Chapter 1

27 0 0
                                    

Hello, readers! Sa pagpapatuloy niyo po sa pagbabasa, maaari po kayong makabasa ng mga maling terms. Pagpasensyahan niyo na po ang mga iyon. At sana po suportahan niyo po ito!





Can't We Fall In Love Again
Chapter 1






Habang nakatingin sa mga ulap na animo'y dinadaanan ako, hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano.

Ano kaya ang mangyayari pagkarating ko do'n?

Makikita ko kaya siya?

Tss. Hindi naman kailangan.

'E sila kaya? Makikita ko kaya ang mga kaibigan kong matagal ko nang hindi nakikita at nakakausap?

"Ma'am, want some coffee to drink?" nilingon ko ang flight attendant at tumango. Kaagad itong kumilos at binigyan ako ng maiinom na kape.

"Thank you." tugon ko rito nang hindi man lang ito nililingon. Pagkaalis nito, muli na naman akong napabuntong-hininga.

Mula nang makasakay ako sa eroplanong 'to, hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong bumuntong-hininga.

Kung hindi lang dahil sa business 'e hindi naman ako babalik ng Pilipinas. Wala na din naman akong babalikan dun. Sa US na ang buhay ko. Ni hindi ko nga lubos maisip na balang araw 'e babalik ako rito sa Pilipinas. Kung saan ko nadama ang saya, lungkot, kilig at pagkadurog. Kung saan ko naramdaman na mag-isa ako. Kung saan unti-unti, nawawala silang lahat. Isa-isa nila akong iniiwan. Unti-unti akong nauubos.

Ngayon, masasabi kong ayos na ako. Hindi man kasing saya ng dati ang buhay ko ngayon, kahit papano naman ay masasabi kong ayos na ako.

Muli na naman akong napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung bakit ganito ako ka-frustrated. Napakaraming trabahong dapat isipin pero heto ako't nagiisip-isip ng kung ano-ano.

Ininstruct ko ang secretary ko ng mga dapat niyang gawin at ipinaubaya sa kaniya ang mga 'yon. Mamaya ko na gagawin ang iba. Nais ko munang magpahinga.

-

"Ma'am, we're here." iminulat ko ang mga mata ko nang marinig ang boses na iyon. Si Trizah pala, secretary ko. Tumango lang ako at tumayo na. Isinuot ko ang shades kong nakasabit lang sa shirt na suot-suot ko. Tanghali na kaya natitiyak kong mainit ang panahon lalo na't hindi na sanay ang balat ko sa atmosphere ng bansang pinanggalingan ko.

Sumakay ako sa kotseng nakaabang na samin pagkalabas ko ng airport. Nasa backseat ako habang si Trizah naman ay sa frontseat.

"Nasaan ang schedule ko for tomorrow, Trizah?" wika ko habang nagbabasa ng magazine na nakita ko lamang dito sa kotse. Isa itong cosmopolitan. Tinanggal ko na rin ang suot-suot kong shades. Nasa loob naman na ako ng kotse. Hindi na ito kailangan.

"Ma'am, actually, free po kayo bukas. Wala po kayong appointments, meetings o seminars man lang. Wala po kayong sched for tomorrow." magalang niyang sabi. Kumunot ang noo ko sa kaniyang tinuran.

"Why is that? I'm expecting my full sched for tomorrow." inis kong sambit sa sarili.

Ito naman talaga ang ipinunta ko rito 'e. Simple lang. Business. Mamadaliin ko lang ito, nang sa gayon, kaagad na akong makauwi ng US.

'Paano ko ngayon matatapos kaagad kung wala akong gagawin bukas?'

"Nandito na po tayo." pag-anunsyo ng driver na si Mang Dino. Kaagad akong pinagbuksan ng pinto ng isa sa mga bodyguards ko.

Nauna akong maglakad. Pinapasadahan ko ng tingin ang bawat parte at sulok ng mansion na titirhan ko rito pansamantala. Doon dapat ako sa dati naming bahay pero napagdesisyunan kong bumili nalang ng matitirhan. Paniguradong babalik lang sakin ang nangyari kung doon ako sa dati naming bahay maninirahan. Ayoko.

Can't We Fall In Love AgainWhere stories live. Discover now