"Where's my daughter?!"

Tumawa ito. Baliw!

"I don't know. I don't know. HULAAN MO KUNG SAAN. HAHAHA!" paulit-ulit na sambit neto, baliw na talaga siya. Kaya tinignan ko lang ito ng masama at nanahimik, and I tried to move the chair hanggang natumba ito. Damn! Ang sakit, dahil nakagapos ako rito kaya sumalampak talaga ako sa sahig.

Lumapit naman siya at itinayo ulit ito. And she pulled my hair. Ouch! Napailing ako sa sobrang sakit nang pagkakahila niya sa buhok ko.

"Alam mo ba. Okay sana kung hindi ka na pinanganak. T*ngina mo! Sinira mo ang magandang buhay ko. I have the perfect life, but then—"

Mas hinila pa neto ang buhok ko at pinisil ang baba ko. Ang sakit nang pagkakahawak niya. Damn it! Pag ako nakaalis sa pagkakagapos na 'to. Fuck niya lang. Ingungudngod ko siya sa sahig.

"—sinira mo 'yun. Inagaw mo ang lahat sa akin, si Daniel, I loved him once pero shinota mo siya. I have him first pero nang nakilala ka lang niya, nakalimutan niya na ako. Pakshet, Leysa! Ano bang meron ka na wala ako."

Galit siya! Galit na galit. Binitiwan niya ako at parang baliw na umikot-ikot sa akin. Habang binabanggit ang lahat ng hinanakit niya sa akin at sa lahat. Sinampal niya ako. I can feel her pain sa bawat pangungusap na kaniyang binabanggit. Kaya hinayaan ko lang siyang ilabas lahat-lahat ng sama ng loob niya. Dahil kahit ano mang inis ko sa kaniya, still she's my sister, may pinagsamahan kami.

"At nang dumating sa buhay ko si Fred. I am willing to give up Daniel to you. Kinasal kami. I am the happiest person that time, pero shet! Akala mo 'di ko pansin? Ha? Akala mo ba na di ko napapansing gusto ka niya? Damn it, Leysa! Bat ganun? Bat ikaw lagi. Kaya nilandi ko ulit si Daniel. Ginawa ko siyang asong sunud-sunuran sa akin. Hindi siya makatanggi sa akin, dahil din sa'yo. He loves you more than anything else, more than how he loved me once. At dahil sa lintik na pagmamahal na 'yan, di niya ako kayang iwan dahil pinoprotektahan ka niya. Grabe ang ganda mo, Leysa. T*ngina mo! Hayop ka. Kinuha mo sa akin lahat, lahat-lahat. Pero t*nginang Fred na 'yan, he deceived me! Akalain mo 'yun? Akala ko may karapatan ako sa kanya. But damn it! Niloko niya ako. Binigay ko ang lahat. Pero nagawa niya pa rin akong lokohin..." litanya niya habang tatawa at bigla rin siyang iiyak.

Baliw –'yan siya ngayon. She's really crazy. I looked at her straight in the eyes. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang gaga mo kasi, masyado kang nagpabulag sa pera. Sa yaman. hindi ka naman pababayaan nina Mommy. At papaano ka nga naman mamahalin ng mga taong nasa paligid mo, ni hindi mo nga kayang mahalin muna ang sarili mo. Kaya wag kang magtaka kung bakit –bakit hindi ka nakakaramdam ng totoo at buong pagmamahal sa iba. At akala mo di ka na mahal nina Mom and Dad kasi dumating ako, pero hindi... minahal nila tayo ng pantay, walang totoo, walang ampon. Kasi mahal nila tayo dahil anak nila tayo. But then here you are, nagpakabaliw. Ate, may anak ka! Sana man lang inisip mo muna ang kapakanan ng anak mo, bago ka nagkaganyan, so please. Where's my daughter?" litanya ko sa kanya. Natawa lang ito.

Tawa lang siya nang tawa –na halos maubusan na siya ng hininga kakatawa. Hindi ko alam, malala na pala talaga siya.

"Anak? Mas masaya sana kung anak namin yun ni Fred. PERO HINDI –HINDI LEYSA, isang pagkakamali ang batang iyon. KAYA HINDI KO IBABALIK SA'YO ANG ANAK MO. I ALSO KILLED YOUR SON. YOU KNOW THAT?!" nababaliw na litanya neto. She even jumped with joy, wala akong ibang nararamdaman sa kanya kundi simpatya, awa at lungkot dahil sa nangyayaring ito sa kanya.

"Please, Ate Diana. Ate—" Naputol ang pakikiusap ko nang sumigaw ito, na parang baliw na nakatakip ang mga palad sa kanyang taenga, pero bigla rin siyang napatigil at masamang tumingin sa akin. Lumapit pa ito....

SISTER-IN-LAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon