FIVE

51.8K 591 52
                                    

LEYSA'S POV

"SIS... can I ask you something?" tanong sa akin ni ate, tinignan ko lang siya at tumango. At pumikit uli habang ninanamnam ang sinag ng araw na tumatama sa aking maputing balat.

Andito kasi ako sa likod ng bahay nila kung saan naroroon ang infinity shape na pool. Kung saan naisipan kong mag-swimming at mag-sunbathing, nang lumapit si ate sa akin at ewan ko kung anong pakay. Dalawa lang kasi kami ngayon dito sa bahay, pumasok na kasi uli si Kuya Fred sa kompanya niya -nagkaproblema raw kasi kaya kailangan niya talagang puntahan.

"Ahh, hindi naman sa nanghihimasok ako, Ysa ha. Pero ano ba talagang nangyari sa'yo sa araw ng kasal mo? Bakit hindi ka sumipot sa kasal n'yo ni Daniel?" malumanay na tanong niya sa akin, na akala mo ay concern talaga siya. Hunyango!

Ngumisi lang ako kahit nakapikit parin, pero nang magsalita na ako ay tumayo ako sa pagkakahiga at ibinalandra kay ate ang mala-hayop sa gandang kurba ko, charot lang. Pero naka-two piece bikini kasi ako ngayon na kulay pula kung saan halos wala ng matakpan pero disente parin naman ito kung titignan lalo na at ako ang nakasuot. Nakikita ko naman ngayon ang inggit sa kaniyang mga mata, at pagkairita sa taglay kong kagandahan at kaseksihan, siya kasi, losyang na!

Naglakad pa ako palapit sa pool at tumalikod sa pwesto ni ate kaya nakatanaw na ako ngayon sa asul na tubig ng pool bago nagsalita, habang parang pirated na pelikula ko namang nakikita sa kalmadong tubig ang mga nasaksihan ko noong gabing iyon na paulit-ulit na bumabalik sa aking sistema, lalo na ang mga emosyong inilabas ko ng mga oras na iyon.

"Paano kung makita mong may katalik na iba ang pinakamamahal mong lalaki? Let's say, si Kuya Fred ay makita mong may ka-sex na iba at sarap na sarap siya, what you will do?" seryoso kong tanong sa kanya habang nakatalikod pa rin sa kinaroroonan niya.

"A-ano ba namang tanong iyan, Ysa!" may galit na sambit nito sa akin.

"Com'on ate, mahal ka ni Kuya Fred, sabi mo nga 'di ba... so don't worry, he will not cheat on you. Kung sakali lang naman, masyado ka namang kinabahan diyan," sarcastic na pabiro kong tugon kay Ate Diana na alam ko ngayon ay hindi na mapalagay.

He will not cheat on you but I will make him do.

"Pero kahit na. It's not a good joke, Leysa. Alam mong mahal na mahal ko si Fred. I can't take it kung makikita ko siyang may kasamang iba. Akin lang siya, at kalimutan mo na ang tanong ko sayo. Don't you ever ask me again that kind of question," mahabang litanya niya, na palihim namang nagpapangiti sa akin. Kaya tinignan ko siya ng naka-poker face. Kung saan nakita kong nakatayo na siya at nanginginig sa sobrang inis siguro sa akin dahil sa isinambit ko.

"See ate? Hindi mo rin kinaya? Ganyan din kasi ang naramdaman ko nang makita kong may ka-sex na ahas si Daniel sa gubat," sambit ko na naging pabulong na lamang ang aking huling pangungusap at nag-dive na sa pool, without looking at her reaction or waiting for her response.

Serves you right, Bitch!

FREDERIK'S POV

Pauwi na ako sa bahay galing sa WILCO., kompanya ng lolo ko na baling-araw ay mapapasaakin din, nang makatanggap ako ng text message galing kay Diana. It says na umalis siya muna ng bahay at baka hindi ko siya maabutan pagkauwi ko at baka gabihin siya ng uwi o hindi siya makakauwi. Sinagot ko lang din siya ng isang mensahe na 'okay, at mag-ingat.'

Napadaan naman ako sa isang cake shop. At naalala kong paborito ni Leysa ang mango-flavored na cake kaya naisipan kong bumili para sa kaniya.

Halos 15 minutes lang ang naging byahe ko pauwi, at kaagad kong pinarada ang sasakyan at pumasok sa bahay. Sumalubong naman sa akin ang tahimik na paligid -"saan kaya si Leysa?" kaagad kong natanong sa aking isipan at inilagay muna ang binili kong cake for her sa ref, at sinuyod ang buong kabahayan para hanapin siya. Pero hindi ko siya makita at naisipan ko namang pumunta sa likod-bahay kung nasaan ang pool at hindi naman ako nadismaya dahil natanaw ko naman kaagad si Leysa na nagbababad sa sinag ng araw.

Lumapit ako rito nang biglang nahigit ang hininga ko sa tuksong nakikita ko ngayon, that makes me hard... real hard.

Nakapikit siya kaya malaya kong napagmamasdan ang perpekto nitong kurba. Seksi ito sa swimsuit na suot. Shit! She's a living temptation for goodness sake! I am now starting to imagine that I am touching, every part of her luscious sexy body.

Pero dahil sa katotohanang sister-in-law ko siya ay iwinaksi ko sa aking isipan ang mga pantasya ko kasama siya.

At naglakad na ako papunta sa kaniya, pero bago pa man ako makalapit ay lumingon na ito sa kinaroroonan ko at ngumiti.

"Hi kuya! Andito ka na pala!" sambit nito nang nasa harapan niya na ako.

"Yeah. Kanina ka pa ba nandirito?" tanong ko at hindi ko mapigilang pasadahan ng tingin ang katawan niya na halos makita na dahil sa suot nitong swimsuit. Kaya nakaramdam na naman ako ng init, init ng pagnanasa sa kapatid ng asawa ko. I know it's wrong! But I can't help it. At parang nasasakal na ako sa pagnanasang nararamdaman ko kaya niluwagan ko na ang kurbatang suot ko.

"Oo kuya. Wala kasing magawa eh. Kaya naisipan ko na lang magbabad sa pool. Oh well, samahan mo na lang kaya ako rito. Wala naman yata si ate eh." Pagyaya niya sa akin na alam kong hindi ko matatanggihan.

Ngumiti ako at sumagot, "Sure. Teka lang at magpapalit na muna ako ng damit. At may binili pala akong mango-flavored cake nandoon sa ref. Kung gusto mo, dito na natin kainin," sambit ko.

Nakita ko naman ang pagsilay ng matamis na ngiti nito nang banggitin ko ang cake na binili ko. At tumayo ito sa pagkakahiga at bigla niya akong niyakap, shit! I can feel her hard nipples.

"Talaga kuya? Sige, magbihis ka na muna at ako na ang kukuha ng cake at wine," masayang sambit niya at umalis na sa pagkakayakap sa akin at mabilis na tinungo ang kusina.

Kaya umakyat na rin ako sa kwarto para magpalit ng pangpaligo. Pagbalik ko sa pool area ay nakangiting inii-slice ni Leysa ang cake na nasa mesang nandoroon.

"Hey kuya! Maligo muna kaya tayo bago natin kainin ito," suhestiyon niya.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon at hinubad ko na ang t-shirt na suot ko kaya naka-swimming trunks na lang ako. At hindi nakalampas sa paningin ko ang pagpasada ng tingin ni Leysa sa akin. Kaya lihim akong napangisi dahil mukhang attracted din sa akin ang hipag ko.

Sabay kaming lumusong sa pool, at namali ata ng apak si Leysa kaya napayakap siya sa akin. At kung kanina ay na-control ko pa ang sarili ko, ngayon yata ay unti-unti nang naninigas ang alaga ko dahil sa pagkakadampi ng balat niya sa balat ko. She can really make me hard just by touching her. At dahil nabasa na ang suot niyang two piece ay mas nagiging visible na ang nipples niya, katulad nang pagkakahulma ng umbok sa ilalim ko dahil sa suot kong manipis na swimming trunks.

Magkalapit na rin ang mga mukha namin kaya nang magsalita siya ay amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya na amoy strawberry -nakakahipnotismo.

"Ah kuya, pwede mo ba akong turuan lumangoy. Hindi kasi ako marunong eh," sambit niya na tinanguan ko lang.

LEYSA'S POV

"Just stay still Leys, matututo ka rin lumangoy," sabi ni Kuya Fred sa akin, nagpapaturo kasi akong lumangoy sa kaniya.

"Pero kuya, kanina pa ako langoy ng langoy pero hindi naman yata ako umaalis sa kinalalagyan ko eh!" aniya ko at reklamo kunwari.

Kaya hinawakan ako uli ni kuya habang gina-guide sa tamang paglangoy. Napangisi naman ako ng palihim nang nararamdaman ko na ang bawat paghawak sa akin ni kuya ay may halong kakaibang haplos. I knew it! He is attracted to me.

Kanina ko pa napapansin ang mga tingin niyang may pagnanasa at naramdaman ko rin ang erection niya kanina nang mapayakap ako sa kaniya nang palusong na kami sa tubig, nagkunwari kasi akong nadulas para mapayakap ako sa kaniya, na matagumpay ko namang nagawa. At ngayon nga ay nagpapanggap din akong hindi marunong lumangoy para may dahilan ako na mahawakan ni Kuya Fred.

Everything was part of the plan, just a plan to make him cheat to Ate Diana -with me.

At ang una sa mga planong iyon ay ang seduction -I will seduce him by my innocence and naivety. In short, simpleng landi lang para hindi niya mahalata ang mga plano ko. Pero sinisigurado kong mahuhulog siya sa mga bitag ko.

Sorry Kuya Fred, pero ikaw lang ang tanging daan para makapaghiganti ako kay Ate Diana.

"The most painful revenge she will taste from me."

SISTER-IN-LAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon