Chapter 28: Tip of Advice

39 0 0
                                    

Jeckel's POV:

Hay napaka ganda talaga ng umaga kapag nakikita mo agad ang  taong gusto mo. Parang ako ngayon. Nakatitig sa mukha nya habang nakikita syang nag aayos at merong masayang ngiti sa mukha nya.

"Hoy Jeckel, kanina ko pa nahahalata na nakatitig ka sakin. Matutunaw ako haha." hyper na sabi nya sakin. Napangiti ako lalo sa ginawa nya. Kahit saang angle talaga napaka ganda nya.

"Jeckel..." grabe para syang anghel.

"Pangit..."

"JECKEEEEEEEL!!!!!" 

*Boooooogsh*

"Aray ko..." sabi ko nalang. Dahil sa sigaw nya nalaglag ako sa upuan -_-. Grabe yung pwet ko sobrang sakit.

"Sorry Jeckel. Ikaw kasi eh, hindi moko pinapansin." sabi nya sakin habang inaalalayan akong tumayo. 

"Ah sorry natutuwa lang ako sa ayos mo. Nga pala saan ang punta mo at naka dress kapa dyan?" tanong ko sa kanya. Inupo nya ako sa may sofa.

"Ha? May pupuntahan lang ako." sabi nya at namumula pa sya. Nako mukhang hindi maganda to.

"Ah gusto mo ihatid na kita?" tanong ko sa kanya. Umiling sya sakin bilang sagot.

"Nako wag na. May susundo rin kasi sakin dito haha." sabi pa nya. Nako lagot na eto na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Good morning guys. O Tricia, saan ang punta mo?" bati samin ni Kenzie. Naghihikab pa sya at nagunat tapos tumabi sakin sa sofa.

"Ah wala dyan lang hehe xD!!" sabi nya kay Kenzie. Lagot namumula at kinikilig sya. Hindi naman kaya may date tong si Tricia. Nanahimik nalang ako at pinakinggan ko nalang yung pag uusap nilang dalawa. 

"Nako! Mukhang may date ka. Sya ba?" tanong ni Kenzie sa kanya. Tumango naman si Tricia bilang sagot. Ok nagsisisi nako bakit ko pa pinakinggan ang pag uusap nila. Masakit marinig na si Tricia, may kadate na iba.

"Hihi actually crush ko kasi sya kaya ayun, pumayag nako hahaha." sabi nya. Aray double kill.

"Haha good luck sa date mo bebs. Oh Jeckel? Ayos kalang? Kawawa naman kasi ang unan sayo eh, parang masisira." sabi ni Kenzie sakin. Tinignan ko yung unan na hawak ko. Oo nga masyado ko yatang napisil. Maya maya biglang may bumusina sa labas ng bahay.

"Weee, nandyan na sya. Hihi lalabas nako. Ok lang ba ang make up ko?" tanong ni Tricia samin. Nang um-oo yung mga kaibigan nya natuwa sya at nagmadaling lumabas ng bahay. Sinundan ko sya hanggang sa pinto.

"Tricia..." tawag ko sa kanya. Lumingon naman sya sakin ng nakangiti. Napalunok ako. "Ahh, magingat ka ah." nasabi ko nalang. Nag thumbs sya sakin at nagtatakbo na papunta doon sa kotse. Nakita ko naman ang lalaking karibal ko pero dahil din doon, nawala ang paniniwala ko na mapapasakin pa si Tricia. Walang wala ako sa ayos nya. 

Group LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon