Doors

2K 101 6
                                    


That same night, nakarating na sa headquarters sila Agent Eruption kasama ang mga boys. Agad silang pinakain ng hapunan at pinaglinis ng mga katawan nila. Bukas sila nakatakdang i-undergo sa ilang tests and interrogation.

Sa kabilang dako naman, nakalimutan ni Ambrose na dalhan ng hapunan ang mga lalaki. Maaga siyang nakatulog at nagising lang mula sa ingay na likha nila Vice at Karylle. Hinayaan na lamang nya at bumalik sa pagtulog.

Nainip sila Agent X44 sa paghihintay kay Ambrose kaya gumawa nalang sila ng ibang pagkakaabalahan. Naputol ang pagmumuni-muni nila sa pagpasok ni Archie sa loob ng cellar.

ARCHIE: Agent W33, I found something sa labas. I guess it's a secret passage.

BILLY: I'll check on it. Magstay lang kayo dito.

VHONG: Brad, paano pag dumating si Ambrose?

BILLY: Okay lang. Iwanan nyo nalang ako.

BUERN: Hindi ba delikado?

BILLY: Hindi. You'll be with the agency's best agent. Di kayo papabayaan ni Agent X44.

VHONG: Paano ka?

BILLY: Ako na ang bahala.

Pinuntahan ni Billy at Archie ang sinasabing secret passage. Nasa dulo sila ng isla. Binato ni Archie ang lake. May narinig silang tinamaan na bakal. Pinuntahan nila ito at nadiscover nila ang bakal na pinto sa ilalim ng tubig.


Billy's POV

Pumasok na ako sa loob. I was surprised to see that the water didn't go under this tunnel. Binuksan ko na ang flashlight ko at nagsimula na akong maglakad. This tunnel didn't look creepy at all. Madilim lang pero maayos. Gawa sa bakal 'tong buong tunnel pero walang echo from the footsteps because of the carpet on the floor. May marks ng gulong sa sahig. Gulong siguro 'to ng karitela.

After a few minutes of walking, I reached the end of the tunnel. There are three doors. Dalawa ay may stairs paakyat at yung isa naman ay ramp. I checked out the ramped path. I opened the door and it led me to the room where the cleaning materials are stored. Sa labas nito ang kitchen.

The second door led me to the butler's room. Good thing he was peacefully sleeping kaya hindi nya ako nakita. Then I checked out the last door. I went out sa fireplace sa foyer.


General POV

Papunta si Vice sa kitchen para uminom ng tubig nang marinig nya ang ingay mula sa fireplace. Nagkagulatan sila ni Billy.

VICE: Anong ginagawa mo dito?

BILLY: Brad! Galing ako sa isolated na isla kung saan nila nilalagay yung mga lalaking biktima.

VICE: Oo nga. Pero ba't hindi ka pa sumama pabalik?

BILLY: We're going to get Ambrose. Kailangan namin sya kunin para madala sya sa headquarters.

VICE: Iinterrogate nyo din sya?

BILLY: Oo. Wait, buti nakatakas ka kay Karylle. Baka magising yun at hanapin ka.

VICE: Hindi yun. Natutulog na.

BILLY: Natutulog na... Wait. Bakit ganyan itsura mo? Nagwrestling ba kayo??

VICE: Hindi! 

BILLY: Eh ano yang mga pulang marka sa leeg mo? 

VICE: Wala! Ano lang 'to... Allergy.

BILLY: Ulol! Kilala kita, wala kang allergy sa kahit na ano. 

VICE: Ano... Malamok. Oo, malamok sa taas.

BILLY: Wow. Ang laking lamok naman nung kumagat sa'yo. Tapos ang weird din at leeg mo ang pinuntirya. Iba sya. Galing (slow clap)

VICE: Ewan ko sa'yo! Ano pa ba kasing kailangan mo? Umalis ka na nga!

BILLY: (chuckles) Ay, ito nga pala. I imitated Ambrose's handwriting. Ipakita mo 'to kay Karylle bukas pag hinanap nya si Ambrose. Sabihin mo nalang iniwan ni Ambrose yan. Okay?

VICE: Sige. Salamat.

BILLY: Wala ka bang ipapagbilin?

VICE: Wala naman pero may ipapacheck ako sa'yo.

Nagpunta sila Vice at Billy sa second floor. Tahimik na itinulak ni Vice ang istante sa receiving area at bumungad sa kanila ang isang pintuan. Mukhang matagal na buhat nung huli itong buksan.

BILLY: Woah! I didn't see this door before.

VICE: Kaya mo bang buksan 'to? I think it's jammed.

BILLY: Let me try. (checks the door) It's not jammed, it's locked.

Pinagtulungan nilang buksan ang nasabing pintuan. Pagkaunlock nito, nagpaalam na rin si Billy dahil alas dose y media na ng hatinggabi. May four and a half hours pa si Vice para mag-imbestiga bago magising si Ambrose. Pagkabukas nya ng pintuan...

VICE: Woah.

Blank Space (A ViceRylle story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon