Chapter 30: The Day She Said Yes

29 0 0
                                    

Jeckel's POV:


Hay salamat natapos na ang Hell Week. Sandamakmak na activities ang ginawa namin ngayong week nato. Nandyan ang mga paper works, quizzes, assignments at kung ano ano pa. Isama mo pa ang nalalapit na Basketball Game namin. 2 weeks nalang. Ang makakalaban namin ay ang Escuela de Philip Morris. Ang pinaka mabigat na magiging kalaban namin sa lahat. Masyadong magagaling ang mga estudyante dito. 


Anyways, nandito kami ngayon sa bahay nila Carl. Konting practice daw para sa nalalapit naming game tapos dederecho na kami sa bahay nila Nics. Nang matapos na kaming mag practice, nagpahinga muna kami nila Carl. 


"Oh brad! Ano nang plano mo?" tanong sakin ni Frank. Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo. "Si Tricia ba?" sabi nya sakin. Napatango ako ng wala sa oras.


"Hindi ko pa nga alam brad eh :( wala pakong maisip. Paano ko ba sya pasasagutin?" matagal ko nang iniisip yan. Paano ko nga ba pasasagutin si Tricia. Mahal ko si Tricia alam ko yan. I want it to be romantic. Hindi man magarbo, pero gusto kong maramdaman nyang super special sya para sakin. 


"What if, a trip for two sa Baguio? What do you think?" suggestion naman ni Carl. Sabay sabay kaming umiling nila Frank.


"Hay brad! Hindi ka pa talaga binata." sabi ni Cedric. "Napaka simple lang. Dapat effort talaga." dagdag nya pa.


"Yun ang gusto ko. Simple lang pero effort talaga." maikling sabi ko sa kanila. Nagisip kami ng pwedeng gawin pero wala pa talagang pumapasok sa isip namin. "Hay, tsaka nalang wala pa talaga akong maiisip eh. Pero ang goal ko bago mag start ang laban natin, sakin na si Tricia." sabi ko sa kanila. 


"Korni mo bro. Pero sige supportahan ka nalang namin hahaha." sabi ni Cedric sabay batok sakin. Sira ulo talaga to. Nag shower muna kami at dumerecho na kami sa bahay nila Nics. 


----------


Tricia's POV:


"Hay! Nakakapagod tong week nato. Pwede bang break nalang lagi?" nagrereklamong sabi ni Kenzie. Nandito kami sa bahay nila Nics tambay lang. Pupunta rin mga boys dito. 


"Oo nga eh. Napaka daming activities for this week. Anyways, malapit narin ang Basketball Game. Support nyo kami ng team namin ah. Masyadong magaling for sure ang kalaban." sabi ni Athena.


"Girl, wag mong isipin yun. Mas magagaling kayo. Go Team Winston Academy." masayang sabi ko naman sa kanya. Well, alam ko at alam ng lahat na mas magaling ang Winston Academy. No bias pero wala feel ko talaga. 


"Hay kung sa bagay. Dinadaan nila sa BEAUTY. Mas maganda parin kami hahaha joke. Nagbuhat nako ng bngko." sabi ni Athena samin.


"At sino naman may sabi sayong hindi ka maganda?" biglang singit naman ni Frank. Nandito na pala ang boys. Nakapasok na sa bahay nila Nics ng di namin nalalaman. "Ako mismo sasapak sa kanya." sabi ni Frank. Lumapit si Athena sa kanya at kiniss nya ito sa cheeks. 

Group LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon