1st Blood: "Booba Man"

Zacznij od początku
                                    

Everyone in this pack knows very well this gay guy has the male wolves around his pinky painted finger. Malay ni Vina kung paano. Benefits, perhaps? Booking... libreng groceries every month... bagong tablets or phones... who the hell knows? Basta't ang alam niya, imbyerna siya sa mga boylet ng baklang iyon na laging pumapasok sa bakery para hingiin ang number niya.

Hindi naman kasi uso sa kanya ang textamate. Jejemon siya. Eows pows!

"Eh... b-big deal ba 'yon? Edi... maglalagay ako ng pampapanget sa mukha. Okay na 'yon, 'di ba? 'Tapos kakain na rin ako ng marami para tumaba ako ng bongga. Dibadibs? Aprub na ba tayo ro'n?"

"Alam mo, Vina, maganda ka naman, eh. May katangahan ka lang talaga."

Aba! At makapanglait 'tong baklitang ito! Ngitngit niya sa isipan. Hindi tuloy niya napigilang isatinig ang mga kasunod niyon. "At least hindi ako dodong na nagta-trying hard malagyan ng kweba!"

Huli na nang matutop niya ang bibig niya para pigilan ang paglabas ng mga salitang iyon. Namula sa galit ang kaharap, bumalik sa pintuan ng bakery at kinuha ang kanyang bag. Pagbalik nito'y hinagis sa kanyang direksyon ang kanyang duffel bag na sa kasamaang palad ay sa mukha niya pa lumanding. Dahil sa bigat niyon ay napahiga siya sa kalsada.

"Hayan! Lumayas ka! H'wag kang babalik dito, inggrata ka!" saka narinig ni Vina ang malakas na pagsarado ng sliding door ng bakery.

Napabuntong hininga si Vina habang nakahiga sa gitna ng kalsada at nakatitig sa asul na ulap.

Hay, Lord. Una, hindi n'yo man lang ako binigyan ng abilidad na mag-shift o makaamoy ng scent ng mga werewolf. Well at least you make me end up in a pack without the Alpha knowing I am an illegit. Buti na lang malakas 'tong si bakla, tatanga-tanga hindi alam na half-werewolf ako. 'Tapos pangalawa, wala akong pera pwera du'n sa card na iniwan ni— err... nebermaynd.

Mas mabuti nang hindi niya banggitin ang pangalan ng lalaking iyon maski na sa kanyang pagmumuni-muni sa isipan at baka bigla na lamang iyong sumulpot. Kalbaryo na naman sa buhay niya kapag nagkataon.

Bumangon si Vina at naupo. Wala na sa pintuan ang dati niyang amo. At tutal naman ay na-forced eviction naman siya, bakit ba hindi pa niya lubusin? Ano pa ba namang pipigil sa kanya para singhalan ang babaeng may lawit na iyon?

"Wow ha! Salamat! Nag-abala kang ipag-impake ako! Salamat talaga! Sana umunlad 'yang negosyo mo! Sana maraming ma-food poison sa bakery mo! At sana may pumutol n'yang ano mo nang tuluyan ka nang magpakababae! Letse!"

Dali-dali niyang dinampot ang duffel bag niya na sobrang bigat at saka umalis doon. Iniisip nga niya kung ano bang inilagay niya sa loob niyon at ubod ng bigat. May graba ba ang bag niya?

Sa isang oras na paglalakad, narating na niya ang outskirt ng teritoryo ng Lake Salt. Kung hindi siya nagkakamali, dalawang oras pa at makakarating siya sa kabilang syudad which will be the entrance to the territory of the Moonsault pack located at Maden. Ang problema nga lang, masakit na rin ang paa niya.

Bilang diyosa, naghanap siya ng magandang puno. Kung anuman ang significance niyon, hindi rin alam ni Vina. Ni hindi nga niya sure kung may magandang puno. Ano'ng itsura no'n?

Sa kakahuyan siya dumaan dahil mas kabisado niya ang ruta roon. Isa pa, kahit naman kasi non-shifting werewolf siya ay inclined pa rin siya sa elemento ng lupa gaya ng isang tipikal na taong-lobo.

Naupo siya sa damuhan at sumandal sa malaking puno ng narra. Tinanggal niya ang itim niyang sneakers at hinilot ang kanyang paa. Kasabay niyon ay kumalam ang kanyang sikmura na dumagdag pa sa problema niya. Wala naman kasi siyang pera dahil hindi siya sinuwelduhan ni baklita. Kung alam lang niyang palalayasin pala siya nito de sana'y nagnakaw na lang siya sa cash box.

Black Blood Academy: Rain Jensens  (Published)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz