ViceRylle

2K 100 5
                                    

Gabi na at kasalukuyang nasa balcony ng master's bedroom si Karylle. Tahimik nyang pinagmamasdan ang kalangitan na puno ng mga bituin. Pasimpleng tumabi sa kanya si Vice.

VICE: Hey.

KARYLLE: Hi.

VICE: Ahm... Sorry nga pala sa pagtaas ko ng boses sa'yo nung isang araw. Nabigla lang ako.

KARYLLE: (smiles sadly) Okay lang. Mali naman yung ginawa ko. Natatakot kasi ako.

VICE: Saan? Ba't ka natatakot?

KARYLLE: Baka iwanan mo ulit ako. Baka may ibang babae ka.

VICE: (O.O) Ahm... ano. Wala akong ibang babae. Hindi kita iiwan.

KARYLLE: (looks at Vice) Talaga?

VICE: Ah, oo.

Niyakap ni Karylle si Vice. Nabigla si Vice sa ginawa ni Karylle ngunit wala naman syang nagawa kundi yakapin din ito. May kurot sa puso nya nung marinig nya ang mga sinabi ni Karylle. Tila naapektuhan sya sa mga sinabi nito.

KARYLLE: I love you.

VICE: (Okay, this is getting awkward...) Ah, Karylle, pwede ba akong magtanong sa'yo?

KARYLLE: Oo naman. Ano yun?

VICE: Bakit parang takot na takot ka sa'kin nung isang araw? Nung nasigawan kita.

KARYLLE: (gulps) Si... si Jomari kasi. Naalala ko pag nagagalit sya, natatakot ako. He has issues. Short-tempered and hindi nya kayang kontrolin ang galit nya. He's a sweet, loving man but he's a monster when he's mad.

VICE: Sinasaktan ka ba nya?

KARYLLE: Verbally... and physically.

VICE: Ano naman ang ginagawa mo? Hinahayaan mo lang?

KARYLLE: Oo, nagkakaayos din naman agad kami after ng away. Bago matulog, nag-aapologize naman sya. Di namin pinapatagal yung away. (smiles)

VICE: May iba dyan sa ngiti mo eh. Yung totoo, Karylle? Kinikilig ka, ano?

KARYLLE: Vice naman eh!

VICE: (chuckles) Okay okay. Let's change topic pero is it okay if we talk about Jomari?

KARYLLE: Okay lang pero why do we have to talk about him? Is it necessary?

VICE: Not really. I just want to know some things about him. The first time we met kasi napagkamalan mong siya ako.

KARYLLE: Well, sa unang tingin kasi akala ko, ikaw sya. Kamukha mo sya actually and dala siguro ng pagkamiss ko sa kanya kaya napagkamalan kita.

VICE: Magkamukha kami? Can you describe Jomari?

KARYLLE: Yes. May ilang mannerisms rin na pareho kayo pero after a while narealize ko na imposibleng ikaw si Jomari. First, healthy ang choices nya sa food. Proportional ang protein, carbs, fats, fruits and veggies sa meal nya. Then, my Jomari doesn't have any tattoo. For him kasi madumi daw tignan. Yung hairstyle nya palagi is brush up. He spends five to ten minutes sa pag-aayos ng buhok nya. If you touch his hair, mahahampas ka nya. I am the only one he allows to touch his hair. Ako kaya hairstylist nun minsan.

VICE: Okay. Tell me more.

KARYLLE: (chuckles) He is very fashionable. Kapag normal day lang dito sa bahay, he's wearing denim shorts and polo shirt. Minsan nagsusuot sya ng slippers pero most of the time, he's wearing shoes. Sneakers and loafers to be particular. He wears jeans or slacks, long sleeves, and necktie when he goes to work. Yung watch nya, terno palagi sa necktie nya.

VICE: Vain. I saw his stuff, yung mga necktie naman nya, different shades of black and gray lang naman. Kahit relo nya, ganun?

KARYLLE: Oo. Dapat same shade of color yung tie and watch nya. Tapos metikuloso yan. Kahit necktie, socks at briefs nya, dapat plantsado. Ayaw nya ng may lukot. Yung leather shoes nya dapat laging malinis at makintab. Tapos kung napansin mo rin, yung clothes nya sa cabinet, properly arranged. From dark colors to light colored clothes. Yung pants and shorts nya neatly folded. Nasa isang drawer yung mga neckties. Kahit briefs, color coded. Yung shoes naman nya may sariling room, naka-aircon pa!

VICE: Oo nga. Napansin ko yun. Ang arte naman nun. Anong nagustuhan mo dun sa lalaking yun?

KARYLLE: I don't know. Nung una, suplado yan. Madalang ngumiti. Serious type. Pero he's sweet naman. He always brings me flowers pagkauwi nya from work. And this house, he designed this one. Years passed, he became sweeter. Noon ko nakita yung palagi syang nakangiti lalo na nung--- Ayun.

VICE: Nung?

KARYLLE: Masyado ka nang maraming alam. Matulog ka na. Gabi na.

Nagulat at nagtaka si Vice sa biglang pagtataray ni Karylle sa kanya. Wala na syang nagawa kundi mahiga na sa kama. Nakatagilid sya ng higa at nakatalikod kay Karylle. Patulog na sya nang maramdaman nya ang pagyakap ni Karylle sa kanya.

KARYLLE: I'm sorry.

VICE: It's okay. Masyadong personal na yung naging tanong ko.

KARYLLE: (hugs Vice tighter) Nagkasama na tayo for weeks now... Do you love me?

Nabigla si Vice sa tanong ni Karylle at sa totoo lang ay hindi nya alam ang isasagot nya. Umayos sya ng higa at tinignan si Karylle na nakayakap pa rin sa kanya. Tinignan nya ito sa mata. Her eyes are full of emotion. Hopeful pero malungkot.

VICE: Karylle, wa---

Hinalikan na lamang sya ni Karylle bigla. Rough, torrid kiss ang iginawad sa kanya ng dalaga at umabot na rin sa punto na kinakagat na rin nito ang kanyang labi. Though nabigla si Vice sa paghalik ni Karylle ay hindi na rin nya pinigilan at tumugon na rin sya. Para na rin hindi na sya masaktan sa halik ng dalaga kaya sya tumugon.


After 45 minutes, kinumutan na ni Vice si Karylle at hinayaan ng makatulog ang dalaga. Napagpasyahan naman nyang magpunta muna saglit sa bathroom bago bumalik sa kama.


*1 new message received*

From: Juggy

Been calling you bro for several times now. Baka nakatulog ka na. Anyway, I just want to inform you that the package already arrived. We'll open them later or maybe tomorrow. Have fun on your vacation!


Vice's POV

Hala! Eight missed calls from Agent Jugs. Di ko napansin, busy kasi.... basta. Tinext naman nya ako, kaya okay na. Nandoon na daw yung boys na victims ni Karylle. Mamaya daw or baka bukas nalang iinterviewhin ni Agent A21. Okay. 



 ------------------------------------------------------

A/N: Ayan na! Buong chapter na ViceRylle 'to ah! Hahahaha. Will UD again later!

Kung may reklamo or kung ano man, just leave a comment. Thank you po.

Blank Space (A ViceRylle story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon