9th Blood: "Freed"

12.4K 250 16
                                    

BLACK BLOOD ACADEMY: RAIN JENSENS IS NOW UP FOR PREORDER! CLICK THE ORDER FORM IN THE EXTERNAL LINK AND FILL UP THE FORM. ACCEPTING OF ORDERS AND PAYMENTS WILL LAST UNTIL OCTOBER 19, 2017.

BOOK DETAILS:

PAPER: WHITE

SIZE: 5X8

EXTRAS: TOLD IN A DIFFERENT MANNER. BOOKMARK INCLUDED. LIMITED EDITION (NO BATCH 2 IF BATCH 1 WILL ONLY REACH SINGLE DIGIT ORDERS). NO MAXIMUM ORDERS FOR BATCH 1.

FOR CONCERNS DO CONTACT ME AT HEARTRUINER AT GMAIL.COM OR VISIT THE FOLLOWING PAGES FOR UPDATES:

BLACK BLOOD ACADEMY: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM/BLACKBLOODACADEMYSERIES

HEARTRUINER STORIES: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM.HEARTRUINERSTORIES

WEBSITE: HEARTRUINER.WEEBLY.COM

ORDER FORM CAN BE ACCESSED ON THE EXTERNAL LINK OR SIMPLY VISIT http://bit.ly/2veeEZK

***

NAKABUSANGOT ang mukha ni Rain nang tanggalin nito ang

kandado sa kadena na nakakabit sa kaliwang palapulsuhan ni Vina. Para bang sinesentensyahan ang loko. Pakiramdam nga niya'y sinasadya nitong bagalan ang pagkakalag sa kanya.

"Oy ano ba?" sita niya kay Rain mayamaya pa. "contest ng pabagalan? Panalo ka na, bilisan mo."

He squinted his eyes. Nagulat pa si Vina sa lapit ng mukha nila sa isa't-isa. Kinakalas pala kasi nito ang kadena sa kabila niyang palapulsuhan.

"Bakit ba atat na atat kang lumabas? Sa'n ka ba pupunta?"

Hindi niya namalayang napangiti siya sa tanong na iyon. She's getting used to Rain acting like a possessive jerk over her, though ang layo nga namang paniwalaan dahil gaya ng sinabi ni Mickie sa kanya, walang pakialam si Rain sa mga babaeng inuuwi nito para umasikaso sa quote-unquote "bed issues" ng binata. But Vina is actually glad that at least, nakikita niyang nagseselos ito.

Gusto niyang i-observe pa kung hanggang saan ang aabutin ng selos na iyon. And if she's going to be honest about it, gusto niya ring sukatin at malaman kung hanggang saan aabot ang ganoong disposisyon ni Rain at kung tunay ngang may pagka-commitment phobe ang binata.

"I'm going to Becka's. I have things to fix and before you even ask, you can't go. Kasasabi mo lang na may trabaho ka."

He sighed dramatically then released her right wrist. Iyon na ang huling kadena kaya't agad-agad siyang naupo at may galak na hinalikan ang pisngi ni Rain. She giggled—for the first time during her long stay—she giggled in front of Rain and for something he had done. That's why maybe he looked a little puzzled, happy, and overwhelmed.

Tumayo siya mula sa kama at papunta na sana sa pintuan nang hilahin siya ni Rain pabalik. Hinanda na ni Vina ang kanyang kamao sakaling may gawin itong hindi niya magustuhan. Pervert, eh. But instead he just looked at her with disapproval mixed with a wee bit of pleading.

"I had your jeans washed already, princess. They're at my closet. Please change. I don't want you getting down there like that."

Tumingo siya't tinignan ang kanyang suot. Doon niya naunawaan ang pakiusap ni Rain. Naalala niyang ginawa niya nga palang dress iyong puting polo ng binata. She grinned sheepishly bago kumilos na maghalungkat sa closet ni Rain. Agad siyang nagpalit nang matagpuan ang kanyang jeans. Inirolyo na lamang niya ang manggas ng polo para magmukhang disenteng tignan iyon sa kanya.

Black Blood Academy: Rain Jensens  (Published)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz