at ganon din ako sa kanya

nandito na ngayon ako sa labas ng apartmet namin nakita ko agad si Neo mula sa malayo

kumaway ako sa kanya at kumaway rin sya pabalik sakin na nakangiti

ang pinagtataka ko lang ngayon ay bakit nakapormal sya na damit

black ba po at puting pants na may bow tie

at bakit walang ilaw sa apartment namin naputulan ba kami ng kuryente?

kaya agad na akong umakyat dahil pagod narin ako sa buong araw na ito

"opppss... dyan ka lang mahal" pagpigil sakin ni Neo ano na naman kayang drugs ang tinira nya at ayaw nya akong papasukin?

"at bakit naman ayaw mo kong papasukin ha mahal?" at ang pinagtataka ko ay bakit parang may mali sa kanya

"may surprise ako ngunit dapat hindi mo muna ito makita, kaya pipiringan kita" nako ha may nalalaman pa syang pasurprise-surprise na yan ha

"ikaw ha ano na naman kaya yan?, pero sige ready na ko"sabi ko sa kanya at iyon na nga sinimulan nya na akong piringan at nagsimula na kaming maglakad sa loob ng apartment

maingat nya akong inaalayan papunta kung saan man sulok ng apartment namin nya ako dalhin ngayon

"malapit na ba tayo" excited na kasi ako eh

"malapit na" bulong nya sakin "wag ka munang didilat hagang hindi ko sinasabi ha" nako naman mamamatay na ako sa excitement nito hindi ko pa makikita iyong surprise nya para sakin

tinanggal nya na ang piring saking mga mata, "ok na ba?"

"ok na" sagot nya

nagulat ako sa aking nakita

isang teddy bear na kulay blue na mas malaki pa kaysa sakin na sobrang cute ang tumambad saking harapan, mga kandila sa paligid at isang diner table para saming dalawa

hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapaiyak

mahal na mahal ko ang taong itong

"bakit ka umiiyak hindi mo ba nagustuhan?" tanong ni Neo sakin timang talaga ito paminsan-minsan

"hindi no, nagustuhan ko na nga magal eh" agad akong yumakap sa kanya at binigyan sya ng matamis kong halik

"nga pala mahal ito oh cake mo" natawa ako dahil gawa sa waffles na paborito kong na may blue berry syrup iyong cake na tinutukoy nya

"oh bakit may mali ba mahal ko?" tanong nya sakin

"wala, mahal na mahal lang talaga kita Neo" at nilapit nya sakin iyong cake na waffles

"wish ka na mahal" agad kong pinikit iyong mga mata ko at humiling

na sana maging ok na kami ng pamilya ko, matanggap nila si Neo pati narin ako na kailang sariling anak at syempre ang walang sawang pagmamahal sakin ni Neo

"hhhooo" paihip ko sa kandila ng cake na waffles ng biglang may kumatok sa pintuan namin

"sino yan?" tanong ko ngunit hindi sumasagot baka sila Keith lang

kaya agad akong pumunta sa pintuan at binuksan ito at tama nga ako

sila Keith nga

"SURPRISE HAPPY HAPPY BIRTHDAY!!" sabi nga mga kabarkada ko akala ko hindi nila maaala-ala

"akala ko nakalimutan nyo na iyong Birthday ko" ngiti kong bait sa kanila may mga dala silang mga pagkain pa para pagsalu-saluhan namin

"naklimutan talaga namin pinaalala lang samin ng boyfriend mo na Birthday mo at Monthsary nyo

nagulat naman ako doon o nga Monthsary nga pala ngayon

"nako sorry mahal ko nakalimutan ko" agad kong yakap kay Neo

"ok lang iyon alam ko naman iyong pinagdadaraanan mo ngayon mahal eh." at mas hinigpitan pa ni Neo iyong yakap nya sakin

"uuhhmm... guys baka nakakalimutan nyong may mga dito" pagputol samin ni Mark saming yakapan

agad naman kaming humiwalay ni Neo ng yakap

"tara kainin na natin itong dala nyo" sabi ni Neo sa kanila ok na naman ang barkada ko sa naging desisyon ko sa buhay ko at ok narin sila kay Neo

"tok! tok! tok!" sino na naman kaya iyon?

"ako na magbubukas sabi ni Keith"  kaya dumeretso na kaming lahat sa kusina

"ano Keith sino yan?" hindi na kasi sya nagsasalita eh

"mama't papa mo" sabi nya at agad nanlaki ang aking mga mata dahil doon

"Chris anak" si mama iyon agad naman akong lumingon, sya nga "patawarin mo ako sa nagawa at inasal ko kagabi, sana mapatawad mo ako anak, mahal na mahal ka namin ni papa mo"

itutuloy last chapter na maraming salamat sa mga sumabaybay ng tree of love first book ko po ito dugo't pawis ang puhunan ko. pavoe nalang po maraming salamat ^_^

Tree of LoveWhere stories live. Discover now