si maka talaga ❤️ "I love you ma" sabi ko nalang sakanya at binaba na ang call. Long distance na naman yun baka lumaki bill nun. Although company number naman yung gamit niya pero still.
Pagcheck ko ng oras e 12:35PM na kaya tumungo na ako sa room nila Charles 🥰 nakita ko ang classmates niya nasa labas pa ng room sa corridor nakatambay "uhm excuse me, kayo yung advisory class ni Ms. Mojiko tama?" Tanong ko dun sa isa. "Uhm opo bakit po kuya?" Sagot naman niya "ah pasok muna kayo. Ako muna pinapunta ni Ms. Mojiko may inasikaso lang siya isang mabilis lang na long quiz lang 'to tapos aalis na din agad ako" at pumasok na rin naman agad sila. Pag pasok ko e nakita ko din agad si Charles. Nginitian ko siya agad at halata sa mukha niya ang gulat na makita ako.Ang cute niya talaga pag nagbablush ❤️
YOU ARE READING
My Unexpected Change Of Heart
Teen FictionThis is a story based on a true experience of a teenager To add flavor to the story, fictional situations and characters are added so that we can give it a little twist. This will be my first book so I hope that you will like it. I have put hard wo...
