Chapter 27: Boys Night Out

48 0 0
                                    

Jeckel's POV:

Kasalukuyan kaming nandito sa pool nila Cedric nagbababad lang. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan tungkol sa mga bagay bagay. Wala sila Tricia nasa mall sila at mamayang hapon pa panigurado ang balik nila dito. Mag bobonding daw sila kaya kaming apat na lalaki ang nabobonding.

"Grabe nakakatawa talaga si Frank kahapon. Para syang ewan natapos bigla yung ice cream haha." natatawang sabi ni Cedric kay Frank.

"Gago ka kasi brad. Alam mo naman na kumakain ako ng Ice Cream papatirin mo ko. Buti nalang hindi natapunan girlfriend ko." sabi ni Frank na ikinatawa naming lahat.

"Oh kayo Carl? May progress naba kayo ni Kenzie?" sabi naman ni Cedric kay Carl. Natawa naman ako sa naging reaction nya. Nagulat at namula agad.

"Yan pa si Carl eh ang torpe nyan." pang asar naman ni Frank sa kanya.

"May tamang panahon sa pag amin ng nararamdaman ko kay Kenzie." seryosong sabi ni Carl. 

"Aysows! Baka naman pagdating nang panahon nayan meron nang iba si Kenzie. Tsk tsk ikaw din haha." sabi naman ni Cedric.

"Ayy ang yabang nyo palibhasa girlfriend nyo na ang mga pangarap nyo sa buhay eh." yamot na sabi ni Carl sa kanila. Natawa nalang kami sa sinabi nya. 

"Oo nga pala, ikaw Jeckel, baka naman sabihin mo samin kung kailan mo didiskartehan si Tricia." sabi naman ni Carl. Nagulat ako sa tanong nya.

"ANO MAY GUSTO KA KAY TRICIA?" gulat na tanong sakin nila Cedric. Pucha paano na to. Ngumisi ng malaki si Carl. Bwisit talaga ang gago napaka ingay.

Flashback

Kasalukuyan kaming nag gagala ni Carl sa mall...

"Pre sino ba yang ka text mo ah parang tuwang tuwa ka yata." sabi ni Carl sakin. Tumingin ako sa kanya.

"Si Tricia. Bakit?" tanong ko sa kanya. Ngumisi sya ng malapad sakin at umiling-iling ang ulo.

"Nako pre umamin ka nga sakin, gusto mo si Tricia no?" tanong nya sakin. Todo iling naman ako sa sinabi nya.

"Hindi ko sya gusto. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya." sabi ko sa kanya. Lalo lang ngumiti ang loko. 

"Talaga lang pre ah." sabi nya sakin at inunahan nya akong maglakad. Tss problema ba nun? Hinabol ko sya at tumigil sya sa isang restaurant."Tara kain na tayo bro. Libre mo nagugutom nako haha." sabi nya at pumasok na doon. Hindi man lang ako nakapalag sa sinabi netong hayop na to ano bayan. Wala nakong nagawa kundi umorder nalang ng pagkain namin. Nang matapos nakong umorder ng pagkain namin ni Carl ay umupo na ko sa pwesto namin.

Group LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon