18 Iyak

215 7 0
                                    

hindi ko alam kung paano magsisimula

nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko

umiiyak

magisa nalang ako ngayon wala nang nagmamahal sakin

basang basa na ang unan ko ngayon

hindi ko maipaliwanag ng maayos ang nararandaman ko ngayon

nagiisa nalang ako sa kwarto ko ngayon parang kahapon lang mayasa kaming naghaharutan dito sa kama ko

iyong taong mahal na mahal ko wala na

napakatahimik talaga

ayaw ko ng ganito

parang buong buhay ko lagi nalang ganito, magisa nalang ako parati

parating magisa, naiisip ko palang ang mga bagay na ito mas lalong tumitindi ang pagiyak ko

tinanggal ko na ang unan sa ulunan ko ang pinangtapal sa mukha ko para lang kahit papano maibsan ang aking kalungkutan

kinakagat ko ang aking unan habang naghumahagolhol

naaalala ko ang aking masasayang araw na kasama ko si Neo parang kahapon lang

sana dumating sa punto ng buhay ko na hindi na ako masasaktan na ganito

pero alam ko sa sarili ko na imposible ang bagay na iyon

________________________

maaga akong gumising para magluto ng kakainin syempre waffles para sumaya naman ako kahit papano nyan

habang nagluluto ako naalala ko pangalawang araw nya palang patay

umupo ako at naghain ng dalawang plato binigyan ko ito ng waffles at inumin nya

"kain na tayo Neo ako nagluto nyan" at hindi ko na napigilang umiyak lalo

pinangtakip ko na ang aking mga kamay sa aking mukha

tumutulo na nga ang aking luha sa waffles sa plato ko

pinunasan ko ang luha sa aking mata nagsumubo

ang sakit palang kumain pagganito na may namimiss ka ng sobra na sana nandito sya ngayon kaharap ko

ang hirap lunukin itong kinakain ko ngayon parang sobrang sakit sa lalamunan ko

hindi ko na kaya hindi ko na ginalaw pa ang pagkain ko nagdumeretso na ako sa banyo para maligo

kahit na wala ka na Neo kailangan ko paring ipagpatuloy ang mga bagay na nasimulan ko

kailangan kong makapagtapos para sa aking kinabukasan at para sayo

alam kong mahirap magsimula ulit pero alam ko ring magigiging masaya ka pagnakikita akong masaya

kaya araw-araw sisikapin kkong ngumiti para sayo

sana nakikita mo ko gagalingan ko promise ko yan

pagkatapos kong maligo at magbihis nilock ko na ang aking pintuan

iniwan kong bukas ang teres ko incase bumalik ka Neo

tulad ng pagdating mo sa buhay ko

_____________

pagdating ko sa klase namin walang kabuhay-buhay akong umupo sa aking upuan

oo nga pala dito si Neo nakaupo sa tapat ko, namimiss ko na sya ng sobra :(

pero hindi dapat walang makalahalata

"uy!" kalabit sakin ni Keith

"bakit?" lingo ko sa kanya

"nasan si Neo parang hindi ko ata kayo nakitang magkasama ngayon ah?" habang papaupo sya sa upuan nya

"ah sya ba umuwi sa probinsya nila family problems daw" wew buti nalang ayos ang naisip kong palusot

" ah ok" tipid nyang sagot "pero bakit mukhang malungkot ka?" balik nya ng tingin sakin

"wala to puyat lang" nagsmile ako "oh ayan masaya na ako"

"ewan ko sayo pati sakin magsisinungalin ka pa" at umiwas na sya ng tingin sakin kaya umiwas naein ako ng tingin

buong araw normal lang ang pakikitungo ko sa mga kaklase ko, iyong iba talaga paulit-ulit na tinatanong kung nasan si Neo

hay kayo talagang mga tao unli hindi ba pwede nyo namang ikweto iyong sinabi ko sa iba, hay buhay nga naman parang life

maaga akong umuwi at ngayon umiiyak na naman ako sa kama ko

kinuha ko ang butong binigay sakin ni Lala na nilagay ko sa maliit na garapon

tinitingnan ko ito habang umiilaw ito

itong bagay nalang na ito ang nagpapaalaala sakin kay Neo

tinignan ko kung anong oras na

2:30 na pala ng umaga mukhang napuyat nanaman akong kakaiyak

tinanggal ko ang takip na garapon at itinabi ko sa aking pagtulog

Tree of LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin