Chapter 13: The Plan

106 3 0
                                    

Tricia's POV

        OmyG OmyG OmyG! Today is the day na magdedate kami ni ULTIMATE CRUSH EDSON :"> hihi kakilig. Well actually mamayang 8:00 pm pa pero kahit na HAHA ngayon parin yun. Anyways, 10 am palang so meron pa akong 10 hours. Tinext ko yung 3 girls para makapag shopping kami. Para presentable ako tignan mamaya. Maya maya nag reply sila.

          "[Ok. Sama ako.]" reply ni Kenzie.

           "[Ge, ang boring sa bahay eh -_-]" reply naman ni Athena

           "[Naks! Haha XD papaganda sya ng bonggang bongga. Sige gora ako dyan.] reply naman ni Nics.

         Napailing nalang ako sa reply ni Nics. Tong babaeng to kahit kailan talaga. Hahahaha XD! Dahil sa wala akong magawa dito sa kwarto ko kaya nag patugtog nalang ako habang nag fefacebook. Titignan ko lang ang profile nya :"> hahaha ang landi ko lang. Busy ako kaka stalk ng profile nya ng biglang may tumawag. Actually number lang sya pero dahil sa curios ako, sinagot ko...

      "[Hello?]" sabi ko

      "[Wag kang pumunta sa date nyo. Alam kong masama sya. Maniwala ka sakin.]" sabi nya. Kinabahan ako kasi boses... boses LALAKI.

       "[Sino kaba? At pano mo nalaman na may date ako mamaya? Wag kanang tatawag sakin ulit.]" inis na sabi ko at binababa ko na yung tawag nya. Nakakainis sino ba to!!??? Hay hayaan na nga natin. Itatanong ko nalang sa 3 kung sino yung tumawag. Baka sakaling may alam sila.

---

        Nandito na kami sa mall. Pumasok kami sa pinaka favorite naming boutique. Ang Gucci boutique. Grabe, I really love their dresses. Ang cute kasi nang style eh.

        "Girls, hanap nyo nga ako ng magandang dress para sa date namin HAHA XD!" sabi ko

       "Hay nako girl! Kahit anong idamit mo maganda ka parin. Tandaan mo yan." sabi sakin ni Kenzie

        "Awwww, I love you Kenzie." papacute na sabi ko.

       "Che tigilan mo ko HAHA XD!" natatawang sabi nya.

       "Girl ito oh. Ang cute. It's color pink dress, try this one. Then add some accessories like this bracelet and this simple necklace. Then add those lovely white killer heels." sabi nya sakin.

       Sinukat ko yung dress at dahil sa nagustuhan ko, binili ko na. Yun mamaya ang isusuot ko para sa date namin ni Edson. Excited na ko. Haha XD ok ang landi

Jeckel's POV

         Nandito ko sa bahay. Grabe wala akong magawa. Maitext nga yung 3 lalaki, papasama lang ako sa kanila.

*Texting 3 Tol*

        "[Mga Brad! Samahan nyo ko sa mall, bibili lang ng Jersey Shorts.]"

       Maya maya nag reply sila sakin.

       "[Eh brad! Sensya na ah, bawal kasi ako eh. Papagalitan ako ni Mama.] reply sakin ni Cedric

         "[Tol bawal ako. Next time nalang.]" reply naman ni Carl.

         "[Pre hindi ako makatakas kay Papa eh, magagalit yun.]"  reply naman ni Frank

          Hay -_- tong mga kaibigan ko talaga. Tsk. At dahil sa wala kasama, umalis na lang ako sa bahay. Sumakay na ko ng kotse ko at pinaandar ko na ito.

After 30 mins.

       Nandito na ko sa mall. Nagikot ikot ako ng bigla kong nakita sina Tricia. Shet eto nanaman tong puso ko, para akong kinabahan. Takte bading lang? -_-.

       "Girls, doon naman tayo sa Prada. Titingin lang akong shades." sabi ni Kenzie

      "Sige na una na muna kayo, punta lang akong cr." sabi ni Nics

     "Ok sunod ka nalang." sabi ni Athena. At humiwalay na nga si Nics sa kanila. Pagkakataon ko na to. At bigla ko nalang syang hinatak sa papunta sa may Department Store.

      "HOY ANO BA! DONT TOUCH MEHH!" sigaw nya sakin.

      "Pwede bang wag kang maingay. Kala tuloy nila may ginagawa akong masama sayo!" inis na sabi ko

       "Ikaw naman kasi bigla mo kong hinihila, kaya ang akala ko tuloy may gagawin ka saking masama -_-. Nga pala bakit? May problema kaba?" tanong nya sakin

       "Wala naman." nakangiting sabi ko sa kanya.

      "Please wag ka ngang ngumiti, nakakakilabot -_-. Wait! Siguro kaya mo ko hinatak kasi... KASI MAY GUSTO KA SAKIN!!!!" sabi nya

      Nanlaki ang mga mata ko. Takte tong babaeng to -_-

      "Hoy ang kapal ng mukha mo. Ikaw??? Pwede ba baka nga ikaw ang may gusto sakin eh!" sabi ko

     "Wow! Kamag anak mo yata si Amihan eh. Sobrang lakas ng hangin na lumalabas sayo." sabi nya.

     "HA-HA-HA-HA dami kong tawa sayo, mga apat lang naman -_-!" inis na sabi ko

     "Chill kalang ok -_-! Masyado kang bad trip eh. Bakit mo ba ako hinila?" at umupo na kami sa bench

     "May itatanong kasi ako... Tungkol kay Tricia" nahihiyang sabi ko sa kanya.

      "What? Tungkol kay Tricia? Bakit may gusto kaba sa kaibigan ko? Sorry ah, pero iba ang gusto ko para sa kaibigan ko hindi ikaw. Your not suitable for my friend." tuloy tuloy na sabi nya sakin

       Aray -_- medyo hard lang naman sya mag salita.

     "Hoy babaeng feelingerang malandi na kala mo SUPER MOWDEL pero hindi naman, wala akong gusto sa kaibigan mo." sabi ko sa kanya

     "GRABE KA NAMAN! BAHALA KA NGA DYAN! Nandyan na sila. Uiiii Tricia!" nakangiting sabi nya habang kumakaway pa.

     "Nasan?!!!" tanong ko at lumingon lingon ako.

           "HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHA!" tawa ni Nics

      "Hoy bakit kaba tawa ng tawa?"inis na tanong ko sa kanya

      "Sino ba naman hindi tatawa sa reaksyon mo??? Teka nga, may gusto kaba kay Tricia?? Halata kana kasi eh, umamin kana kaya HAHAHAHHAHAHAHA XD!" sabi nya habang tawa ng tawa

     "Eh diba sabi mo I'M NOT SUITABLE TO YOUR FRIEND TAPOS NGAYON PAAMININ MO KO." inis na sabi ko

      "So inaamin mo nga na may gusto ka sa kaibigan ko?" tanong nya

       "Kakasabi ko pa nga lang dba! Bingi lang?" natatawang sabi ko sa kanya

       "OMYG! Wala akong masabi." gulat na sabi nya sakin.

       "Wala kang masabi kasi gwapo ako?" iang asar ko

       "Ang kapal talaga ng mukha mo." sabi nya at naiiling iling pa.

      "Malamang, wala namang mukha na manipis eh." sabi ko sa kanya. At bigls syang nag pout. Kakatawa sya

      "So, dahil gusto mo sya wala ka man lang bang gagawin para mapigilan ang date nya?" tanong nya sakin.

      "May plano ako." at sinabi ko na sa kanya. At pumayag na sya. Nagpaalam na sya. Hay sana gumana yung plano namin. Dahil sakin lang dapat si Tricia

Group LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon