Opposite 33: Firing.

Start from the beginning
                                    

"Depende na 'yan kung may sira tenga n'yo." -Serge.

"At 'saka bakit mag-kahawak ang kamay nila?" -Khyler.

"Ano kayang nangyari sa kwarto ni Aux?" -Diego.

"Bakit parang nag-iba sila bigla? Creeeeeepyyyyyyy!" -Dellio.

"Creepy creepy ka d'yan. Wala namang multo doon!" -Frethz.

"Malay mo meron! Milagro ang nakikita ko ngayon!" -Dellio.

"Sus! Tinatakot mo lang sarili mo!" -Frethz.

"Bakit sinabi ko bang takot ako? Wait, don't tell me ikaw anv natatakot?" -Dellio.

"A-ano? G-g-g-gago ka ba?!" -Frethz.

"Hahaha!"

"Manahimik kayo!" -Frethz.

"Tama na 'yan. Hoy! Kayong dalawa, kung ano mang nangyari sa inyo sa itaas. Bahala na si Wonder woman. Tara na at kumain na, nagugutom na ako!" -Ghionna.

"Tss. Palagi ka namang gutom!" -Wage.

"Aba? Gago ka?" -Ghionna.

"Maybe yes, maybe not." -Wage.

Ang iingay talaga kahit kailan eh. Hinila ko na si Xienna patungong hapag-kainan at pina-upo. Naka-ngiti lang kami parehas dahil sa sobrang saya ng nararamdaman.

At isa pa ayokong ipaalam sa mga 'yon kung kaano-ano ko si Xienna. Mang-aasar lang 'yon at baka sabihing hindi ako seryoso kay Xienna dahil sa nalaman kong s'ya pala ang kaibigan kong naiwan dati. At saka may rule kami, Simula 15 years old pababa, ay keep private ang mga nangyari. Wala lang, trip lang nila. Sila naman ang gumawa ng rule na 'yan. So bahala na. Pwede namang mag-kwento kung gusto mo. Pero dahil dakila akong tamad. So, yeah.

"Ayusin mo nga ang sagot mong panget ka!" -Ghionna.

"Hoy, tama na 'yan." -Diego.

"Huwag kang epal." -Ghionna.

"Arouch." -Diego.

"Ang kukulit n'yo. Tumigil na kayo sa bangayan. 'yong unang pinag-uusapan natin ay ayon na, nauna na sa lamesa. Kumain na tayo." -Serge.

Sumunod naman sila at unti-unting napupunan ang palibot ng lamesa. Buti na lang at malaki ang lamesang ipinalagay ko sa unit ko.

Kumain na kami at syempre, ang ingay nila.

---

Nandito na ako naka-tayo at kalaban si Sentille. Tuloy na ang Firing. At kami ang final sa paaralan namin. At ganoon din sa kabilang paaralan.

Maglalaban laban kaming apat. Naipanalo ko ng walang kahirap-hirap ang naunang laban.

May tatlong set ngayon. Pataasan ng score.

At dahil nasa kabilang dulo ang pwesto ko ay panghuli ako sa magpapaputok.

Nandito silang lahat. Walang kasabay ang firing eh. Sabay ang chess at volleyball. So, I guess na hindi makaka-punta si Xienna at Frethz sa game ni Ghionna.

Nag-aaim na ng target si Sentille, pero kinaka-usap ako nito. Tss.

"May sasabihin ako sa iyo, Savero." at ipinutok nito iyon, Bull's eye. Mmm, not bad.

Ako na ang susunod at nag-aim na din ng target, hindi ko na pinansin at tinugon pa ang mga sinasabi nito.

"Amm, let's say? Warning? I'm warning you to stay away from Xienna."

Ngumisi ako at kinalabit na ang baril, Perfect Bull's Eye.

Sinipag akong maglaro ngayon dahil kay Dem, kailangan ko daw manalo kung hindi sasapakin n'ya ako.

Oh diba, ang sweet. -_-

"Do you think na matatakot ako sa warning mo?"

Nag-paputok na rin ang dalawa.

Si Sentille na ulit. 2nd set.

Nag-patama na ito at Bull's eye pa din, "Layuan mo na si Xienna, bago pa s'ya gumawa ng paraan na tuluyang maglayo sa inyong dalawa."

"Sino?" Nagtatanong ang mukha ko habang nag-aaim ng target. Bull's eye.

"Sino ang sinasabi mo?"

"Sino nga ba?"

"Umayos ka, Sentille."

Sigurado akong wala ng laban ang dalawang galing sa kabilang unibersidad. Me and Sentille are leading the game.

"Sinasabi ko na sa iyo 'to. Nasa sa iyo na kung gagawin mo o magpapahuli kayo sa kan'ya at tuluyan na kayong magkakalayo."

"Ano bang pinag-sasabi mo? Sino iyon?"

"Magaling ka naman diba? Bakit hindi mo alamin?"

"Tss. Whatever. Sinasabi ko sa iyo, hindi na ako kailan pa lalayo kay Xienna. Nakatali na ako sa kan'ya."

Nag-aim na s'ya ng target. Last set.

"Well then, good luck. Sa huli malalaman mong mag-kaiba kayong dalawa at hindi kayo dapat."

Akmang kakalabitin n'ya na ang baril, "You like my lady? Aren't you? Too bad. She loves me already." Then shoot, pumalya ang paputok n'ya.

Ako na ang magpapa-putok at tinapos ko na ng mabilis iyon. Bull's eye.

"Yes, I like-- no, I love her. S-she loves you? Hindi pwede. Sana alam mo ang mangyayari na pahamak dahil sa pagmamahal. Hindi kayo pwede."

"At bakit naman hindi? Ano ka si tadhana para dumikta kung ano ang pwede at hindi? Well then, fuck you."

"Hindi, pero simula pa lang noong una. Naka-takda na kayong hindu dapat sa isa't isa. Bahala ka ng mag-isip kung anong ibig sabihin ko. At bahala na s'ya na gumawa ng paraan. Good luck, Savero"

Umalis na ito at in-announce na ang panalo at ako 'yon.

Wala akong paki kung makuha ko ang panalo ngayon, pero ano anv sinasabi n'ya?

Kilala ko si Sentille. Kapag may sinabi ito, totoo iyon.

Napa-tingin ako kay Xienna na nasa upuan kasama ang iba.

Hindi ka pa nga nagiging akin, may naka-hadlang na. Mahal kita, Xienna. Alam kong ganoon ka din, wala kang maitatago sa akin. Alam ko, I just do. Pero...

Hindi ba talaga tayo sa isa't-isa?

Iiwan ba ulit kita?

Papakuin ko na naman ba ang pangako ko sa'yo?

Bakit parang may mali sa kwento nating dalawa?

Ano ba ang humahadlang?

Pero kahit ano pa man, patawarin mo ako.

Kahit pa buhay ang nakataya, basta kaligtasan mo ang kapalit. Gagawin ko ang lahat.

Ako ang poprotekta sa iyo.

Pangako iyan.

OPPOSITE: We Are EnemyWhere stories live. Discover now