Isa pang dahilan ay nagkaroon kasi ng girlfriend si Ross. I can see how serious he was dun sa girl. He’s happy with her. Third year highschool lang yung girl. Maganda siya. Malayo sa akin. Di hamak na mas okay naman siyang babae kesa sa akin. Eh sino ba naman ako sa mga mata ni Ross? Ako lang naman ang tagapakopya sa kanya ng assignments, seatworks, at minsan tests pa nga. Yun lang naman ako sa kanya eh.

Hindi na rin niya siguro napansin yun pagbabago ko. Yung pag-iwas ko. Eh panu naman kasi niya yun mapapansin? Eh wala naman siyang pakialam sa akin.

“Okay, since you’re back in class again and it’s already a new year for us, kailangan na rin ng mga new faces na katabi. Bagong quarter na rin ngayon kaya magkakaroon na ulit tayo ng bagong sitting arrangement.” Sabi ng teacher namin. Nagsimula nang tumayo yung mga classmates ko dahil magpapalit na kami ng sitting arrangement.

Isa yan sa mga pakulo ng teacher namin. Every quarter, nagbabago kami ng sitting arrangement. At every quarter ko ring pinagdadasal na sana ay hindi ko makatabi si Ross.

Napwesto ako sa pinakaharap. Malapit sa wall ang upuan ko at bakante pa ang upuang katabi ko. Ilan nalang yung mga classmates kong nakatayo at wala pang upuan. Kaya nga todo dasal na rin ako na sana hindi ko makatabi si Ross.

“Please, please. Wag ko sanang makatabi si Ross. Please po…” Bulong ko sa sarili ko.

“Huy! Wag ka nang magdasal diyan! Hindi yan magkakatotoo.” Nagulat ako nang may biglang magsalita sa tabi ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis na siya ang katabi ko ngayon.

“Hi Hazelle! I’m your new cheatmate!” todo ngiting bati niya sa akin habang nagwe-wave ang kamay niya.

“Cheatmate talaga?” asar na tanong ko then I rolled my eyes.

“Ay? Cheatmate ba nasabi ko? I mean, seatmate pala. Hehe.”

 

“Tsk!” yun nalang ang nasagot ko sa kanya.

Ano ba yan! Sa dinami dami ng mga kaklase ko siya pa ang nakatabi ko. Ang kulit ng lalaking to eh! Siya lang naman si Paolo Cristobal, kaibigan ni Ross. Kung si Ross ang pinakaiiwas-iwasan ko dahil may gusto ako sa kanya, eh si Paolo naman ang iniiwasan ko dahil ayaw ko sa kanya. Sobrang pilyo at pilosopo kasi ng lalaking ‘to eh.

“Uy, ba’t ka nakasimangot diyan? Ayaw mo ba kong katabi? Nakakatampo ka naman.” Naka-pout niyang sabi sa akin. “After all these years?” sumimangot siya sa akin.

“Anong after all these years na sinasabi mo diyan?” naaasar na tanong ko sa kanya.

“Ha? Ah eh, siyempre kasi classmates tayo mula pa nung unang beses na mag-aral tayo sa school na ‘to. Ngayon nga lang kita nakatabi eh. Tas ganyan ka pa.”

 

“Ehh? Ewan ko sa’yo.” Inirapan ko nalang siya. Haay! Hindi nga si Ross ‘tong katabi ko, pero ito namang epal niyang kaibigan ang nandito.

Can't You Love Me Again? [Short Story]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant