4 Meet Lala, Lolo and Lulu

471 16 0
                                    

Chris POV

Hay nakakapagod nanaman na araw na to. Binuksan ko na ang pinto ng aking apartment. At binuksan ang ilaw at humiga sa kama ko at pinikit panandalian ang aking mga mata. “Hi Chris kamusta?” wait san galing iyong boses na yon pagdilat ko ng mga mata ko nakita ko syang nakaupo sa kama ko nakauniform parin sya.

Dahil sa gulat ko nahulog ako sa kama ko.”aray! bakit ka kasi nanggugulat eh at ano bang ginagawa mo dito ha at pano ka nakapasok?” tanong ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang balikat kong masakit. “di ba sabi ko sayo ipapaliwanag ko sayo lahat paguwi” sabi nya habang tumatayo para tulungan ako nang bigla nya nalang akong binuhat sa likod nya aaminin ko parehas lang kami pagdating sa hubog ng katawan at ng tangkad pero nakaya nya akong buhatin na parang bata lang lang at papunta kami sa teres ko.

“teka anong gagawin natin dito?” tanong ko sa kanya dahil baka ilaglag nya ako sa 5th floor ng building ng apartment ko. Ngumiti lang sya, tumalon sya kasama ako sa likuran nya “wai…!!!” lang nalang ang aking nasabi at pinikit ko na ang aking mga mata, “nakababa na tayo” sabi nya at dinilat ko ang aking mga mata gulat dahil walang ano mang nagyari sa aming dalawa.

“wait lang….!!” pero bigla nalang syang tumakbo ng napakabilis at dinala ako sa gitna ulit ng mga gubat ng hindi ko alam kung nasaan nanaman ako nito.

At binaba nya na ko.. “dito na tayo” at bumaba na ko “anong ginagawa natin dito?” tanong ko na may halong takot sa dibdib ko baka ako naman ang rerepin ng lalaking to wag po!! Marami pa akong pangarap sa buhay ko..

“Tumigil ka nga” at natigilan ako kahit ano ata ipagawa ng lalaking to gagawin ko ng hindi ko alam kung bakit ko sya sinusunod. “una sa lahat hindi ako tao, hindi pa ganap”sabi nya nakatingin lang ako sa mga mata nya baka nagbibiro lang sya. “Edi ano ka hayop?” pilisopo kong sabi sa kanya “hindi ako’y guardian” sabi nya “guardian ng mga puno at gubat hindi tulad nyong mga tao hindi kami tumatanda at nakakaranas magmahal” tuloy-tuloy nyang sabi sakin.

“pano naman ako maniniwala sayo ha sige nga?” hamon ko sa kanya. Bigla nalang syang naghubad sa harap ko “wait lang wag mo kong rerepin” sabi ko ngumiti nalang sya sakin. “hahaha” nakuha nya pangtumawa at radam kong namumula ng husto ang aking mukha sa ginagawa ng lalaking to.

“Lala,Lolo, Lulu” sigaw nya ng napakalakas “sira ka na talaga tol mas mabuti pa kahit anong problema mo pagusp…..” natigil ako nang may tatlong maliliit na bata ang lumapit sa kanya. Isang batang babae na pula ang buhok, dalawang batang lalake kulay puti at itim ang buhok pero buti pa sila may damit hindi gayang gwapong mokong nato.

“sila ang aking mga trainees bilang kapalit ko bilang guardian ng gubat” "si Lala" turo nya sa batang babae, "si Lolo" ung itim na buhok "at si Lulu" ang puting buhok na bata. “labing dalawang guardian ang meron sa buong mundo upang pangalagaan ng balanseng serkolasyon ng ating nito at gamit ang aking kapangyarihan kaya kong gawin ang gusto ko sa mga puno, tulad nalang nito” nang bigla nalang parang nabali ang puno at ibinigay sa kanya ang isang maliliit na ibon para hawakan nya. “hawakan mo!” sabi nya sakin kaya lumapit na ako sa kanya. “naniniwala na ako sayo” bulong ko sa kanya.

“tara na” sabi nya. “san naman tayo pupunta?” tanong ko pabalik ko sa kanya. “ sa apartment mo” sabi nya habang nakangiti. “teka bakit doon tayo sa apartment ko ha?” sabi ko sa kanya “wala kasi akong matutulugan at tsaka kalahati ng pagkatao ko ay tao na ngayon” sabi nya “at sino namang magbabantay ng gubat ha habang wala ka?” tanong ko ulit sa kanya.

“Sila Lala,Lolol at Lulu kaya na nila yan bilang kapalit ko, mayroon narin silang kapangyarihan para pangalagaan ang gubat” sabi nya “kaya tara na!, sige mauna na kami” at nagpaalam na sya kila Lala, Lolo at Lulu “wai…t!!!” huli na ang lahat at buhat-buhat nanaman nya ko para dalhin sa apartment ko.

“maulog na tayo” sabi nya sakin humiga sa sya saking kama. “teka lang magpalit at kumain ka muna at mailog, wala ka bang damit na dala?” tanong ko sa kanya habang nakahiga sa kama ko. Bumangon sya at ngumiti na parang bata “wala” iyon lang ang tipid nyang sagot sakin.

Kaya pinakain ko na sya at pinahiraman ng damit marami naman akong damit na hindi na ginagamit eh, at tsaka malinis to ah at walang amoy promise.

At natulog na kami pagkatapos naming kumain.. “dito ko gustong matulog sa tabi mo” sabi nya sakin kaya hinayaan ko nalang sya wag nya lang akong gagapangin. Haha joke lang. “sige” sabi at tumabi ako ng konte para magkasya kaming dalawa bago ako tuluyang makatulog nakatitig lang sya sakin hangang nakapikit na ang aking mga mata may ramdam kong may humalik saking mga labi...

Itutuloy…see Lala, Lolo and Lulu's Picture vote and comment please.. >_<

Tree of LoveWhere stories live. Discover now