7th Blood: "Foreplay"

13K 273 21
                                    

BLACK BLOOD ACADEMY: RAIN JENSENS IS NOW UP FOR PREORDER! CLICK THE ORDER FORM IN THE EXTERNAL LINK AND FILL UP THE FORM. ACCEPTING OF ORDERS AND PAYMENTS WILL LAST UNTIL OCTOBER 19, 2017.

BOOK DETAILS:

PAPER: WHITE

SIZE: 5X8

EXTRAS: TOLD IN A DIFFERENT MANNER. BOOKMARK INCLUDED. LIMITED EDITION (NO BATCH 2 IF BATCH 1 WILL ONLY REACH SINGLE DIGIT ORDERS). NO MAXIMUM ORDERS FOR BATCH 1.

FOR CONCERNS DO CONTACT ME AT HEARTRUINER AT GMAIL.COM OR VISIT THE FOLLOWING PAGES FOR UPDATES:

BLACK BLOOD ACADEMY: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM/BLACKBLOODACADEMYSERIES

HEARTRUINER STORIES: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM.HEARTRUINERSTORIES

WEBSITE: HEARTRUINER.WEEBLY.COM

ORDER FORM CAN BE ACCESSED ON THE EXTERNAL LINK OR SIMPLY VISIT http://bit.ly/2veeEZK

***

"WHAT?" bulyaw ang bungad ni Rain doon sa lalaking nangatok

at umistorbo sa 'moment' nila kanina.

Kasi nga naman, ang daming oras na kakatok, doon pa talaga sa kung kailan sila nagmo-moment. Rare na ang mga ganoong sandali, eh. Mabuti nga sa kanya, dapat sa mga gaya n'yan, ibinibitin patiwarik 'tapos ipinapakain ang ulo kay Simsimi.

Pero s'yempre joke lang, magagalit si Lord. Behave tayo.

"May problema po sa ibaba, Alpha," dinig niyang sagot ng lalaki.

Naalarma siya't pinagmasdan ang pintuan kung saan nag-uusap si Rain at ang miyembro nito. Napakunot siya ng noo dahil maliban doon sa narinig niya'y wala na siyang iba pang naringgan sa pag-uusap ng mga ito samantalang naaaninag niya mula sa kanyang posisyon ang pagbuka ng bibig nilang pareho.

Pero base sa naaaninag niyang ekspresyon ni Rain, mukhang hindi magandang balita ang naririnig nito.

Sinundan niya ng paningin ang binata nang tumalikod ito at kumuha ng damit sa walk-in close. Nanatili ang lalaki sa pintuan, nakatayo na parang hinihintay nitong mag-utos si Rain.

"Send Mitch and Roy to me," mga ilang sandali pa'y utos nga ng binata. "I need them to guard Vina. Susunod na ako sa ibaba."

"Yes, Alpha," then the guy turned to her and nodded in acknowledgment. "Alphiya."

Alangan ma'y tumango siya. Umalis kaagad ito sa harapan ng pintuan matapos niyon. Nang balingan ni Vina si Rain, nagkakabit ito ng sinturon sa baywang.

"May problema ba, Rain?" hindi niya natiis na magtanong.

Tumingin sa kanya si Rain. Tila nagtalo ang isip nito ng mga ilang saglit. Then he sighed then walked to her. Naupo ito sa tabi ng kama kaharap ni Vina. He held her hand and gave it a small squeeze. "Nothing you should worry about. It's fine, I'm going to take care of it. I'll have someone to accompany you today until I get back. I won't be long, alright?"

Wala siyang naisagot kung hindi tango na lamang. Pagkatayo ni Rain, eksaktong may kumatok sa pintuan. Binuksan iyon ng binata at pinapasok ang dalawang lalaki. Agad na dumako ang paningin ng mga ito sa kanya't tinanguan siya na wari ba'y nagsilbing isang pagbati. Ang isa sa mga iyon ay nakita niya na dati. Si Roy. Tama. Iyong nabulyawan niyang uto-uto noon na nagkabit ng kadena niya.

Black Blood Academy: Rain Jensens  (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon