28 Pagsubok

178 6 0
                                    

kinabukasan maaga kaming pumasok ni Neo sa school

kahit na hindi parin maganda ang nararamdaman patungkol sa nangyari kagabi samin ng aking mga magulang

kaya nandito ako ipapapatuloy ang bagay na nasimulan ko na kasama ng taong mahal si Neo

haharapin namin ang pasubok na ito na magkasama

Mrs. Sanchez's POV

dito kami dumeretso sa hotel ng aking asawa masama parin ang loob ko sa anak ko

sa dami ng hirap namin ng papa nya para mapalaki namin sya nang mabuti ito ang kanyang isusukli samin

magigi syang isang bakla

hindi ko lubos maisip kung saan kami nagkulang na mga magulang nya

lahat naman binigay namin sa kanya magandang apartment, pinag-aral sa magandang paaralan sa Baguio at sarili nyang kotse

nandito kami ngayon ng asawa ko sa kama namin

hindi ko mapigilang umiyak, malungkot at magalit ng sabay

yakap-yakap ako ng asawa ko ngayon

"mahal tama nayan" pagbibigay ng pampaluwag-loob ng asawa ko

paano nya nagagawang maging ganito kahinahon sa sitwasyon

"bakit gayan ka mahal parang wala kang pakialam sa nangyayari sa ating anak ha?" galit kong natong sa kanya

"mahal naman malaki na ang anak natin hindi na sya isang bata na dapat turuan ng mga bagay na dapat nyang gawin" sagot nya sakin dahilan para mapaharap ako sa kanya nasa likuran ko kasi sya

"mahal hindi mo ba iniisip na nakakahiya ang anak natin?, maraming tao ang manglalait sa pamilya natin?" hindi ko talaga alam sa sarili ko kung bakit hindi ko matanggap ang sarili kong anak

"mahal bakit parang mas pinapahalagahan mo pa ang sasabihin ng ibang tao kaysa sa iisipin satin ng sarili nating anak" nanlaki ang mata ko dahil bigla akong napaisip ng malalim may punto ang asawa ko

"tandaan mo mahal mula bata tinanggap natin sya kahit ano pa sya ng walang kasiguraduhan kong anong mangyayari sa buhay nya sa hinaharap, minahal natin sya ng walang labis at walang kulang" dagdag pa nya

"ngayon mahal  hindi kita iiwan ngunit kung gusto mong magalit sa anak natin hindi rin kita pipigilan ngunit kaya ngayon palang mamimili ka na kung sino ang mas mahalaga sayo iyong mga tao sa paligid o ang anak natin"

hindi ko na lalong mapigilan ang sarili kong mapaiyak lalo, lalo na nang pinamukha sakin ng asawa ko na mali ako para magalit sa anak namin

ayaw ko ring icelebrat namin ang birthday ng anak ko na nagaaway kami kay bukas na bukas kakausapin ko ang anak namin par humingi nang tawad..

"mahal halika na dito" yaya ko sa asawa kong nasa sala nagpapahinga

"ano nakapagdesisyon ka na ba?" bakit kaya napakahirap maging magulang

"oo hihingi na ako ng tawad sa anak natin bukas na bukas rin" dahilan para mapangiti ang asawa ko pati narin ako

dahil alam ko sa sarili kong may tama akong gagawin para sa anak namin

itutuloy..

malapit nang matapos kaya pagkatutukan ^_^

Tree of LoveWhere stories live. Discover now