Decision

1.8K 93 7
                                    

Nasa kwarto lang si Vice at naglalaro ng GTA sa playstation nang pumasok ang mga kaibigan niyang sina Vhong at Billy kasama si Anne. Napatigil sya sa paglalaro nang mapansing seryoso ang mukha ng mga kasamahan lalo na si Anne.

ANNE: Vicente Vidanes, ginalaw mo ba si Karylle nung nasa mansyon kayo???

VICE: Ha? What do you mean?

ANNE: May nangyari ba sa inyo ni Karylle?

VICE: Ahm... (nods)

ANNE: Vice naman!

VICE: (nods) Why?

ANNE: My gosh Vice! What were you thinking??? Bawal yun unless it's a part of the mission!

VICE: I didn't have a choice, Anne! And it's not what you guys think it is! She tortured me that time and kung tutuusin ako ang biktima!

ANNE: Kahit na! Hindi mo ba alam na dahil sa ginawa nyo, mas naging complicated ang case na 'to???

VICE: Huh?

ANNE: Kas---

VHONG: Anne, calm down. It happened already and nandyan na eh. Wala na tayong magagawa.

BILLY: Let's just tell him the truth.

VICE: Ano bang nangyayari?

VHONG: Kuys, yung pagsusuka ni Karylle ay hindi dahil sa sinasabi nyong panis na pansit.

VICE: (O.O) Don't tell me...

BILLY: Yes, Karylle is pregnant. You're the only one that we think is the father of the child she's carrying.

VICE: How sure are you? Baka sa ibang lalaki yan? Di ba bago ako, may ibang lalaki pang dumating sa mansyon?

BILLY: Yes, marami pa pero sa inyong dalawa lang may nangyari. In fact, she never slept with any of the guys before.

VICE: Argh! What have I done?! Alam na ba ni Karylle?

BILLY: Not yet.

VICE: Si dad, alam na?

BILLY: (nods)

ANNE: Ano na'ng balak mo? You know the consequences. It's either you leave and accept your responsibility kay Karylle or you can stay. But we'll clean up and take away the mess you made.

VICE: NO! The "mess" you're talking about is my child. Hindi nyo sya pwedeng patayin. I'll take the first option. I'll leave this agency.

VHONG: Brad, sigurado ka ba dyan?

VICE: Oo. Ayokong tumulad kay Jomari na hindi nagampanan ang responsibilidad kay Karylle at sa nawala nilang anak.

VHONG: Pwede namang sustentuhan nalang sila. Kontratahin nalang natin sila Agent K45 para hindi na nila ipaalam sa taas yung pagkakaroon mo ng anak kay Karylle. Gawan nalang natin ng kwento.

BILLY: Oo nga. Sabihin nalang natin na isa sa mga lalaki dyan yung tatay nung bata.

VICE: Hindi. Pananagutan ko si Karylle. Ayokong lumaki yung anak ko na ibang tao ang tinuturing nyang ama.

ANNE: Isusuko mo na ang pagiging agent mo? I mean you've trained so hard para lang marating ang lugar kung nasaan ka man ngayon. You're Agent V22, one of ABSCBN's best agents. And sinabi mo before na dream mo ang makatrabaho ang ibang international agents like those from S.P.E.C.T.R.E., I.M.F. and O.W.C.A.

VICE: I'm willing to give up everything even my greatest dream for Karylle.

BILLY: Think about it, Vice. Baka nabigla ka lang. Baka magsisi ka lang dahil sa maling desisyon na ginawa mo.

ANNE: Once you leave, there's no going back. They want your final decision later.

VHONG: Pag-isipan mong mabuti, brad. (taps Vice's back) Mamayang alas otso ang next meeting. You still have five hours to think.

Umalis na ang tatlo at naiwan si Vice sa kwarto. Napahiga nalang sya dahil kung tutuusin, may point sila Anne. Hindi naging madali ang pagpasok nya sa agency kahit na anak sya ng direktor. This agency has been his home for five years. The people in it have been his family. Hindi nya ito kayang basta nalang iwan. Malaki ang utang na loob nya dito dahil ito ang tumulong sa kanya lalo na nung mga panahong walang wala sya. And with regards to his dream, he's just a few steps away. Isa sya sa mga agents na pinagpipilian para makipagteam up kay Agent Ethan Hunt ng I.M.F. sa pagsosolve ng case that involves the world's most wanted syndicates and terrorists. It is the biggest case yet.

Hours passed at ilang minuto nalang ay magsisimula na ang meeting. Bago magpunta si Vice sa conference room, nagpunta sya sa kwarto ni Karylle. Kinamusta sya nito ngunit hindi sya sumagot. Lumapit lang siya kay Karylle at niyakap ito ng mahigpit. Pasimple rin nyang hinawakan ang bandang tiyan ng dalaga.

KARYLLE: Hey Vice. Are you okay?

VICE: (smiles sadly)

Lumabas na rin si Vice ng kwarto afterwards. Naiwang nagtataka si Karylle sa ikinilos ni Vice. Kumatok na sya sa pintuan ng conference room at pumasok.

Seryoso ang mukha ni Chaco. Malayong-malayo sa aura nitong maamo at malumanay. Ganoon din ang kanyang ama-amahan.

VICE: Good evening, Ma'am Chaco. Agent Director (nods).

CHACO: Okay, let's start this meeting. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy. Agents should not have any personal connection or attachment to the people involved sa case especially sa subject. And Agent V22 has violated it.

Everyone in the room has disappointed looks on their faces. Pakiramdam ni Vice ay isa siyang malaking failure sa agency nila lalong lalo na kay Bobet.

CHACO: Agent V22, you know the consequences for your misconduct. Perhaps, Agent A21 has given you the options.

VICE: Yes Ma'am.

CHACO: So what is your final decision?

VICE: (sigh) Ma'am, I...

------------------------------------------------------

A/N: Teka lang i-ccut ko lang 'to ah. Chos. Ano kaya ang desisyon ni Agent V22? Abangan sa susunod na kabanata. VOTE, COMMENT, and SHARE... kung gusto nyo lang naman. #DontDemand :D

Bacolod babies and ponies... ENJOY kayo bukas!!!

Blank Space (A ViceRylle story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon