EIGHTEEN

30.3K 438 53
                                    

"HI SIS, ngayon lang ulit tayo nabigyan ng pagkakataong magkausap." Pagpuna sa akin ni Ate Diana.

Andito kami ngayon sa birthday celebration ng Lolo ni Kuya Fred, madaming bisita, halos kilalang politiko, artista, businessman, at mga mayayamang angkan. At kasama na kami roon, matalik na kaibigan sa negosyo ni daddy ang tatay ni Kuya Fred kaya masaya sila nang magkatuluyan si ate at kuya. Akala kasi ng lahat panganay talagang anak si Ate Diana ng mga Frank... di nila alam, ako lang ang tunay at nag-iisang anak nila.

"Whatever, kumusta naman ang kompanya," tanong ko, hindi ko sinasadyang lumabas 'yun sa bibig ko na may himig ng pait.

Nasaktan ako nang mas piniling ipaubaya ni daddy ang kompanya ng pamilya kay ate. Isa rin iyong naging dahilan kung bakit unti-unting gumuho ang mga plano ko. Bigla kong naramdamang parang ako na ang ampon at hindi si Ate Diana, parang biglang nagulo ang mga impormasyon ng pagkatao ko.

"Ayos naman. Madali lang namang i-take over 'yun sis. Oh well, kumusta naman ang pagsasama n'yo ng asawa ko, sa tuwing wala ako?" May himig ng pait at galit sa boses niya... di kaya?

Ngumiti ako, my usual sweet devilish smile.

"Masarap. Ops! I mean... we always enjoyed each other's company naman." Tapang-tapangan kong pagtugon.

When she suddenly slapped me hard, napatingin ang lahat sa kinaroroonan namin. Nagulat ang lahat, sa ginawa ng kapatid ko sa akin. Pero mas nagulat ang lahat nang biglang may nag-play na video sa wide white screen sa harap naming lahat.

Me and Kuya Fred, making out sa office niya. F*ckshit.

And again... may naramdaman akong sampal, mas malakas pa sa sampal ng ate ko.

"Dad..." tanging nasambit ko lang.

Nakakahiya. Everyone was staring at me with judgmental eyes and it felt like a dagger thrown to my direction. Lahat nagbubulungan, and I saw how Tito Larry punched his dearest son, Kuya Fred. Habang walang kareak-reaksyon ang Lolo nitong si Don Rafael. He was just sitting there in the mini stage that was arranged for his special day. Para lang siyang nanonood ng isang drama sa teatro.

"You ungrateful child. Paano mo ito nagawa sa Ate Diana mo. You seduced her husband... for what huh?" Tagos sa pusong patutsyada ng mahinhin at maalalahanin kong ina sa akin.

Ang masakit pa, imbis ako ang yakapin niya –she hugged Ate Diana. Parang, parang biglang gumuho ang perpektong mundong meron ako.I can't even moved my feet, kahit gustong-gusto ko nang tumakbo at lumayo sa lugar na ito.

Bakit... bakit? Ito na ba ang karma ko sa mga ginawa kong paghihiganti?

Kung noon ba at nagsalita ako sa tunay na nangyari noong gabi bago ang kasal ko –ganito rin ba ang mangyayari sa part ni Ate Diana... masasampal din ba siya ng tatay at nanay ko?

Bigla na lang tumulo ang aking mga luha... paisa-isang patak hanggang tuluyan na nga itong umagos palabas sa aking mga mata.

I saw Kuya Fred... walking towards our direction.

Ipagtatanggol niya ba ako? Pipiliin niya ba ako?

I stared at him. Nakatingin din siya sa akin... walang emosyon, gusto ko siyang lapitan but I have no courage to do it.

Pero kailangan kaya matatag akong humakbang patungo sa kaniya pero mas masakit pa pala sa sampal ng tatay ko ang mararamdaman ko dahil sa paglapit at pagyakap niya sa ate ko. Bigla akong napatigil sa paghakbang. Nasagot na ang lahat ng katanungan ko.

Tama si Eddy, "He will never choose you over his wife."

Parang sirang plakang paulit-ulit na tumutugtog sa utak ko ang mga sinabing iyon ng kaibigan ko.

Bigla namang napahiyaw ang mga bisita nang biglang nahilo si ate sa bisig ni Kuya Fred.

Para akong basurang nakatumpok lang dito sa gilid ng kwarto ko sa bahay nina Kuya Fred at Ate Diana. Hindi ko alam kung paano pa ako nakauwi... at paano pa ako nagkaroon ng lakas ng loob tumapak sa bahay nila Ate Diana. Andito lang ako sa sulok habang wala sa huwesyong nakatanaw lang sa kabuuan ng kwartong inuukupa ko rito.

Inaalala ang mga panahong pinagsamahan namin ni Kuya Fred sa bawat parte ng kwartong ito, ang saklap ng kinahantungan ng kwentong akala ko ako ang bida –pero ako pala ang magiging kontrabida!

Bakit bumaligtad pa ang mga dapat resulta ng mga plano ko. Bakit ako pa ang nagmukhang masama.

"Gaga... landiin mo ba naman ang asawa ng kapatid mo, at maging kabit. Tama lang sa'yo yan..." sambit naman ng mumunting tinig sa utak ko.

Bigla akong napahawak sa ulo ko para na akong mababaliw. Hindi ko na alam ang gagawin.

Dapat sumama na ako kay Eddy pabalik sa Spain.

Puno na ako ng mga what ifs at panghihinayang nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Iniluwa nito ang bulto ng lalaking dapat hindi ko minahal.

Hindi ako tumayo... hinayaan kong siya ang lumapit sa akin. Papanindigan ko ang sinabi ko noon, I will never beg for someone's love, kung talagang mahal ka nila, they are the ones who will surely beg for it.

Nilabanan ko ng same intensity ang mga titig niya sa akin, hindi rin ako nagsasalita.

I just keep my mouth shut.

"Bakit... bakit andito ka pa?" bungad na tanong niya.

Yeah I know, dapat hindi na ako umuwi pa rito. Tumayo ako. Walang emosyon ko siyang tinignan.

"Give me, 30 mins. at mawawala na ako sa paningin mo, sa mga buhay n'yo," tanging nasabi ko lang sabay nilagpasan siya. Pero hinawakan niya ang braso ko.

"Buntis si Diana," sambit ulit niya.

So? Pakialam ko... as if siya ang ama. Without looking back at him... iwinaksi ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.

At dumeretso sa cabinet para kuhanin ang luggage ko at mag-iimpake na ng mga gamit ko. 'Di siya umalis sa loob ng kwarto, pinagmamasdan niya lang ang bawat paggalaw ko.

Nang matapos kong ayusin ang lahat ng kailangan ko. Marahan kong hinubad ang gown na suot-suot ko pa rin.

Hindi ko inindang hubarin ito kahit alam kong nakatingin siya, at nakikita ko sa full-length mirror ang mga kiss marks na gawa niya sa bawat parte ng katawan ko pero napasinghap ako nang mahawakan ko ang gilid ng katawan ko.

And I saw it, magang-maga ang tagiliran ko... ah bakit di ko ito napansin kaagad, siguro kagabi ito nang nagtalik kami, masyadong napadiin ang pagkakahawak niya sa tagiliran ko. Hindi ko na binigyang pansin iyon, pero nakita ko sa salamin na biglang lumambot ang ekspresyon niya, alam ko nakita niya ang mga pasa. But who cares, kaya nagsuot na ako ng komportableng damit, sneakers, at itinali ang may kahabaan ko ng buhok at ibinaba na ang maleta ko na nakapatong sa kama.

Palabas na ako. But I looked back at him for the last time. Ramdam ko gusto niyang humakbang palapit at yakapin ako. I can feel it. Pero wala siyang lakas ng loob. Nakakatawang isipin 'di ba?

Mas mahalaga ang kayamanan niya, ano ka ba Leysa.

I smiled at him, "Time is up. Sorry for seducing you and making you want me. Akala ko pipiliin mo ako over your wife pero akala ko lang pala. Let's call it quits na lang, hindi na ako manggugulo sa mga buhay n'yo."

And after saying those words. Tumalikod na ako.

I saw it, tumulo ang luha niya... pero imahinasyon ko lng ata.

Kaya dumeretso na akong naglakad palabas ng bahay at sa mga buhay nila.

SISTER-IN-LAWWhere stories live. Discover now