FOUR

49.7K 552 9
                                    

LEYSA'S POV

MASAYA kaming nag-aalmusal ni Kuya Fred nang dumating si ate.

"Aba! Close na yata kayong dalawa ah," sambit nito na sinuklian ko ng isang matamis na ngiti. Tumayo naman si kuya sa kinauupuan niya at hinagkan si ate.

"I miss you, babe. Alam mo bang ang lamig ng gabi ko? Kasi wala ka sa tabi ko," malambing na sabi naman ni kuya kay ate na tila wala ako rito na nakikinig sa kanila.

"Parang enjoy ka naman kasama si Leysa ah. Oh well, hello baby sis. Namiss kita, It's been a year. Kumusta ka na?" tugon nito at lumapit naman sa akin para yakapin ako at umupo sa katabing upuan ko.

"I miss you too, ate. Finally I'm back. Nakaka-miss din pala ang init dito sa Pinas no. Kumusta naman ang conference mo ate?" As if I'm interested.

"Iyon nakakapagod. Hayy! Wala nga akong tulog sa dami nang inasikaso namin eh." Sino ba naman ang hindi mapapagod kung magdamag kang lumandi 'di ba. Hmm.

"Ahh. Ganun ba ate. Oh kumain ka na, kami nagluto ni kuya niyan. At magpahinga ka muna pagkatapos ate. At okay lang ba kung mag-grocery muna kami ni kuya, after?" sambit ko sa kaniya.

Kaagad naman siyang kumuha ng pagkain at tumabi kay kuya. Napansin ko namang nakatingin si kuya sa akin at parang may gustong sabihin, kaya tinaasan ko ito ng kilay.

"Ah... pwede ba bukas na lang tayo mag-grocery, Leys? Wala kasing kasama rito ang ate mo eh." Sus, tsk!

Sumimangot ako sa sinabing iyon ni Kuya Fred. Kainis naman kasi, nakapagdesisyon na kaming mamimili ngayon tapos biglang change ng plano? Tss.

"Pero kuya! Pumayag ka na, 'di ba? Kung ayaw mo, ako na lang mag-isa," inis kong tugon at tumayo na para maghanda sa pag-alis. Napatigil naman ako sa paglabas ng kusina nang magsalita si ate.

"Sige na babe, samahan mo na si Leysa. Sige ka magtatampo 'yan sayo at matutulog ako buong araw. Kaya hindi rin tayo makaka-babe time," malumanay na sambit naman ni ate sabay ngiti. Tss. Plastik.

"Okay. Sige na Leys, mag-ayos ka na at aalis na tayo," parang napipilitan namang pagpayag ni kuya. Pero wala akong pakialam, basta ang mahalaga maggro-grocery kami. Kaya tumalikod na ako at ngumiti ng palihim.

FREDERIK'S POV

Nandito na ako sa loob ng kotse, hinihintay si Leysa na nagbibihis pa yata. Kainis naman oh, imbes samahan ko ang asawa ko dahil hindi pa ako masyadong busy ngayon sa trabaho at madami pa akong oras na pwedeng quality time naming dalawa, heto naman ako, mas piniling makasama sa paggro-grocery ang kapatid niya. Pumayag kasi ako kanina dahil akala ko ay mamayang hapon pa ang uwi ni Diana.

Kung alam ko lang na maaga siyang uuwi ngayon, eh hindi na sana ako pumayag na samahan si Leysa ngayong araw.

Sa gano'n akong pag-iisip nang may pumasok sa passenger's seat. Hindi ko pa siya tinitignan pero naaamoy ko na ang mahalimuyak nitong pabangong gamit na nagspe-spread sa loob ng kotse ko.

"Let's go na, kuya," sambit ni Leysa na nagpatingin sa akin sa kaniya. At parang nalibog naman ako dahil sa suot nito. Shit! Simpleng white fitted shirt lang naman ang suot niya na nababakat ang magandang hubog ng katawan at shorts na nagpapakita ng makinis, mahaba, at mapuputing biyas nito. Fuck lang! Bigla naman yatang uminit dito.

"So ano kuya? Tititigan mo na lang ako?" Nagising naman ako sa mga pantasya ko nang magsalita si Leysa.

Hindi na lang ako sumagot at kaagad kong pinaandar ang sasakyan, paalis. Malayo-layo ang SM sa subdivision na tinitirhan namin kaya halos mag-iisang oras kaming nasa byahe. At ang buong byaheng 'yon ay parang nakaka-suffocate dahil walang ni isa sa amin ang nagsasalita. Nagtatampo nga siguro si Leysa sa akin.

Agad naman siyang bumaba nang ma-park ko na ang kotse ko sa parking space. Kaya mabilis din akong lumabas para mahabol siya.

"Are you mad at me?" Pinigilan ko siya sa kanyang braso at nagtanong. Tinignan niya lang ako at ngumiti, inalis niya ang pagkakahawak ng kamay ko sa braso niya. At parang nakuryente naman ako nang madikit ang malambot niyang palad sa balat ko.

"Of course not, kuya. I'm grateful pa nga eh, dahil mas pinili mong samahan ako kesa kay ate. Isn't it great? You just chose your sister-in-law than to be with your wife," sarkastiko niyang sambit na nagpatahimik lang sa akin.

Nandito na kami sa Savemore at parang bodyguard niya lang akong nakasunod sa kaniya. Sabi ko nga sa kaniya kanina, na ako na lang ang magtutulak ng cart pero tumanggi siya at tahimik na pumipili at naglalagay ng mga produktong kakailanganin niya.

Nasa hygiene station kami, kumukuha siya ng sanitary napkin, as in yung ginagamit ng mga babae every month, alam n'yo na iyon nang may lumapit na tatlong lalaki sa kaniya. Medyo malayo kasi ako sa pwesto niya kaya hindi mawawaring kasama niya ako. Pero naririnig ko pa rin ang sinasabi ng mga ugok na ito sa hipag ko.

"Hey beautiful, are you alone?" Tanga ka ba? So ano ako? Stand dito? Hindi ba halatang kasama niya ako.

Masama lang akong nakatingin sa kanila. Pero hindi sumagot si Leysa at patuloy lang sa pagpili ng sanitary napkin.

"Pwede ka ba naming mayaya kumain after mo mag-grocery?" tanong uli ng isa kay Leysa, pero hindi pa rin sila pinapansin nito.

"Alam mo Miss ganda, kanina ka pa namin napapansin. Ang ganda mo kasi at ang sexy pa. You are an epitome of beauty and hotness. Ikaw na nga ang hinahanap kong babae eh. You are a girlfriend material –pwede ba kitang ligawan?" Aba't gago 'to ah! Lalapit na sana ako para singhalan sila na lumayo sa hipag ko nang magsalita si Leysa na may hawak na isang pack ng sanitary napkin.

"Kaya n'yo bang bumili ng sanitary napkin para sa isang babae? Kahit ikahiya n'yo pa iyon at matapakan ang pride n'yo bilang lalaki?" tanong niya rito at lumingo-lingo naman ang mga ito bilang pagtanggi.

"Hindi n'yo pala kaya, tapos may gana kayong magtanong sa akin kung pwede n'yo akong ligawan. Paano kung kailanganin ko nito? Hindi n'yo ako bibilhan, dahil ano? Nahihiya kayo? So mga iho, aral muna, bago landi ha.

Natawa naman ako sa sinabing iyon ni Leysa at inilagay niya na nga sa cart ang produktong napili at umalis na. Sinundan ko naman siya agad ngunit nang mapadaan ako sa mga binatilyong pumuporma kanina kay Leysa ay tumigil muna ako at nagsalita.

"Don't you dare come near her again, you dumbasses," sambit ko at turo kay Leysa na nakatalikod na sa kinaroroonan namin.

"Sino ka ba para pagsabihan kami ng ganyan ha!" angas ng isa.

Ngumisi naman ako, "She's my girl, idiot! My wife to be exact. So stop messing with her or else I sue you all."

Hindi ko alam kung ba't ko iyon nabanggit but it feels so right yet so wrong. Ay nako ewan.

Umalis naman ako kaagad sa harapan nila at sinundan na si Leysa at inilagay ko naman ang kamay ko sa bewang niya parang sinasabing akin lang itong babaeng ito.

Nagulat naman siya sa aksyong ginawa ko pero nginitian ko lang siya at hinigpitan pa ang pagkakalingkis ng kamay ko sa bewang niya na hindi naman niya iwinaksi.

Shit! Just thinking her as my wife, makes me hard... so hard. Lalo na at magkalapit ang mga katawan namin ngayon sa isat-isa.

SISTER-IN-LAWWhere stories live. Discover now