Chapter 3

281 4 2
                                    


YUMUKO ang Physics teacher nila Will na si Ms. Castro sa tapat ng teachers table kaya bahagyang nasilip ang cleavage nito. Ramdam niyang naging attentive bigla ang lahat ng kaklase niyang lalake. At kasama sana siya doon kung hindi lang may ibang laman ang isip niya.

His fingers tapped the desk impatiently. Gusto niya nang mag-bell. Hindi siya mapakali, even worse than usual. When the bell finally rang, mabilis siyang pumunta sa cafeteria at sinuyod ang loob niyon ng mga mata. Nang hindi makita ang hinahanap ay disappointed na pumila siya para bumili ng pagkain. All his friends are weirded out.

“Kamag-anak mo ba si Superman, dude?" Sabi ni Ayie. "Bigla ka na lang nag-swoosh galing sa classroom papunta dito.”

"Gutom lang yan."Komento naman ni Billy.

Ngumiti lang siya. Hindi iyon gutom. It's waiting. Nang dumating ang hinihintay niya ay tinawag niya ito kaagad. “Penpen de sarapen!

She looked surprised.  Nginitian niya ito at inurong ang bakanteng upuan sa tabi. Nabitin siya sa kuwentuhan dahil pagkatapos ng concert kagabi ay dumating na kaagad ang stepfather nito. "Dito ka na lang."

Bilang sagot ay may pag-aalinlangan na nilingon nito ang mga kasama niya, the jocks, the popular kids. Nilingon din niya ang mga ito, daring them to disagree with him. Walang nangahas, nagtinginan lang mga iyon. Because he welcomed and accepted them all. Kahit noong hindi pa sikat ang mga ito.

“Halika na," baling niya kay Penpen de sarapen. May baon naman ito at bitbit na nito iyon.

She slid silenly beside him, amoy-baby powder pa rin. He noticed that her hair was the color of brown sugar when hit by the sunlight.  Nakasuot ito ng maliit na ipit sa buhok na hugis bituin at sa gitna niyon ay isang malaking bilog na may mga nakatikwas sa gilid, like the sun. Her head was a universe.  Way more interesting than Ms. Castros cleavage.

He also noticed that her fingers are small and delicate as they unwrap her sandwhich. It fascinated him that her hands never seem to stop moving. Matapos buksan ang sandwhich ay nagpadausos naman ang isang kamay nito sa lamesa pagkatapos at tinupi-tupi ang tissue paper sa gilid. Mayamaya ay naging bulaklak na ang tissue. She has artistic hands. Ano kayang pakiramdam na ikulong ang mga palad nito sa kamay niya? At bakit niya naman gustong malaman? Was he crushing on her? Imbes na ma-bother ay na-excite siya sa ideyang iyon. Like Christmas came early.

Him and Penpen, it should be interesting. As interesting as her hair.

**********

"SA main gate ka ba dumadaan pauwi o sa likod?" Natigilan si Penpen sa pagsisiksik ng notebook niya sa locker ng marinig ang nagsalita sa may bandang likuran niya.

Si Will iyon.

Ito lang ang nagmamay- ari ng malat na boses na tumatagos sa pores niya, sa balat tapos didretso sa puso at magsasabog doon ng kakaibang high. She was turning into an addict because of him.

"Ha?" Nilingon niya ito at sinalubong siya nang mas nakaka-adik nitong ngiti. May isang linggo na silang nagsasabay nitong kumain pero noon lang siya nito tinanong ng ganoon.

"Sabi ko, sa main gate o ka ba o sa likod dumadaan?"

Is it some sort of quiz? Kapag mali ang sagot niya, hindi na siya kakausapin nito kahit kailan at bukas-makalawa ay aasarin na rin siyang pangit. Napalunok siya. "Sa main gate. B-bakit mo tinatanong?"

“Para sabay na tayong umuwi."

“S-Sabay?" Narinig niyang lumabas sa bibig niya.

“Sabay.”

"Bakit?"

"Anong bakit? Friends tayo diba?"

"Friends?" Parang tangang ulit niya sa sinabi nito. Will just turned her into a parrot. A stupid one.

The Third WillWhere stories live. Discover now