Chapter 4

241 7 0
                                    


WORRIED na pinagmasdan ni Penpen si Will. Hindi lang ito mukhang malungkot kundi mukha ring nasa ibang lupalop ang isip. Sa dami ng pagkakataong in-imagine niya ang sariling kasama ito na silang dalawa lang, ang nai-imagine niya ay iyong Will na masaya at sweet na sweet sa kanya. Not this surly, depressed person. Pero hindi niya naman ito masisi---just a week ago ay nalaman nito na may cancer ang ina. Worse, ni ayaw itong payagan ng mga daddy nito na pumunta sa US para bisitahin ang ina bilang parusa sa lahat ng pagtakas na ginagawa nito.

So everything---her feelings fo him, his feelings for her took the backseat.

“Hindi ako makapaniwalang gagawin niya 'yon." Mayamaya ay sabi ni Will habang nakatayo sa gilid ng punong mangga. Ang ama ang tinutukoy nito. Nasa likod sila ng campus kung saan tahimik at walang ibang tao maliban sa kanila. Wala naman kasing makikita doon, blankong pader lang at isang puno ng mangga. Ayaw ni Will kumain ng lunch kaya doon na lang sila. Unang araw nitong pumasok matapos um-absent ng ilang araw.

“Ia-update ka naman kamo ng parents mo sa kung anong nangyayari." She twirled her necktie between her fingers.

"But it's not the same. May cancer si mommy at ang layo-layo niya. Kapag namatay siya---”

"Hindi siya mamamatay,” aniya.

“You dont know that!" Tumaas ang tinig nito. Parang natauhan din naman ito kaagad nang malingunan ang itsura ng mukha niya. She probably looked hurt. She is hurt. Pero mas nasasaktan siya para dito. Parang hinihiwa ang puso niya ng slow motion habang binubuhusan ng rubbing alcohol. He really wasn't just a crush anymore. He was so much more.

Lumambot ang tinig nito, “Sorry. Sabi ko naman sayo gusto ko munang mapag-isa eh."

"A-at sinabi ko din sayo, gusto kitang samahan." Ang lahat yata ng kaibigan ni Will ay nirespeto ang kagustuhan nitong mapag-isa maliban sa kanya. Pinigil niya ang lahat---matinding pagka-conscious, hiya at kilig para lang makasama ito. She wanted to be with him. Matapos nitong mawala ng ilang araw, hindi niya na kayang hindi ito makasama. If she could put him inside her backpack, she would.

"Thanks." Namulsa ito, isinandal ang isang paa sa puno ng mangga at nakipagtitigan sa pader. Mukha na naman itong depressed.

"Alam mo, kung kaya ko lang mag-split, kumain ng apoy o ng buhay na manok para gumaan ang pakiramdam mo, gagawin ko." She was feeling useless, anong pinagkaiba niya sa puno ng mangga? Ang puno at siya, pareho lang silang nakatayo doon, parehong walang kuwenta. And then she added, like an afterthought. "Sana may puwede akong gawin para mapasaya ka."

Nilingon siya nito bigla. His face was not exactly happy but different. Lumapit ito sa kanya at nang magsalita ito, pati boses nito, kakaiba din. "Sasaya kaya ako sa lips mo?"

And before her silly brain could process his question, she felt his lips on hers. Hindi si Will ang first kiss niya pero parang ito na din. Her first kiss was forgettable. But Will's kiss---it was remarkable. The kind that starts really sweet, just two lips brushing against each other lightly. But also the kind that gets deeper, braver, sweeter. Hotter.

Misleading pala ang buong mundo dahil ang unang halik ang binibigyan nito ng hype, ng magic. Iyon ang ginagawan ng pelikula, pinapaksa sa nobela at sa umpukan ng mga virgin. But the magic, it wasn't in the first kiss. Its in the real kiss.

Ang halik na kahit mag-apocalypse, hindi niya ititigil. And if the goddamn world really is ending because of his kiss then death couldn't be sweeter. 
Iipinikit niya ang mga mata. Her nostrils were filled by his scent. And it was making her heart pound harder and her pulse race like crazy.

Pumaikot ang ilang daliri niya sa buhok nito na ewan niya kung paano nakarating doon. His hair was as soft as she imagined. She could feel one of his hands on the small of her back. And she burns.

The Third WillМесто, где живут истории. Откройте их для себя