ABSCBN Headquarters

5.1K 120 0
                                    

Ang ABSCBN ay isang group ng mga special agents na nagreresolba ng mga mysterious cases. Ang headquarters nila ay located somewhere in Bulacan para may privacy at hindi mablow ang cover ng bawat taong nagtatrabaho doon. Ito ay pagmamay-ari ng tatlo sa pinakamagagaling na agents sa buong mundo: Mister Vidanes, Madame Santos-Concio, at Mister Lopez.

Si Bobet Vidanes (Agent Director) ay nagtatrabaho bilang doctor at freelance agent. Siya ay walang pamilya dahil sa trabaho nya kaya noong nagkaroon sya ng pagkakataon, inampon nya ang isang naaksidenteng lalaki na nakilala nya sa ospital. Ngayon, siya ang director ng agency.

Si Charo Santos-Concio (Ma’am Chaco) ay isang agent din sa CIA. Nagkaroon ng civil war noon na siyang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang mga mahal sa buhay. Ngayon, siya ang presidente ng agency.

Si Gabby Lopez (Mr. Agent) ay kabilang sa special protection team sa White House sa USA. Ngunit dahil sa crisis at gulo sa Amerika, kinailangan niyang umuwi ng Pilipinas. Kaya ngayon, kasama na sya nina Ma’am Chaco at Agent Director na nagpapatakbo ng agency.

Ang ABSCBN agency ay mayroon lamang kaunting agents ngunit ang lahat ng ito’y dumaan sa matinding training at exam. Ang agents na iyon ang ipinapadala nila sa mga location kung saan may kaguluhang nagaganap. Bukod pa ito sa mga agents na nakaassign or nakastay sa iba’t ibang lugar.

Sa bawat siyudad at probinsya, mayroon silang mga field agents na nakadisguise as civilians na siyang magrereport sa headquarters kung may anomalya. Namumuhay sila as commoners pero once na nagkagulo, kailangan nilang tumulong sa pagsasaayos nito kasama ang ibang agents.

Blank Space (A ViceRylle story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon